What's new

Welcome to Pinoy Tech Forum

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Badminton Enthusiast Thread

krain11

Certified Netizen
𝖩𝗈𝗂𝗇𝖾𝖽
Oct 19, 2021
𝖬𝖾𝗌𝗌𝖺𝗀𝖾𝗌
102
𝖱𝖾𝖺𝖼𝗍 𝖲𝖼𝗈𝗋𝖾
18
𝖯𝗈𝗂𝗇𝗍𝗌
34
Shekels
₪40
Hi guys,

Meron ba ditong mahilig maglaro ng badminton?

Tanong ko lang kung anong rackets ang gamit nyo. Anong sapatos meron kayo, and any other accessories to improve your play. tanong ko din kung bakit ito ang napili nyong gears. Doubles or singles ba ang laro nyo.

Heto ang sa akin:

Doubles player ako. So tinitingnan ko kung mas mag iismash ba ako or mas mag iistay ako sa front. Depende sa partner and kalaban siyempre.

My go to racket : Arcsaber 11, 3U - Nakita ko kasi na malimit ito ang gamit ng mga professional around 2015 to 2017. Tapos nagustuhan ko sya kasi medyo balance and mabigat ang dating. Medyo mahirap gamitin nung umpisa. Dahil nasanay na ako dito, nahirapan na akong gumamit ng ibang racket later on. Kapag smashan ang laro, heto ang ginagamit ko.

My secondary : Apacs Force 80II, 4U - Minsan nagiging mabilisan ang laban and to adjust sa phase ng laro ginagamit ko ito for quick drives and drops. kapag alam ko na malakas ang partner ko sa likod and mas mag iistay ako sa una, heto ang kalimitan na ginagamit ko. Madali kasi i-swing ang magaan and I don't really need too much power sa front.

Shoes - naka yonex ako ngayon. Nasira na kasi ang victor ko. gusto ko lang magtry ng bago.

Accessories - Gumagamit ako ng knee support. medyo bumigay ang tuhod ko a month ago. hehehe. Other than that, wala namang iba.
 
nice!! sana ol. wahaha
 
Back
Top Bottom