emmancosayo
Apprentice
- Aug 11, 2024
- 4
- 2
- 8
- ♂️
- Thread Author
- #1
Magandang araw sa lahat,
Ako si Emman, trenta i-otso na taong gulang at ang gamit kong pagkakakilanlan na pinili (username) ay "emmancosayo" galing sa pinakaunang yahoo-email ko na nahä*k kasabay ng pinakunang fb account ko noong 2017.
Ang kasalukuyang estado ko sa buhay ay isang ganap na "HOUSE-BAND". Ang asawa ko ang breadwinner, at ako ang Tigasin saamin, alam nio na un. Sa mga Dad at home jan, ikinararangal ko kayong makasalamuha.
Matagal na kami ng asawa ko, naghahanap ng site kung saan makakapag download ng tagalog na pelikula na libre, libangan namin ang manood ng mga palabas habang nagsasalo sa hapag kainana. Buti na lang at may nakalaro ako sa basketball at napagtanungan ko kung may alam siyang libreng site na na pwedeng pagdownloadan ng pilikulang hindi banyaga. Salamat sa iyo at nandito na ako ngayon. Ibabalita ko na lang ito sa iyo sa muling pagkikita natin sa basketball-an sa Lunes.
Ang asawa ko ay Kabitenya kaya nandito kami namamalagi sa isang barangay sa loob ng Dasmarinas Etivacs. Ang anak ko naman ay Gentriano sa kadahilanang siya ay ipinanganak sa GentriMed Hospital noong taong dalawang libo't apat na po at kailangan mairehistro ang kanyang kertipikasyon ng pagkapanganak, sa Munisipyo ng General Trias Cavite.
Pansamantala, kakalikutin ko at pagaaralan itong bagong tahanang aking sinalinan. Nawa'y tayong lahat ay maging masaya, at masarap ang ulam mamayang gabihan.
Salamat at ang kalakasan ay sumaatin.
Kuyan Emman