Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Poems Isa't-Isa by EmeraldSoul

xrayDmax

Broadcast Tech
Oct 19, 2020
477
Shekels
₪2,088
“ISA’T-ISA”
by EmeraldSoul

Hindi ko sadyang mawari, kung paano ko sisimulan.
Paghabi ng mga tugmang, iaalay sa iyo hirang.
Kinakapos ang isip, kung paano isasalansan.
Sa tindi ng sakit ng tyan, na ngayo’y nararamdaman.

Magkagayon pa man, nais kong alayan ka ng tula.
Na akin ng nakasanayan, mula pa noong simula.
Ang tanging handog ko, sa aking minumutya.
Pagka’t ikaw ay malayo, at nasa ibang bansa.

O sadyang kaybilis, umusad ng panahon.
Parang kailan lang, hindi pa “Tayo” noon.
Ngayon ay eto na’t, mahigit ng isang taon.
Patuloy kang minamahal, magpa-hanggang sa ngayon.

Malimit man tayo, ay nagkakatampuhan.
May mga pagkakataong, di nagkakaintindihan.
Pangako ko mahal, ikaw lang ang titingnan.
At di ako kailanman, liliko ng daraanan.

Ang Allah ang nagbuklod, sa ating dalawa.
IKAW ang pinili Nya, na aking makasama.
Pagmamahalan natin, ay binasbasan Nya.
Kaagapay ang ISA’T-ISA, sa ating ika… ISANG TAON at ISA.
 
Advertisements
Back
Top