What's new

Welcome to Pinoy Tech Forum

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Stories MY CANADIAN BROTHER BROUGHT A MAFIA IN THAILAND [Action Romace Comedy] | KIKKO25

kikko25

Well-known Netizen
Notable
𝖩𝗈𝗂𝗇𝖾𝖽
Nov 18, 2020
𝖬𝖾𝗌𝗌𝖺𝗀𝖾𝗌
1,472
𝖱𝖾𝖺𝖼𝗍 𝖲𝖼𝗈𝗋𝖾
59,006
𝖯𝗈𝗂𝗇𝗍𝗌
169
Shekels
₪1,214
canadian cover.jpg
DISCLAIMER:
Ang lahat ng karakter at ang mga miyembrong nabanggit sa nobelang ito ay walang anumang kaugnayan sa may akda. ipinapa-unawa rin ng may akda na hindi ginamit ang mga pangalan ng miyembro upang sumikat o kaya naman ay pagkakitaan ng salapi o kahit anumang paraan para kumita ng pera sa nobelang ito. Ang lahat ng pangyayari na nabanggit sa nobelang ito ay kathang isip lamang, anumang pagkaka-ugnay o pagkaka-halintulad ng mga karakter sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. May mga Salitang hindi angkop sa mga Bata, patnubay ng matatanda ay kailangan.



CHAPTER 1:
THE HOMECOMING

Mabilis ang tibok ng kanyang puso, lalong nakakapag pasabik sa kanyang pagka-lalake ang halimuyak ng pabango nito na animo’y sariwang mga bulaklak na pinitas mula sa paraiso ng EDEN. Ramdam niya ang init ng at mabango nitong hiniga na dumadampi sa kanyang pisngi,bumibilis ang tibok ng kanyang puso habang nagkakalapit ang kanilang mga labi, ipinikit niya ang kanyang mga mata at nais damdamin ang matamis na halik nito.. ng biglang……

---------------------------------------------

“Kuya!! Gising na!!” Sigaw ng kanyang kapatid mula sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto. “bumagon ka na raw sabi ni mama!” patuloy nito habang malakas na kinakalampag ang pintuan ng kanyang silid.

“Oo na!!” sigaw niyang tugon. Sabay kamot ng kanyang ulo. Panira naman ng moment ‘tong kapatid kong si @choi03 Bulalas niya sa kanyang sarili. eto na yun ohh!! Malapit ko ng halikan yung babae!! patuloy na saad nito sa kanyang sarili habang pinaghahalik nito ang magkabilang mga daliri ng kanyang dalawang kamay. Napa buntong hiniga siya, “haayyy!!! Sayang!” nanlulumong saad nito.

Muli ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na ibinabalik ang kanyang panaginip, inginuso niya ang kanyang labi na animoy humahalik sa hangin.. Biglang bumukas ang pinto.

“hala s’ya!!” saad ni choi ng bumugad ito mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Bigla niyang naimulat ang mata habang nakanguso pari ang kanyang mga labi.
“naku kuya @yunik tigilan mo na yan!, nananaginip ka nanaman ng gising! Maligo ka na raw sabi ni mama at ma li-late na kayo sa Airport!” patuloy ni choi.

Dali-daling tinakpan ni yunik ng kanyang kamay ang bibig at hinablot nito ang unan at ibinato sa nakatayong kapatid.

“Ga**! Lumabas ka na, susunod na ako sa baba!”

Tumatawang umalis si choi sa kanyang silid. Napangiti si yunik, medyo nahiya siya sa nasaksihan ng kanyang kapatid.

Sinipat niya ang screen ng kanyang cellphone, alas-syiete na ng umaga, dali dali siyang bumagon, hinablot ang nakasabit na twalya at dumiretso na ng banyo para maligo, iyon ang araw na susunduin nila ang kanilang nakatatandang kapatid na si @urvine mula Canada, mahigit sampung taon din mula ng huli silang nagkita nito. Syempre excited din siya sa mga pasalubong na dala ng kanyang kapatid, lalo na ang ipinangako nitong basketball shoes na may autograph pa ng sikat na manlalaro ng Toronto Raptors na si Norman Powell, pero mas gusto niya sana yung Golden State. Kaya lang sa Canada naka base ang kanyang kuya Urvine , sabagay ok lang naman sa kanya yun kasi paborito rin naman niya ang sports na basketball.

Ilang Oras pa ang kanilang hinintay bago lumapag ang sinasakyang eroplano ni Urvine, bakas sa kanyang mukha ang excitement lalong lalo na ang kanyan ina at kapatid na si Choi. Ilang minuto pa ang lumipas at maya-maya’y naaninag na niya ang kanyang kapatid na papalapit sa kanilang kinaroroonan, marami itong dalang malalaking maleta na nakalagay sa pushcart ng MIAA. Sa tatlong magkakapatid sila talaga ni Urvine ang magkamukha, nag-mana kasi sa mother side yung bunso nilang kapatid na si Choi. Pero kung sa itsura, lamang lang ng ilang paligo ang kuya niyang si Urvine, madalas nga napagkakamalan ito na early 30’s na Tom Cruise in Filipino style nga lang.. Masayang nag reunion ang mag i-ina, niyakap ni Urvine ng mahigpit ang kanyang ina, matapos nun ay nilingon niya ang kanyang mga kapatid.

“na-miss ko kayo mga ‘tol” sabay yakap sa dalawa. Ginulo nito ang buhok ni choi,. “ang laki mo na bro!” dugtong nito. “mukhang malalampasan mo na ng tangkad ang kuya yunik mo ahh” nakangiting banggit ni urvine sa bunsong kapatid.
“Aray Kuya!! masakit! inapakan mo naman paa ko eh!” naluluhang sambit ni choi.
“aww! Sorry ‘tol! Di ko napansin!” saad ni urvine sabay alis ng kanyang paa “by the way, may ipapakilala nga pala ako sainyo” saad ni urvine, lumingo ito sa kanyang kasama, “Meet @Valkyrie ” turo nito sa kanyang kasama.
mula sa kanyang likuran, humakbang si Valkyrie papalapit sa kanila. “ my friend” dugtong ni urvine.
“Hello Mate! Glad to meet you all” bati ni Valkyrie sa kanila.
“ala eh, speaking dollar pala areng kaibigan mo ‘tol?” pabirong saad ni yunik sa kapatid.
“nakakaintindi naman yan ng konting tagalog” saad ni urvine.Tumango naman si valkyrie bilang sangayon nito sa sinabi ng kaibigan. “nag promise kasi ako kanya na tutulungan ko siyang hanapin ang kanyang kapatid huling balita niya kasi nasa Thailand daw yung kanyang kapatid”
Lumapit si yunik sa kapatid at bumulong “kuya, baka naman pwede nyo akong isama sa Thailand?”
Ngumiti si urvine.
“mamaya na natin pag usapan yan! Gusto ko naring makauwi ng bahay, na mimiss ko na ang mga luto ni nanay” sabi ni urvine, nginitian nito ang kanilang ina.

Sabay sabay na sila naglakad sa hallway palabas ng arrival area. Sa labas, kung saan nag aantay ang kanilang sasakyang kotse , may pumarada ditong isang dump truck, na may kargang dalawang cherry tree na nasa 4ft. ang taas.
“anong ginagawa dini ng cherry tree?” bulalas ni yunik ng makita ang truck malapit sa naka park nilang kotse, abala naman si choi at val sa pag lagay ng mga gamit sa trunk ng sasakyan.
“dala ko yan ‘tol galing Canada!” saad ni urvine.
“ha? Sigurado ka?” gulat na sambit ni yunik. “pwede ba yun? Nag dala ka ng buong puno ng cherry, itatanim mo sa bahay? Paanong nailabas mo ng Canada at naisakay ng eroplano?”
“wala ka nanamang bilib sa kuya mo ehh, itsura lang ang labanan ‘tol, isang kindat lang sa mga Canadian, papayag na yun!” saad ni urvine sabay pa cute sa kausap nito.
“ewan ko sayo kuya!” kontra nito kay urvine. “saan naman sa bahay yan itatanim?”
“hindi yan atin, may pag bibigyan ako niyan, isang kaibigang frustrated makakita ng totoong cherry tree”
“ahh, kay @kikko25 ?” saad ni yunik. Tumango naman si urvine bilang tugon nito. “patay na yata yun kuya”
“Ha? Bakit? Kelan pa?” gulat nitong sambit.
“nung isang lingo lang daw., nahuli kasing niri-rape yung kalabaw ng kanilang kapitbahay. ngayon, nakita ng may ari, binaril, tinamaan ng bala yung itlog, Patay!”
“baliw!!” malakas na saad ni urvine dito, sabay tawa. “tara na nga, sumakay kana, ako na mag di-drive.”



----------------------------------------

“Ako na nga kasi ang bahala sainyo!” may yabang na tugon ni yunik sa kanyang mga kaibigang @deijoy23 at @Yuuii-Chan Kasalukuyang nasa isang fastfood chain sila. Humigop ito ng softdrinks at muling nagsalita “basta ba, I ready nyo mga passport nyo at ako na bahala sa mga gastos, remember, Thailand yun.. bihirang opportunity guys.. samantalahin na natin..”

“kapal din ng mukha mo nik!” mataray na sambit ni deijoy sa kaibigan. Kinuha nito ang inorder na burger, binuksan, bago niya ito kinagat muli itong nagsalita “kala mo naman kung sinong mapera ang nagsasalita, if I know, si kuya Urvine mo at yung kaibigan niyang .. Val…. Valkie….”

“Valkyrie” pagtatamang saad ni yuui chan dito.

“whatever!!” pairap nitong saad sabay kumpas ng kamay sa ere. “yun na nga, hindi naman ‘tong mokong na ‘to ang gagastos, for sure… I mean….. im pretty sure yung kapatid niya ang gagastos, kaya nakakahiyang sumama nalang basta basta..”

“alam mo joy” saad ni yunik. “kung ayaw mo sumama wag kana sumama, maiwan ka dini sa pinas! Kami nalang ni chan!”

“wait ahh,” patuloy ni deijoy “hindi sa ayaw kong sumama, saka I have money, kaya kong gumastos papuntang Thailand! Awkward lang kasi, una, we’re not invited, pangalawa, hindi magbabakasyon ang kuya mo dun, may misyon sila ng kanyang kaibigan, at pangatlo, ikaw ‘tong nagyayaya ehh isasama ka nga lang din ng kuya mo?”

“hey, pumayag si kuya na magsama ako ng kaibigan.. ngayon wag ka nang maarte at di bagay sayo.. nag mumukha kang bilasang isda ehh!!” kantiyaw ni yunik dito.

“kapal mo ahh!!” sambit ni deijoy sabay baton g kinuyumos na tissue paper. “Feeling mo gwapo ka??” taas kilay na saad nito.

Well, kung sabagay, totoong gwapo si yunik, magkamukha sila ng kuya niyang si Urvine, mejo Moreno nga lang samantala ang kuya niya kutis artista, matagal na rin na may crush si deijoy dito, mejo na aalangan lang siya kasi super na matalik silang magkaibigan since highschool pa, at ayaw naman niya itong ipahalata, kahit papano, dalagang pilipina parin ang pinapairal niya. Pero mag karoon lang ng chance at makitaan lang niya ng motibo si yunik na gusto rin siya, aba’y palay na ang lalapit sa manok! Subalit may ugali siyang kinaiinisan sa lalake, yun ay ang madalas nitong pamimikon sa kanya.



Sa kabilang banda, Hindi naman masabi ni yunik ang pakiramdam kapag nakikita niya ang pikon na reaction ni deijoy, may halong saya at konting kilig, yun din kasi ang way niya para mapansin siya ng kaibigang babae, sabagay, kung sa itsura, talagang masasabing maganda si deijoy, may perpektong kurba ng katawan, maputing balat at namumulang mga labi.atristahin sa medaling sabi. Matagal na rin na kursunada niya ang kaibigan ngunit wala pa siyang balak ipaalam ito.. at kung sakali mang lumalim pa ang nararamdaman niya sa kaibigan, ito na yata ang pinaka nakaka challenge na part ng kanyang buhay, NGSB kasi. No Girlfriend Since Birth. Ni ultimong paghalik sa babae di pa niya na experience, kahit nga sa panaginip napupurnada pa.. pero ipinangako niya na kung sakaling sumama ito papuntang Thailand, magtatapat na siya dito ng nararamdaman.

“Guys, enough” awat ni yuuii chan sa dalawa. “kayo talaga, palagi kayong nag babangayan pag magkasama.. “baka iba na yan ahh..ehemm.. the more you hate the more you…”
“excuse me??” pairap na saad ni deijoy kay yuuii chan. “walang chance na ma-inlove ako sa mokong na yan!”
“at bakit naman?” nakangiting saad ni yuuii chan sa kaibigan.
“Bakla yan ehh!!”
“Oi!! Sinong bakla ako?? Aba’y barako yata ‘to, baka gusto mo magkasubukan..” pagtatanggol ni yunik sa sarili.
“No way!” bulalas ni deijoy. “ikaw??? Yuck!! Never.. itsura mo, mukha kang asong gala”
“well, ako naman siguro ang pinaka gwapong aso kung sakali?” patawang saad ni yunik sa napipikon ng kaibigan.
“Oo, gwapong aso!” patuloy ni deijoy . “Asong nasa unahan ang buntot!!! I mean… Maikling Buntot!!”



Isang malakas na tawa ang pinakawalang ni Yuuii chan mula sa narinig na sinabi ng kaibigan…

CHAPTER 2:
FINDING THE FOX

THAILAND….

“koh hi mi khwam sukh ni wan ni” Paulit ulit na sambit ni deijoy bawat may makakasalubong na thai people.
“uy! Ano ba?” awat ni yunik sa kaibigan sabay tapik sa ulo.
“Aray! Masakait yun ah” saaad ni joy.
“Sus! Tapik lang masakit agad? Tigilan mo na nga kasi yan, mukha ka ng engot! Lahat nalang na nakikitang mong thai sinasabihan mo ng ganyan!”
“syempre nasa Thailand tayo, kelangan ‘to, para naman sabihin nila we’re friendly!”
“bakit ano bang ibig sabihin nun?” tanong niya kay deijoy.
“Have a nice day!!” sagot nito sa kaibigan. “di mo alam no? huh! Nag research kaya ako!”
“Baliw!” saad ni yunik sa kaibigan sabay tawa.
“uy, kayong dalawa” awat ni yuii chan “nagsisimula nanaman kayo!”
Inirapan ni deijoy ang dalawang lalake at mabilis na naglakad, mabilis namang sinundan ni yunik ang babae.

Muli silang sumakay sa nirentahang Van, nasa loob ng sasakyan sina Urvine at Valkyrie at ang driver na si @Rian kaibigan ito ni Urvine since college, sa Thailand na nanirahan matapos gru-maduate, buti nalang at may kasama silang marunong mag salita at makaintindi ng thai language. may mga minutong bumababa sila ng sasakyan para mag tanong sa mga taong naroon kung saan nila makikita ang Wat phra si Sanphet Temple,napag alaman kasi ni valkyrie, nandun ang isang tao na nakaka alam ng kinaroroonan ng kanyang kapatid. Ang kwento nito sa kaibingang si urvine, May pangalawang pamilya ang kanyang ama at naka pangasawa ito ng thai woman at nagkaroon ng anak na babae na si @jjang2020 . Kaylangan niyang Makita ito at makausap tungkol sa iniwang pendant ng kanilang ama na may nakaukit na mga numero na siyang password para mabuksan ang safety vault na nasa pangangalaga ng isang bangko sa pilipinas. Kaylangan niyang mabuksan iyon, dahil nandun ang pamana na iniwan sa kanya ng kanyang ama.

“excuse me?” sabi ni Valkyrie sa isang tindera ng mga alahas sa bangketa “you speak English?”
Tumango ang babaeng thai at sabi

“little English only”
“Ok,” patuloy ni Val. “Can you direct us where we can find the temple name Wat Phra Si Sanphet ? And you know where we can find this person?” sabay pakita ng litrato.
“ohh.. yes, I know him” saad ng babae ng Makita ang mukha sa litrato, lumapit ito sa tenga ni val at ibinulong ang pangalang @ninetailedfox ”..
“beware of him” mahinahong sabi ng babae na panaka nakang lumilingon sa paligid, animo’y may takot sa kanyang sinasabi “Black Magician, he eat people, specially virgin people!” saad nito na nakaturo ang daliri sa litrato, nanlilisik ang mga mata nitong tumingin muli kay Valkyrie. “be careful”…

Sumingit sa usapan si Rian, nagsalita ito ng thai language, kinausap ang matanda habang nakatingin lang sa kanila nag mga kasama nito, matatas at magaling magsalita ng local dialect si rian, nakakabilib, kung hindi mo kilala, aakalain mong native thai ito. Matapos makausap ang matandang tinder, humarap ito kay valkyrie at urvine.
“guys, kaylangan muna nating hanapin ang lugar ng kinaroroonan ng sinasabi ng babae na Ninetailedfox” paliwanag ni rian ditto.
“at saang lugar naman yun?” saad ni urvine.
“kelangan nating puntahan ang shop nito sa kabilang municipality pa”
“what kind of shop?”sabat ni valkyrie sa dalawa. “does the old woman tells you the name of the shop?”
“Yes, she told me” tugon ni Rian. “may ilang kilometro bago natin marating ang Phra Nakhon Si Ayyutthaya District, nandun makikita natin ang shop ni ninetailed”
“anong shop nga!” bulalas ni urvine! “pa suspense pa?”
“WET FOX – THE HOUSE OF MAGIC” sambit ni rian.
“Kakaibang pangalan ng shop ahh” natatawang saad ni urvine, “siguro kung may itatayo pa yan na isang branch makikisosyo ako sa business at papangalanan kong WET PUSS…”
“kuya wag mo na ituloy!” awat ni choi sa kapatid. “iba na ‘yan.”
“choi, wag kang green.. Pussycat ang gusto kong sabihin!”
“Korni mo bro!” saad ni Rian, “tara na at baka gabihin tayo sa byahe”
"Basag Trip ka naman pareng rian!" kamut ulong saad ni urvine "tara na nga guys!"


CHAPTER 3
DEAD END

Sa loob ng Van, seryosong nakatingin sa bintana si @Valkyrie Halatang malalim ang iniisip.
“ang Tahimik naman!” basag ni @deijoy23 sa walang imik nitong mga kasama sa loob ng sasakyan, mula sa kanyang knapsack bag, kinuha nito ang isang malaking clover chips at binuksan, kumuha ito ng ilang piraso at kumain, iniabot niya ang chips sa katabing si @yunik na seryosong nakikinik ng musika mula sa kanyang headphone. “kuha ka” saad niya sa lalaki, tumingin naman ito sa kanya at ngumiti,

“sure, basta ba galing sa’yo”sabay kindat ni yunik sa babae.

“oi, dahan-dahan naman at natatapon yung chips!” sambit ni deijoy ng makitang nahulog ang ibang chips na kinuha ni yunik. “clumsy kasi ehh,,”

“sorry na baby girl, magalaw yung van ehh” paumanhin nito.

“Guys, Can I have some?” saad ni @urvine na lumingon mula sa likuran ng Van, nasa driver side kasi siya ng sasakyan katabi niya ang seryosong nagmamanehong si Rian, habang nasa passenger seat naman ang iba.

Iniabot ni yunik ang chips sa kapatid.

“Kuya tanong lang ahh” saad ni @choi03 sa kapatid na si yunik, “totoo kaya yung sinabi ng matanda kay @Rian na yung @ninetailedfox na yon?"

Mula sa rear view mirror ng sasakyan sinipat ng tingin ni urvine ang nagsasalitang si choi. “ba’t mo natanong choi? Relate ka ba?” nakangiting saad ni urvine sa bunsong kapatid “kaya yung mga birhen pa dito, aba’y mag ingat kayo, baka kainin kayo nung ninetailed na ‘yun!”

“aba’y mag ingat si yunik!” pabirong saad ni @Yuuii-Chan sa kaibigan. “NGSB ‘to eh, diba bro?” sabay tapik sa balikat ni yunik. Nasa likuran banda kasi siya mula sa pwestong inuupuan ni yunik.

“Aba’y ako’y tigilan nyo, nananahimik dini ang tao, idadamay nyo? Saka ang virginity para yan sa babae.. Areng si deijoy, malamang, virgin pa!”

“ohh eh, ano naman?” mataray na tugon ni deijoy “I’m proud of it! And take note, ‘wag mong pagnasahan ang pagkababae ko!!”

Natawa si Valkyrie sa narinig,

“ohh, natawa ang kaibigan mo kuya urvine ahh” patuloy ni deijoy, “ibig sabihin, naintindihan niya ang pinag uusapan natin!”

“Oo, nakakaintindi naman yan ng tagalog” sang ayon ni urvine sa dalaga.

“uuyy!. Ehh.. di wow!! Sana ol magaling mag ingles!!” natatawang pabirong sambit ni joy.

“Teka nga” awat ni yuui chan, “eto ah, walang pikunan bro” tugon nito sa kaibigang si yunik. “totoo ba na never been kiss ka pa ng babae?, tagal na tayong magkaibigan, wala ka paring jowa?”

“kasi nga..” singit ni deijoy sa usapan “bakla ‘tong kaibigan natin ehh!! Sa tingin ko lang yuuii chan ahh, ikaw ang bet nitong friend natin!”

“ohh God, bro, kung totoo man yun, di ako papatol sayo!” natatawang biro yuuii chan sa kaibigan

“Oo nga ‘tol, wala ka pa yatang pinapakilala saakin na babae ahh” sabay ni urvine sa usapan.

“pero sa panaginip kuya meron yang hinahalikan!” dagdag pa ni choi.

“Tigilan n’yo na ako please?” makaawang sambit ni yunik. “I admit, wala pa talaga akong nililigawan! okay?! Wala pa yung cupcake na para sakin eh”

“kasi nga ang gusto mo, lalake!” pamimikon ni deijoy.

“joy, pag pinagpatuloy mo pa ‘yang pang bu-bully sakin, hahalikan na talaga kita!” seryosong saad ni yunik sa babae,

“Sige nga?” hamon ng dalaga dito.

Biglang hinawakan ni yunik ang batok ng babae, at hinatak niya ito papalapit sa kanyang mukha. Nanlamig ang buong katawan ni deijoy, di siya makagalaw, animo’y para siyang isang bakal na kusang dumikit sa magnet, ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, hindi niya alam kung anong reaksyon ang gagawin, a-ayaw ba siya o kusang ipapaubaya sa lalake ang kanyang mga labi.

Biglang nag preno ang sasakyan…

Tumama ang ulo ng dalawa sa headreast ng inuupuan ni rian at urvine. Biglang natauhan si deijoy at kumawala ito sa kamay ni yunik.



“hey, what happened!” sambit ni yuii chan kay rian. “why we stopped?”

“Sorry guys, it’s a dead end!” mahinahong saad ni rian sa mga kasama.

Bumaba sila ng sasakyan, buti nalang at nakapag preno agad si rian ng kanyang minamanehong Van, kung hindi, baka bumangga sila sa mga nakaharang na kahoy at mga sanga.

“anong lugar nab a ‘to?” tanong ni urvine.

“are we lost?” dugtong ni yuuii chan

“Lost? Oh, c’mon, what is the use of Google map? Waze?” saad ni urvine.

“I used it!” sagot naman ni rian sa kaibigan “I just followed the track based on Gmap. At dito tayo dinala”

Nag ikot- ikot sila ng tingin, maraming mga puno ang nakatanim sa paligid, isang open space ang lugar, may mga nagkalat na lumang sasakyan, may barbwire na nakabakod ngunit bumagsak na yung ibang parte ng bakod. lumapit si urvine sa mga nakaharang na sanga ng kahoy ng sa daan, mejo gumagabi na kasi kaya madilim narin ang paligid, wala ring mga streetlight doon. Binuksan niya ang flashlight ng kanyang cellphone at itinutok ito sa mga nakaharang na kahoy.

“Guys! C’mon” sigaw ni urvine “hindi naman putol ang daan, look!” sabay turo nito sa nakita. Lumapit ang kanyang mga kaibigan at tumingi ito.

“see? Hindi talaga siya dead end, kusang may mga humarang lang dito para di na makatuloy ang mga dadaan”

“pero pwede naman dumaan ang sasakyan dun.” Saad ni Rian sabay turo sa madamong bahagi.



“No, Let’s walk” saad ni valkyrie.

Nagkasundo naman ang mga ito sa sinabi ni valkyrie, iniwan nila ang kanilang sasakyan, at naglakad sila, Ilang saglit lang naaninag nila ang isang abandonadong building, mukha itong maliit na pabrika, makalat ang paligid, may mga pira-pirasong bakal, kinakalawang na malalaking drum at mga gamit na sadyang iniwan sa lugar.

“we need to go back!” sabi ni urvine. “madilim na guys, mas safe kung nasa sasakyan tayo, instead of walking here at wala rin tayong mapapala kung papasok tayo sa building na’yan. , babalik tayo at maghahanap tayo doon ng mapagtatanungan. And we need to charge our phone.”

“Urvine is right.” Sang ayon ni rian dito. “babalik tayo at mag hahanap ng hotel or lodging house na pwede nating mapag pahingahan,may nadaanan akong gasoline station, may 7/11 doon, we can eat first and look for a place to stop for overnight stay”

“I said, NO!” malakas na tugon ni Valkyrie. “we need to go on”

“what? Seriously?” saad ni urvine dito. “we’re not sure with this place and..” hindi na naituloy ni urvine ang kanyang sinasabi ng biglang mag ring ang cellphone ni Valkyrie. Humakbang ito palayo sa kanila bago sinagot ang tawag. Marahang nakatingin lang si urvine dito habang ang iba naman niyang kasama naglakad narin pabalik sa kanilang van.



Dala ng curiosity, pinuntahan ni yunik and abandonadong building, dahan dahan siyang sumuksok sa mga nakabakod na matitinik na barbwire, napansin siya ni yuuii chan.

“nik, saan ka pupunta?”

“samahan mo ko chan, may I check lang ako sa banda roon” turo nito sa abandonadong building, sira na mga bintana nito, may mga tagpi naman ng kalawanging yero ang ibang parte. madumi, marami ring mga gumagapang na damo sa dingding. Halatang may katagalan naring inabandona. Ng makalapit ang dalawa, marahang tinungo ni yunik ang pasukan ng building, may konting awang ang roll up ng entrance, unti-unti niya hinatak pataas,

“bro, wait” awat ni yuuii chan ditto “halika, tingnan mo ‘to, bilis!”

Lumapit si yunik sa kasama.

“tingnan mo ‘to” sabay turo ni yuuii chan sa isang mahabang signboard, na nakasuksuk sa malalagong halaman, tinutukan nila ito ng flashlight mula sa dalang cellphone. Binasa ang nakasulat.

“wet fox – the house of magic” mahinang basa ni choi. “eto nay un!” bulalas nito “eto na yung hinahanap nating shop!”



------------------------------------------

Walang imik sina urvine, rian, choi at deijoy na bumalik sa sinasakyang van, nasa loob sila ng sasakyan habang inaantay ang ibang kasama, maya’t maya namang sinusulyapan ni urvine si Valkyrie na may kausap sa kanyang telepono, medyo nanibago siya sa inasal ng kaibigan, sabagay, hindi pa naman talaga sila ganoon katagal na magkaibigan, mag iisang buwan palang silang naging magkaibigan simula ng mayroon isang grupo sa Canada na napag tripan siya, muntik na sana siyang mapatay doon ngunit bigla nalang dumating itong si Valkyrie at tinulugan siya nito., sa tagal niyang nag stay sa Canada yun ang unang beses na naka experience siya na pag trip-an. Life saver niya itong si Val, at tinatanaw niya itong isang malaking utang na loob, kaya ng may hingin itong pabor sa kanya na pumunta ng Thailand, hindi siya nagdalawang isip, kung tutuusin, hindi pa naman dapat siya babalik ng pinas, kaya lang sinamantala narin niya ang pagkakataon na Makita ang pamilya bago tumungo ng Thailand.

Muling tiningnan nito ang kinaroroonan ni val, wala na ito doon,napakunot-noo si urvine, itinuwid niya ang kanyang pagkakaupo, at marahang binuksan ang pinto ng Van ngunit bigla itong hinarangan ni valkyrie, sabay hagis ng isang maliit na canister,tinadyakan niya si urvine at pwersahang isinara ang pinto ng sasakyan may lumabas na maraming usok mula sa canister, mabilis na napuno ng usok ang loob ng van, Nakaka suffucate ang amoy, mahapdi sa mata at masakit sa lalamunan, Nag panic ang mga nasa loob, hanggang naramdaman na lamang nila na unti-unti silang naghihina at nawalan ng malay.





-------------------------------------------

“Bro, kaylangan sabihan natin sila na nakita na natin yung shop!” saad nu yuuii chan kay yunik.

Tumago naman si yunik bilang tugon sa sinabi ng kasama. Masayang naglakad ang dalawa pabalik ng van, ngunit di pa man sila nakakalayo ng building, may humatak sa roll up, may nag bukas ng entrance ng building. Sa gulat ng dalawa, mabilis itong tumago sa isang malagong halaman sa gilid ng building. lumabas dito ang isang lalake, at sinundan pa ng dalawa pang lalake na armado ng mga de kalibreng baril, nag salita ang lalake na naunang lumabas, thai language, hindi nila maintindihan, ngunit tinawag nito ang isang kasama. @jhoemzskie . Rumihistro agad iyon sa isip ni yuuii chan, malamang iyon ang pangalan nun isa na mukhang wrestler ang pangangatawan, mahaba ang kulot nitong buhok, naka ponytail at makapal ang balbas sa mukha. Mabilis ang hakbang ng dalawang lalake. Naiwan naman ang isang lalakeng nakatayo malapit sa pinagtataguan nila, nagmamasid ito sa paligid. buo-buo ang pawis ng dalawa, animo’y para silang mga batang puslit na pilit ipinagkakasya ang katawan sa loob ng malagong halaman, bawal ang gumalaw o makagawa ng ingay, konting pagkakamali lamang nila tiyak na katapusan na ng kanilang buhay.

Ramdam na ni yunik ang pangangawit ng kanyang mga paa at kamay, hindi maayos ang kanyang posisyon, ngunit hindi niya alintana iyon. Ilang saglit lang, naramdaman ni yuuii chan may kung anong bagay na gumagapang paakyat sa kanyang kanang paa. Hindi niya Makita kung ano iyon, hindi siya maaaring gumalaw, ramdam niya na may mga balahibo ang paa nito, Dahan dahan itong gumagapang paakyat sa kanyang hita at naramdaman niyang pumasok na ito sa kanyang shorts paakyat sa kanyang hita, hanggang naramdaman na niyang nasa singit na ito ng kanyang hita. Iyon naman ang puntong tinawag na ng dalawang lalake ang isa nitong kasamahan na nakatayo malapit sa kanilang pinagtataguan. Ng Makita ng dalawa na malayo na ang mga ito, mabilis na tumalon si yuuii chan palabas mula sa kanilang pinagkukublian, mabilis nitong pinapagpag ang shorts,.

“chan!” mahinag tugon ni yunik “ano bang ginagawa mo! Baka mahalata tayo, bumalik ka rito!”

“shit bro!, may pumasok sa shorts ko, putik!”

“bakit ano ba ‘yun?” pabulong nitong tugon kay yuuii chan.

“pakshet! Di ko alam bro!” patuloy nito na di mapalagay sa kanyang sarili, patuloy nitong pinapagpag ang suot na shorts, “shit!! Nasa loob na yata ng brief ko!!” nag hihisteryang saad ni yuuii chan.

“tanggalin mo muna bro ang shorts mo, bilisan mo at baka bumalik na sila” saad ni yunik na may pag aalala at takot na baka Makita sila ng mga armadong lalaki. Mabilis namang sinunod ni yuuii chan ang payo ng kasama, mabilis nitong inalis ang belt at hinubad ang suot na shorts at underwear. Doon tumambad sa kanya ang napakalaking tarantula. Ang walong mabubuhok at mahahaba nitong mga kamay ay animo’y nakayakap sa pinaka aalagaan niyang Organic egg. Dala ng pagkabigla at takot, hinampas niya ito gamit ang hawak na hinubad na short at underwear, patalon talon pa ito habang paulit ulit na binabanggit ang salitang “Sh**t, sh**t, sh**t!” sa huling hampas niya, tumilapon ang gagamba ngunit kasabay ding tumilapon ang kanyang shorts at underwear malapit sa isang kalawanging drum may tatlong dipa ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Nang akmang kukunin niya ito, napansin ni yunik ang paparating na sasakyan, muli siyang sumuot sa malagong halaman at tinawag nito si yuuii chan.

“bro!, mamaya mo na kunin yan underwear mo. Tumago ka muna may paparating”

Mabilis namang bumalik sa pinagtataguan si yuuii chan. Di niya alintana na wala siyang suot na pambaba, mag gugustuhin niya yun kesa naman patayin siya ng mga armadong lalaking iyon.

Mula sa kanilang pinagtataguan, nakilala nila ang paparating na sasakyan,

“chan, yung Van natin yun ah,” mahinang saad ni yunik. “tara, salubungin natin” patuloy nito.

“wala akong suot bro!” bulalas ni yuuii chan.

“takpan mo nalang ng kamay mo, mamaya mo na balikan!”

“O-ok, fine!” no choice na saad ni yuuii chan. “iisipin ko nalang na isa itong Oblation Run!”

Ng malapit na ang sasakyan sa building, mabilis na lumabas ang dalawa mula sa kanilang pinagkublian, tumakbo sila papalapit dito,

“Guys! Open the door please!!” sigaw ni yuuii chan ng makalapit sa van.

Bumukas ang pinto ng van sa driver side, bumaba ang isang lalake na una nilang nakita na lumabas sa building kanina. Si @echoarar sumunod na bumaba ang tinawag nito kanina na si jhoemzkie, ang ikatlong lumabas ng sasakyan si @RaideN at ang huling bumaba ay ang kasama nilang si valkyrie. Hawak nito ang isang 45 caliber at itinutok ito sa ulo ni yuuii chan.

“Both hands in the air!” matapang nitong saad sa kanya.

“V-val, w-what is this?” nauutal na saad ni yuii chan dito.

“No questions, just put your hands in the air, Go!” matapang na utos.

“O-ok, pero baka pwedeng isang kamay lang? baka kasi lumipad yung ibon??”

Napatingin si Val sa bandang gitna na parte ng katawan ni yuuii chan, at doon niya napansin na wala itong suot na pang ibabang damit. May malisyang Tiningnan niya si yunik at muling tinitigan si yuuii chan,

“seriously? In the bushes?”sakrastikong saad ni Valkyrie.

Mabilis namang nakuha ni yunik ang nasa isip ni Val,

“wait, that’s not what you think,” pailing – iling na saad ni yunik. “I’m straight, w-we’re both straight, we d’dnt do anything, C’mon, that’s not what you think!”

“you son of a B**ch!” mura ni val sa dalawa. “let them sleep!” utos nito sa mga kasama.

Ramdam nila ang matigas na bakal na baril na tumama sa kanilang ulo hanggang sa dumilim na ang kanilang paningin at nawalan na ng malay.


CHAPTER 4
THE DOCTOR IS IN



Unti- unti niyang iminulat ang kanyang mga mata, mahapdi parin ito, ramdam rin niya ang bigat ng kanyang dibdib, pakiramdam niya, nalanghap niya lahat ng nakakasulasok na amoy ng usok na galing sa isang maliit na lata na itinapon ni Valkyrie sa kanilang sasakyan. Mula sa di kalayuan, naaninag ni @urvine si @Valkyrie nakatalikod ito sa kanya, may kausap itong isang lalake na sa kanyang palagay nasa early 40’s ang edad.

“Yes boss, He’s one of the best doctor” saad ni valkyrie sa kausap. Lumingon ito sa kanyang kinaroroonan “oh, he’s awake” patuloy nito, naglakad ito papalapit sa kanya.

Hindi ma-igalaw ni urvine ang kanyan katawan, doon niya napagtanto na nakatali pala siya sa isang upuang gawa sa kahoy. Nag pupumiglas siya ngunit mahigpit ang kanyang pagkakatali.

“Val, what’s this? Untie me now please?” saad ni urvine na nagpupumilit kumawala sa pagkakagapos.

“chillax friend” nakangiting saad ni val sa kanya. “let me introduce to you first to my boss.” Hinawakan nito ang buhok ni urvine at hinatak ito sanhi upang mapatingala ang kanyang ulo. “Look straight!” magaspang na boses nitong sambit. “Boss, meet Urvine, our new resident surgeon!” patuloy nito habang nakahawak parin sa kanyang buhok. “Urvine, Meet your new Boss, @ninetailedfox

Lumapit ang lalake kay urvine, hinawakan nito ang kanyang baba, malalaki ang mga daliri nito. Ramdam niya ang paghigpit ng hawak ng mga kamay nito sa kanyang baba, dahilan upang mapangiwi ang kanyang bibig. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Nagkatitigan sila, matalim ang mga titig nito sa kanyang mga mata. Ilang Segundo ang tumagal sa ganoong ayos, at bigla nitong binitawan ang pagkakahawak sa kanyang baba.

“make him do his job!” ma otoridad na tugon ni ninetailed habang humabkang papalayo sa kanila “and remember not to disappoint me Val!” dugtong nito. Dumiretso na ito palabas ng silid na kanilang kinaroroonan. Makalat ang silid. Ang kongkretong pader ay puno ng mga graffiti arts at vandals. Sira ang bintana, ang ilang parte nito ay may mga bakas pa ng maitim na uling. Sa kanyang palagay nasunog ang building na iyon. Nilingon niya si valkyrie.

“Val, whats the meaning of this? You know him?” saad ni urvine may garalgal ang kanyang boses, masakit parin ang kanyang lalamunan dala ng nalanghap niyang usok. “you know ninetailedfox? I thought we’re looking for him to direct us to your sister? And why am I tied in this f**ck*ng chair? Where’s my brother and his friends?” sunod sunod niyang tanong kay val habang naglalakad ito papunta sa isang silya katabi ang lumang office table. “F**k you!” malakas na mura ni urvine dito. “tell me whats going on f*ck**ng a**hole!!” galit nag alit na sigaw niya rito.

Naupo si val, ipinatong ang mga paa sa mesa at lumingon sa kanya. “wanna know the truth friend?” sarkastiko nitong saad kay urvine habang pinapaikot ikot ng isang kamay ang hawak nitong baril.

Matalim na tingin ang itinugon ni urvine kay val. Malumanay na boses na ipinaliwanag ni valkyrie ang nais malaman ni urvine.

Miyembro ng isang sindikato si Valkyrie, isang malaking sindikato na may mga koneksyon sa iba’t ibang bansa katulad sa Thailand, isa sila sa mga nangunguna pagdating sa human trafficking and human organ selling sa black market. Iba sila sa ilang sikdikato, pinipili nila ang mga babaeng kinukuha, kailangang ma background check muna nila ang target, unang criteria, maganda,bata, single at importante birhen pa ito. Pag dating naman sa mga human organs, madalas mga lalake ang kanilang puntirya. Hindi rin totoo na kailangan niyang pumunta ng Thailand para hanapin ang kanyang kapatid. ang jjang na kanyang tinutukoy ay isang anak ng isang malaking businessman ng Thailand, balak nilang dalhin ito ng china para ibenta sa mga kliyente nilang tsinoy na adik sa S̀eꭙ. Kung hindi maibibigay ang hinihingi nilang ransom money. Hindi mismo si urvine o anumang parte ng katawan ni urvine ang pakay ni valkyrie sa kanya, kundi ang kanyang expert at galing bilang isang general sugeon, matagal na pala ang profiling at background checking nito sa kanya sa Canada. Pati ang pananamban sa kanya ng mga ilang kalalakihan noon sa Canada ay planado palang lahat ito’y upang magkaroon ng tiwala si urvine kay valkyrie. Nangailangan kasi sila ng isang doctor ng mamatay ang kanilang in-house doctor sa isang malakihang raid na naganap noon sa Singapore, kaya matagal din nanahimik ang kanilang grupo, at bilang cover sa kanilang masamang ginagawa, nag tayo ng isang shop si ninetailed sa Thailand, front lang nila ang pag bibenta ng mga gamit sa pagmamahika, at ang mga pagtatanghal nito sa ilang bayan ng Thailand ay umuupa lang sila ng mga magagaling na magicians, habang nagtatanghal, abala naman sa paghahanap ng matatarget ang kanilang grupo. Ngunit tatlong taon lang lumipas, nasunog ang kanilang building, pero hindi natigil ang kanilang masamang operasyon.

“So, everything is a lie? Everything that happened was just all part of your plan? You’re such a good f**king actor!” galit na sambit ni urvine.

“Sorry bro, but you have to follow everything what we say, or you will take the consequence!”

“you want me to be part of this bulls**t thing? Sorry but won’t!”

“Ok,” kibit balikat na saad ni val. “then I’ll kill your brother!”

“No! ‘wag mong sasaktan ang mga kapatid ko!

“So, follow my order!” saad ni Valkyrie sabay alis sa silid.



8:15PM

Kalansing ng bakal na kadena ang pumukaw sa ulirat ni @deijoy23 , malakas ang tunog nito, unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Rumihistro muli sa kanyang isip ang nagyari, bigla siyang bumangon ngunit doon niya napagtanto na nakatali ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran, pinilit niyang ibinangon ang katawan, at isinandal ang likod sa pader. Sa di kalayuan, nakita niya ang isang babae patagilid at baluktot na nakahiga , balingkinitan ang katawan nito, maputi at makinis ang balat, madumi ang suot nitong school uniform na damit, tantiya niya nasa desi otso o bente pa lamang ang edad nito. Gising ito ngunit malayo ang tingin at bakas ang mga luha nito sa mga mata.

Bumukas ang pinto ng kanilang silid. May pumasok na isang lalake, malaki ang pangangatawan, mahaba at kulot ang buhok nito at malago ang mga balbas sa mukha. Tipikal na itsura ng isang bad guy sa mga pelikula. May dala itong tray na may lamang 2 plato na may pagkain at 2 baso ng tubig. Inilapag ito sa kanilang harapan.

“sa palagay mo kuya makakain ko yan? Eh nakagapos ako?” mataray na saad ni deijoy sabay irap sa lalake. Ngunit tiningnan lamang siya nito. “duh! Di mo nga naman pala ako maiintindihan! Asan ba kasi si manong Rian! Wala tuloy mag ta translate!!” patuloy niya.

Bumangon ang kasama niyang babae sa silid at hinawi nito ang mahaba at magulo nitong buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Doon nakita ni deijoy na napakagandang babae pala nito at sa kanyang palagay isa itong thai. Kinuha ng babae ang pagkaing nakalatag sa sahig at dahan dahan nitong isinubo ang pagkain habang nakasalampak sa maduming sahig. tass kilay na nilingon ni deijoy ang lalake.

“Unfair!!!” bulalas niya sabay tingin sa lalake. “ako nakatali siya hindi?? So ano gagawin ko dito panoorin yang babae nay an na kumain ganon?? Kalagan mo ‘ko wag kang a-ano ano diyan!”

Napatingin ang babae sa kanya, nilingon nito ang nakatayong lalake at nagsalita ito

Pld cheuxk, thex ca mi hni” (untie the rope, she will not escape)

Tumingin ang lalake kay deijoy, humakbang ito palapit sa kanya, paluhod itong naupo sa kanyang harapan, at hinawakan nito ang kanyang mga balikat. Kinabahan si deijoy. Magaspang ang mga kamay nito at ramdam niya ang bigat ng pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat. Dala ng takot at sobrang kaba, isang malakas na sigaw at tili ang kanyang pinakawalan.

“Hubpak!!” (shut-up) sigaw ng lalake sa kanya. Malaki ang boses nito at nakakatakot. Bigla siyang natigilan. Itinulak siya nito patalikod dumikit ang mukha niya sa pader. At naramdaman niyang kinalagan ang nakatali niyang mga kamay. Nang maramdaman niyang wala na ang tali, mataray niyang hinarap ang lalake.

“thank you!!” sarkastiko niyang tugon dito. “kala ko re-rape-in mo ko eh.. sorry na…di ako nakakaintindi ng salita nyo!” pairap niyang saad. “saka wag kang mag alala, di ako tatakas! Baka barilin nyo pa ako eh!”

Tiningnan lamang siya ng lalake at humakbang na ito palabas ng kanilang silid. Muli nitong ni-lock ang pinto. Ibinaling niyang muli ang tingin sa babae, tahimik lang ito na patuloy sa pagkain, animoy isang napakabait na tupa na sunod lang ng sunod sa kanyang pastol.

“psst… oi miss!” mahinang tawag niya sa babae, ngunit hindi siya nito pinansin. tiningnan niya ang tubig na nasa isang stainless na baso, bigla siyang nakaramdam ng uhaw, kinuha niya ito at ininom, uhaw na uhaw siya, kulang ang isang basong tubig sa kanya. Nasimot niya ang tubig, muli niyang sinulyapan ang babae, “pssst.. miss.. hoy..” muli niyang tawag dito. Ngunit di parin siya nito pina-pansin. “ano ba ‘yan, maganda nga, bingi naman!” at sa dala ng kanyang inis, ibinato niya ang baso, tumama ito sa may paanan ng babae. Tumigil ito sa pag subo ng pagkain at tumingin sa basong nasa kanyang paanan at saka siya nito nilingon.

“hi…” may pag aalinlangan na bati ni deijoy sa babae, baka kasi nagalit ito ng ibato niya ang baso “sorry.. kaw kasi ehh.. you don’t pansin me!”

“by the way you speak and understand English? Uhhmm.. my name is deijoy.” Pakilala niya.

Ngumiti ang dalaga sa kanya, uminom ito ng tubig at nagsalita. “I’m @jjang2020 ” maikling pakilala nito.

Namilog ang mga mata ni deijoy sabay ding namilog ang kanyang mga bibig.

“Oh my G!” bulalas niya. “Oh my G talaga!! So, you are jjang? You’re the lost sister of Valkyrie?”

Napakunot noo ang babae sa narinig.

“No, I don’t have any brother or sister?, I’m the only daughter of Boon Nam, one of the richest business man here in Thailand, I was kidnapped by these bad guys, if my parents will not give the money that they want, soon, they will bring me to china, they already have confirmed chinesse client and I will become S̀eꭙ slave” malungkot nitong kwento.

“how about you, what brings you here?” tanong nito sa kanya. Hindi nakaimik si deijoy sa narinig na kwento mula sa babae, natameme siya, hindi niya alam kung anong sasabihin dito. basta ang isang tiyak niya ay niloko sila ni valkyrie. Isa pala itong masamang tao.


CHAPTER 5
YUNIK’S DECISION


“wake up sweet doctor!” pukaw ng isang lalake kay urvine. dala ng sobrang pagod nakatulog siya sa upuan, nakita niya mula sa bintana, madilim pa, hindi niya rin nakain ang binigay sakanya kanina ng lalake na pagkain, wala siyang gana, gusto niyang Makita ang kanyang mga kapatid at iba pang mga kasama nito, nagsisisi siya sa sarili dahil isinama pa niya ang mga ito. Ini-angat niya ang kanyang ulo at tiningnan ang nagsasalita, si Ninetailedfox.

“so, Val told me that you are one of the best general surgeon in Canada?” patuloy nito. “now, its time for you to prove”

“I have nothing to prove to you a**hole!” matapang na saad ni urvine.

Isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ni ninetailedfox, halos tumigil ang kanyang paghinga, namula ang kanyang mga mukha, tumulo ang laway sa kanyang bibig, ngusto niyang sumigaw sa sakit na nararamdaman ngunit walang boses na lumabas sa kanyang bibig, ilang minuto ang itinagal ng sakit na dala ng suntok nito sa kanya.

“watch you’re word doc!” sarkastikong tugon ni ninetailed dito. “we have confirmed clients, who’s in need of kidneys, what you’ll need to do is to extract the organ, if you do it, I’ll pay you cash!”

“I don’t n-need y-your cash!” nauutal na tugon ni urvine, kumikirot parin ang kanyang sikmura.

“okay…let’s see..” nakangiting saad nito sa kanya.

Tinawag nito ang kanyang mga tauhan. “bring him to the Lab!” ma otoridad nitong tugon, inalis ng mga lalake ang pagkaka-gapos niya sa upuan at pwersahan siya nitong dinala sa second floor ng building.



Sa isang malaking silid, tumambad kay urvine ang isang mahabang operating bed sa gilid nito, maraming mga hospital pharapernalia na ginagamit sa pag oopera, may isang pahabang shelf cabinet din na nakadikit sa pader na naglalaman ng ibat ibang klase ng gamot. sa gilid ng kama, may isang manipis at mahabang bakal na nakatayo na siyang sinasabitan ng dextrose. Itinulak siya ng dalawang lalake papalapit doon at nagulat siya ng Makita ang isang lalaking nakahiga na nakataling pareho ang kamay at paa.

@yunik ?” tanging sambit ni urvine ng makita ang kapatid. Muli niyang nilingon si ninetailedfox, “this is too much, I cant do this.. please.. let him go, just take me and kill me..” pagmamakaawa niya.

Mula sa naka-awang na pinto, pumasok si valkyrie, hawak nito ang kwelyo ng damit ni @choi03
“the rules is simple doc.” Marahang saad ni ninetailed fox. “follow my orders and you will get reward, if not, I will blow his head.” itinutok nito ang hawak na baril sa ulo ni choi.

“just kill me instead!” galit na saad ni urvine, punong puno na ng luha ang kanyang mga mata. “I can’t do this to my own brother?”

“I will count to three, Obey or kill?” hinawakan ni ninetailedfox ang gatilyo ng baril na nakatutok sa ulo ni choi.

“kuya” tawag ni yunik kay urvine, umiiyak ito naginginig ang boses, gawin mo na please…”

Umiiyak at nanlulumong tiningnan ni urvine ang kapatid, umiiling siya “bro, hindi to tama, hindi ko kaya”

“Kuya, please makinig ka, tumingin ka sakin, kapag ginawa mo ‘to, maililigtas natin ang buhay ni choi, kay ako na ang mag sakripisyo kuya para sainyo.. please.. do it..”

“ONE!!” unang bilang ni ninetailed, malakas ang boses nito umalingawngaw sa buong sild,

“Kuya, gawin mo na!!” garalgal na boses na saad ni yunik, kailangan niyang ipakita sa kanyang kapatid na handa siya at kailangan niyang tapangan alang alang narin para sa mga kapatid niya. “desisyon ko to! Please!! Sundin mo nalang!”

Lumapit ang dalawang lalake at inayos ang pagkakahiga ni yunik, pinatagilid nila ito. Nanginginig ang mga kamay ni urvine na kinuha ang syringe at maliit na bote ng general anesthesia, patuloy siya sa pag iyak habang sinisukat ang tamag dose na ituturok sa kayang kapatid..



-----------------------------------------------

“yuhoo… hey handsome!!” malambing na tawag ni deijoy sa lalake na nakabantay sa may pintuan, naglakad siya papalapit dito, may maliit kasi na kwadradong butas ang pintuan, na nahaharangan naman ng metal grills. “hey.. cute guy.. what’s your name?” patuloy niya,

Lumingon ang lalake, “jhoemzskie” maikling tugon nito.

“ohh.. such a masculine name!!” malanding tugon ni deijoy. Kailangan niyang subukan na akitin ang lalake para makatakas, kung kailangang mag hubad gagawin niya buksan lang ulit ng lalake ang pintuan.

“you want some fun??” pangaakit niya, marahang hinatak niya ang damit dahilan upang Makita ang kanyang balikat, ibinaba pa niya ito, hanggang sa Makita ni @jhoemzskie ang kanyang clevege. Tutok na tutok ang tingin ng lalake sa kanyang katawan, sa wari niya nagiging epektibo ang kanyang ginagawa.

“C’mon, I’ll make you happy… and.. I’m a virgin.. uhhhmmmm..” kagat labi niyang saad, pasimple niyang niligon si jjang at kinindatan ito.

Kaliwa’t kanan na lumingon si jhoemzskie bago kinuha ang nakasabit na mga susi sa kanyang tagiliran, halatang gigil na gigil na ito sa babae, nagmamadali itong binuksan ang pinto at pumasok sa kanilang silid.

“ohh there you are… let me take off your clothes…” malambing na saad ni deijoy, kailangang maging consistent siya at mapaniwala ang lalake, lumapit siya dito at marahan niyang hinawakan ang belt ng lalake ngunit bago paman niya nagawa yun, bigla siyang tinambangan nito dahilan upang mawalan siya ng balanse at sabay silang bumagsak sa sahig.. ramdam niya ang sobran sakit, tumama ang balakang niya sa matigas na sahig dumagdag pa ang bigat ng lalake na nakapatong sa kanya. Mabilis nitong pinag hahalikan ang kanyang pisni at leeg, pilit naman niyan iniiwas ang kanyang mukha.

“ayy.. kuya wait.. hala, wag kang agresibo!” bulalas ni deijoy, hindi niya masyadong maigalaw ang kanyang katawan dahil sa bigat ng lalake na nakadagan sa kanya, hawak nito ang dalawa niyang kamay, doon na siya nag simulang mag hysterical, mukhang nagkamali yata siya, iba ang nangyayari, hindi ito ang kanyang pina plano. Mabilis namang tumulong si jjang, kinuha nito ang isang upuang kahoy at malakas itong inihambalos sa likod ni jhoemzskie, nawasak ang apat na paa ng upuan, at nawalan ng malay ang lalake.


LAST CHAPTER
THE ESCAPE


Mabilis na bumangon si Deijoy, kinuha nito ang mga susing nakasabit sa tagiliran ng lalake. At tumakbo siya kasama si jjang palabas ng silid. Mula sa di kalayuan, may isa pang silid silang nadaanan, huminto si deijoy at sinilip ang loob mula sa kwadradong butas ng pintuan. Nakita niya ang nakataling si @Rian Mabilis niyang inisa-isa ang susi na makakabukas ng kandado, ilang minuto rin ang itinagal niya bago makuha ang tamang susi para dito. pagbukas niya ng pinto, agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng nakagapos na si rian.

“Manong @Rian ! Gising! Mahinang saad ni joy habang tinatapik ang pisngi ni rian.

“deijoy!” tugon ni rian ng ma-imulat nito ang mga mata at makilala ang babae.

“kakalagan kita manong! Saglit ahh, tatanggalin ko ang tali sa mga kamay mo.” Patuloy ni joy. “nakakuha ako ng paraan para makatakas, bilisan lang natin.” Lumapit din si jjang at tinulungan si joy na kalagan si rian.

“nasaan yung iba nating kasama?” tanong ni joy habang patuloy sa pag tanggal ng mga naka buhol na tali.

“si Yunik, kinuha kanina ng dalawang lalake, tapos si choi naman ay dinala ni val, ang pagkakaintindi ko sa usapan nila i-akyat daw sa second floor nitong building. Pero si Urvine hindi ko alam kung nasaan.” Paliwanag ni rian. “sino ba itong kasama mo?” tukoy nito sa kasamang babae ni deijoy.

“ah, si jjang yan. Pero mamaya ko na ipapaliwanag sayo, kailangan na nating makaalis dito, at tulungan sina yunik.

“Tulong!!!!!” isang malakas na sigaw mula sa likod ng mga nakaharang na plywood. Napalingon si deijoy.
@Yuuii-Chan ??” tugon ni joy.

“joy, tulong nandito ako!”

Tumakbo si deijoy at tinungo ang kinaroroonan ni @Yuuii-Chan . Napahinto siya ng Makita ang lalake na nakatali sa isang kongkretong poste.

“Ayy!!! Mahabanging santo! “ bulalas niya. “bakit nakalabas sa barangay hall ang maitim na kapitan!!!”

“ Wag mo nalang tingnan joy! kalagan mo na ako bilis!!”

Lumapit siya rito at kinalaga niya ang nakataling kaibigan. “ano bang ginawa sayo chan bakit wala kang suot na pambaba?” saad niya habang patuloy sa pag kalas ng tali.

“yung gagamba ang may kasalanan,eh.”

“ano daw? Ano naman ang kinalaman ng gagamba at wala kang suot?”

“basta! Wag mo na itanong! Bilisan mo na!”

“Oo na! eto na binibilisan ko na!”

“joy, kelangan kong makahanap ng salawal, hindi ako pwedeng lumabas ng ganito”

“Oh ayan! Natanggal ko na, ikaw nalang mag tanggal ng tali sa paa mo. May kukunin lang ako para matakpan yang bulate mo!”

“bulate talaga? Di ba pwedeng…”

“wag mo nang ituloy.. alam ko ang sukat ng ahas.. bulate lang yan!! kaya bilisan mo na diyan, babalik ako.
"praning ka talaga!! wala na talagang tatalo sayo joy!!" natatawang saad ni yuuii chan sa kaibigan.
Muli niyang tinungo ang kinaroroonan ni Rian, sakto namang na-alis na nito ang tali.

“manong rian, samahan mo ako pabalik sa silid namin, may kukunin ako... and you......” tiningnan niya si jjang. “stay here, we will get.. uhhmm.. ano na nga ingles nun? Uhhmm.. basta..... we will get back coming soon!! Haayy.. diyos ko, hirap mag ingles.. nose bleed!! Ikaw na nga manong rian! Marunong ka naman mag salita ng thai.. sabihan mo yang si jjang na wag umalis at antayin tayo dito, kukuha lang tayo ng damit ni chan babalik din tayo agad!”

Mabilis namang tri-nanslate ni rian ang bawat salitang sinabi ni deijoy.



Muli silang bumalik sa silid kung saan sila ni jjang ikinulong, nilingon niya ang kinaroroonan ng nakabulagtang lalake, mabilis niya itong nilapitan,

“manong rian, tulungan mo ko, hubarin natin ang pantalon nitong lalake.”

Lumapit si rian at mabilis nitong tinanggal ang suot na rubber shoes ng lalake habang si deijoy naman ay tinaggal ang belt ng lalake. Pinag tulungan ng dalawa na mahubad ang suot na maong pants ng lalake, medyo semi fit iyon kaya nahirapan sila na hugutin pababa.

“Ayan!” sambit ni joy, “natanggal din sa wakas!”

Tumayo si deijoy at bumuntong hininga, ng akmang aalis na sila, biglang hinawakan ni jhoemzskie ang isang paa ni deijoy, dahilan ito para mawalan ng balanse ang babae at matumba. Napatili siya at napasigaw, nagpupumiglas siya mula sa pagkakahawak ng lalake sa kanyang paa, mabilis ang mga paa niyang sumisipa, ngunit mabilis namang nakabangon ang lalaki. Agad namang sinaklolohan siya ni rian, pumakawala ito ng isang malakas na half round kick, at pinasundan niya agad ito ng mga suntok sa mukha. Bumagsak ang katawan ni jhoemzskie sa sahig.

Gulat si deijoy sa nasaksihan, di niya akalain may tinatago palang galing itong si rian.

“ah, ah, in fairness manong!! Napabilib mo ako dun, may talent ka pala sa martial arts! Dagdag pogi points kaya yun!”

“wag mo na akong bolahin.. di yan tatalab! Tara na, at baka mahuli pa tayo!. Kinuha ni rian ang baril ng lalake at mabilis na umalis sa silid na iyon.
------------------------


Mariing itinurok ni urvine ang anesthesia sa tagiliran ni yunik. Maya’t maya naman niyang pinupunasan ng kanyang kamay ang mga matang patuloy sa pag luha, tahimik ding nakatingin sa kanila si Valkyrie at ninetailedfox na hindi parin inaalis ang hawak na baril na nakatutok sa ulo ng kanyang kapatid na si choi. Ilang Segundo ang inantay ni urvine, tiniyak niyang tumalab na ang itinurok nito sa katawan ng kapatid, ng mapansin niyang wala na itong malay, isinuot na niya ang latex surgical gloves at kinuha ang surgical knife na nakapatong sa isang stainless tray. Nanginginig ang mga kamay na itinapat niya ang surgical knife sa parte ng katawan ni yunik na kanyang hihiwain, ilang taon narin niyang propesyon iyon at paulit ulit na ginagawa sa ospital, ngunit ito lang ang unang pagkakataong kabadong kabado siya. ipinikit niya ang kanyang mga mata at bumuntong hininga, idiniin niya ang pag hawak sa kutsilyo at unti – unti itong bumaon sa laman ni yunik, paunti unti namang lumalabas ang dugo habang ibinabaon ni urvine ang maliit na matalim na bagay sa tagiliran ng kanyang kapatid, unti unti niyang hiniwa ito.

“Kuya huwag!!!” malakas na sigaw ni choi ng Makita ang mabilis na pag agos ng dugo sa katawan ng kanyang kapatid na si yunik. Bigla siyang nagpumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ni Valkyrie at mabilis niyang hinablot ang hawak na baril ni ninetailed, agad niyang itinutok ang baril sa nakatayong si ninetailed.

“S-sige!, ituloy nyo at babarilin ko ‘tong taranta**ng boss nyo!” matapang na sambit ni choi kay valkyrie at sa dalawang lalake na naroon, mahigpit niyang hinawakan ang baril na nakatutok kay ninetailed, alam niyang hindi naintindihan nito ang kanyang sinabi pero alam niya na sa kanyang galaw ay makukuha nito ang ibig niyang sabihin, tumingin siya kay valkyrie alam niyang nakakaintindi ito ng tagalog.

“sabihan mo yang mga kasama mo na ibaba ang baril, pati ikaw!” matapang niyang utos dito, sinenyasan ni valkyrie ang dalawang lalake at agad namang sumunod ang mga ito dahan dahang inilapag ng dalawang lalake ang kanilang mga baril sa sahig. Si valkyrie naman ay nakatutok ang tingin kay choi, habang unti unti nitong ibinababa ang baril. Hindi pa man nito nabibitawan ang baril, biglang may isang putok na umalingawngaw sa loob ng silid, si Rian, pinaputukan nito ang kinaroroonan ni ninetailed, tumama ang bala sa pader, mabilis namang hinablot ni valkyrie ang kanilang boss at tumakbo paalis, agad naman sinugod ni deijoy at jjang ang dalawang lalake at pinag hahambalos ng hawak na tubo. Bago pa muling makapag pakawala ng putok si Rian, ay nakaganti agad si Valkyrie ng dalawang putok, tumama ang isang bala sa kanag balikat ni choi, dahilan para matumba ito, pinaulanan naman ng bala ni rian si Val at ninetailed na tumatakbo papalayo.

“tumakas na kayo!” sigaw ni Rian kina urvine. Agad namang hinila ni deijoy ang kama na hinihigaan ni yunik, may mga gulong ito kaya hindi sya nahirapang itulak ito palayo, mabilis namang tinungo ni urvine ang bunsong kapatid. Duguan ito, at pilit na bumabangon,

“kapit lang tol!” saad ni urvine kay choi, kumuha siya ng bandage at mabilis niyang tinakpan ang sugat ng kapatid. Tinulungan ni yuuii chan si urvine na buhatin si choi.



Sa hallway ng second floor ng building, mabilis na hinahatak nina jjang at deijoy ang kama kung saan nakahiga ang wala paring malay na si yunik, tumigil sila ng tumapat na sila sa hagdanan pababa.

“ohh no, pano ‘to?” saad ni deijoy, “jjang help me, we will carry him down.” Saad niya kay jjang, agad naman sumunod si jjang dito, ngunit hindi pa nila na bubuhat ang katawan ni yunik, ilang putok ng baril ang kanilang narinig, tumama ang bala sa railing ng hagdan habang ang ibang bala naman ay tumama sa iba't - ibang parte ng kongkretong pader, dala ng pagkabigla at takot, agad nilanghinatak pabalik ang kama, ngunit tumama ang isang gulong nito sa nakaawang na bakal, natanggal ang isang gulog at tumagilid ang higaan. Agad namang naalalayan ni jjang ang katawan ni yunik, mabilis na lumapit si joy at tinulungan si jjang, pilit nilang binuhat ang katawan ng lalake, sobrang bigat ng katawan nito ngunit hindi iyon alintana ni deijoy, ng maibaba nila ang katawan ni yunik sa kama, hinila niya ito sa isang sulok at doon nag kubli.

“You have to go jjang!” mahinang tugon niya dito.

“but what about you and your friend?”

“I can do this!” matapang niyang saad. “you need to escape in this building and look for help, take my phone, call you're dad, tell him that we need the help of police I’ll wait for your help here, I know you can”

Mariing hinawakan ni deijoy ang kamay ni jjang, niyakap niya ito at pabulong niyang sinabi sa dalaga "please.. be careful.." at mabilis ng tumakbo pababa ng building si jjang.

Yakap ni deijoy ang walang malay na si yunik, nakasalampak siya ng upo habang ang ulo ng lalake aya nakapatong sa kanyang mga hita. napansin din niya ang madugong damit nito sa tagiliran, iniangat niya ang damit ng lalake at nakita niya ang dalawang pulgadang hiwa nito, patuloy ang daloy ng dugo. Agad namang hinubad ni deijoy ang kanyang suot na t-shirt, buti nalang at palagi siyang gumagamit ng sports bra, kaya kahit wala siyang suot na t-shit, hindi naman malaswang tingnan ito, mukha lang siyang mag zu-zumba sa suot na itim na sports bra. Pinunit niya an damit at mabilis na ipinaikot sa balakang ng lalake, kailangang matakpan ang sugat at mag karoon ng kahit konting compression upang bumagal ang pag-daloy ng dugo.

“wag kang bibitaw nik..” nag aalalang saad ng dalaga habang kawak nito ang mukha ng lalake. “may tutulong sa atin, alam kong hahanapin tayo ng kuya mo, kapit ka lang!” hinaplos niya ang pisngi ng lalake humihinga ito ngunit wala itong malay, hindi na napigilan ni deijoy ang kanyang emosyon, bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata, hindi na niya napigilan ang pag iyak. Hindi niya alam ang gagawin, lahat ng masasayang ala-ala niya sa lalake biglang rumihistro sa kanyang isip, ang mga tawa nito sa tuwing nakikita siyang napipikon, mga pang bu-bully ng lalake na kanyang kinaiinisan ngunin kina-kikiligan din, ang mga araw na sinusuyo siya nito sa t'wing nakikita nito na galit na siya at mga kakulitan ni yunik na lubos niyang ikinatutuwa.
napangiti si deijoy, at muling nilingon ang lalake, sinubukan niyang buhatin ito, ngunit hindi niya kaya ang bigat, muli ilang putok pa ng baril ang kanyang narinig, "diyos ko, tulungan nyo kami please.. at sana ligtas si jjang na nakalabas ng building na ito at sana makahingi siya agad ng tulong"
muli niyang sinipat ang walang malay na si yunik.
“kasi naman ehh.. “ naiiyak niyang saad, “gumising ka nai! Hindi ko na alam ang gagawin! Lord please, wag mo munang kunin si yunik.. please po… hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal na mahal ko ang mokong na ‘to kahit pa palagi niya akong binubwisit!! uuyyy... asong gala.. gumising kana please......” saad niya habang hawak ang mga pisgi ng lalake.

Pinunasan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang mga luha. Mariing ipinikit ang kanyang mga mata at huminga ng malalim, pag mulat niya, napansi niyang nagkakaroon na ng malay si yunik, unti unti nitong iminulat ang mga mata,

“d-deijoy….” Pautal utal na sambit ni yunik,
animo'y para siyang nanalo ng milyon sa lotto sa sobrang tuwang nadama, muli niyang pinahid ang kanyang mga luha at nakangiting tiningnan si yunik, "ohh.. Thanks God..." bulalas niya. magsasalita sana si yunik ngunit itinapat ni deijoy ang kanyang daliri sa mga labi ng lalake, “don’t speak…”

Bigla niyang hinalikan ang lalake, ma-emosyon niyang hinagkan ang mga labi ni yunik, punong puno ito ng pagmamahal, isang matamis na halik naman ang iginanti ng lalake.



Mula sa malayo narinig niya ang tunog ng sirena.. ..Mga pulis.



----------------------------------------



Inalalayan ni yuuii chan si deijoy pababa ng ng building, maraming pulis sa paligid, si yunik naman ay sakay ng stretcher, at buhat buhat ng mga medics papunta sa ambulansya, kasama nitong isinakay sa ambulansya si choi at urvine, arestado naman ang ilang myembro ng sindikato na kasabay ang nahuling leader ng sindikato na si Ninetailed fox at ang kanag kamay nito na si Valkyrie, nakaposas ang mga ito at magkakasamang isinakay sa police vehicle. Nakatayo lang sina yuuii chan at deijoy malapit sa entrance ng building,

"kailangan na rin natin sigurong sumama sa police vehicle joy.." saad ni yuuii chan, "at kailangan ko narin sigurong palitan ang pantalon na ito, nahuhulog ehh.." nakangiting patuloy nito,
natawa si deijoy sa sinambit ng kaibigan. "sige na chan, nandun sa van natin yung mga gamit mo"
"no, look on that side" turo ni yuuii chan sa bandang kaliwa na may mga nakatabak na kalawanging drum.
"Ohh.. God.." bulalas ni deijoy sabay tawa "yung shorts mo!!"
nagtawanan ang dalawa.
ilang saglit lang may lumapit sa kanila, si jjang..

Nakangiting niyakap ni deijoy ang dalaga, at pabulong niyang sinabi “thank you jjang”

“No deijoy, its me who needs to say thank you, you saved me, you are a very stong lady” nakangiting saad ni jjang. “by the way, my dad wants to meet you and he wants to personnaly thank you for all of this”

Lumapit ang isang middle 50’s na lalake sa kanya, at taos pusong nagpasalamat, ipinaliwanag naman ni deijoy na dahil narin sa tulong ng kanyang mga kaibigan kaya sila ligtas na nakalabas ng building na iyon. At parte ng pasasalamat ng ama ni jjang sa kanila, sinagot na nito ang lahat ng gastusin sa ospital pati na ang pabalik nila sa pilipinas, nag bigay rin ito ng 1.5 million thailand baht o nagkakahalagang humigit kumulang dalawang milyong piso.


----------------------------

SIX MONTH LATER…


-----Jolibee…

“So guys.. game??” masayang saad ni yuuii chan sa mga kaibigan, nakatayo ito at ang dalawang kamay ay nakapatong sa gilid ng mesa. Nasa kanang bahagi ng mesa si yunik, katabi nito si deijoy bandang kaliwa naman si choi habang kaharap niya si Urvine.

“malaking discount ang nakuha ko mula sa travel agency” nakangiting patuloy nito.

“Well, ako game ako diyan, this is a one lifetime experience!” masayang tugon ni urvine. “saka next month babalik na ako ng Canada, matagal naman ulit ako bago makabalik”

“ako din, gusto ko ‘yan..” masayang dugtong ni choi.

“G na G ako diyan” saad ni deijoy.

“oh, yunik, wala ka yatang kibo, malay mo, dun mo na makamit ang matagal mo ng pinapangarap na first kiss..” pabirong saad ni yuuii chan sa kaibigan, nagkatinginan si yunik at deijoy at parehong ngumiti..

“hey, hey, hey… what the meaning of this???” may malisyang tugon ni chan sa dalawa, “parang may naaamoy akong sikreto na dapat ng ibulgar? Kayo na ba?”

Sabay na tumago ang dalawa bilang tugon nito.

Masayang napasigaw ang mga kasama nila sa loob ng fastfood chain.

“So.. this is a call for a celebration!!!” bulalas ni yuuii chan “Here we Go Japan!!!!!”

END-


--------------------------------------------------------------------------------
 
Last edited:
WOW!!! Ang bilis ng paggawa ah. Ilang timplang kape kaya ang nadale dito ahaha. KODUS sa'yo brow. Basahin ko muna.
May mga hawig sa tunay na buhay brow ah..hhahaha.. kuhang kuha mo yung mga way ng pagko-comment ng mga character! ahahaha.. GALING GALING!
 
Last edited:
Ang galing mo talaga mate, napakalawak ng isipan mo. Ganito kasi mag-iisip ang mga artist, that includes film makers,directors, script writers.na entertain ako sa kwento, at last maka visit rin ako sa Thailand,: ). abangan ko ito, kung sino talaga si @ninetailedfox at anong mga sikreto ng mga magic niya.hehehe.
 
WOW!!! Ang bilis ng paggawa ah. Ilang timplang kape kaya ang nadale dito ahaha. KODUS sa'yo brow. Basahin ko muna.
May mga hawig sa tunay na buhay brow ah..hhahaha.. kuhang kuha mo yung mga way ng pagko-comment ng mga character! ahahaha.. GALING GALING!
WOW!!! Ang bilis ng paggawa ah. Ilang timplang kape kaya ang nadale dito ahaha. KODUS sa'yo brow. Basahin ko muna.
May mga hawig sa tunay na buhay brow ah..hhahaha.. kuhang kuha mo yung mga way ng pagko-comment ng mga character! ahahaha.. GALING GALING!
Bagal nga bro.. 2 chapter lang natapos. Malaki role mo dito ahh.. lapit kana maging artista. Haha
 
Ang galing mo talaga mate, napakalawak ng isipan mo. Ganito kasi mag-iisip ang mga artist, that includes film makers,directors, script writers.na entertain ako sa kwento, at last maka visit rin ako sa Thailand,: ). abangan ko ito, kung sino talaga si @ninetailedfox at anong mga sikreto ng mga magic niya.hehehe.
Salamat boss.. sana abangan nyo until end of the story.. pandagdag goodvibes lang sa busy life nyo.. already drafting d nxt chaptr.. pero mas abangan mo ang role mo boss.. hahaha..
 
whahahaahaha ang husay neto ah.. may bago nanaman akong susubaybayan hahahaha...salamat sa mahusay na kwento mate.. kalo ko kung ano nung movies or what whahahahaha then i check agad sa section category.. then yon hihi
 
@choi03 haha.. di ko din alam bro kung ilang chapter yan.. sulat lang ako ng sulat ehh.. abang abang lang.. wala pa yung highlights ng role mo sa kwento.. hehe
 
Lupeeet mo tol kikz.. galing ng narration. parang may naaamoy akong malupet na twist and transitions dito. Yehey artista na ako.. bigyan ng jackie chan!
 
Last edited:
@yunik salamat kuya will... at salamat shoppee...padagdag narin po ng tablet para sa anak ko at isang pink na jackie chan??? hahahahahaha
 
@yunik salamat kuya will... at salamat shoppee...padagdag narin po ng tablet para sa anak ko at isang pink na jackie chan??? hahahahahaha
kuhang kuha ah! ahahahh
 
magaling! mahusay! talentado! ibang klase! sino kaya talaga si ninetailedfox? anong mahika meron sya? basta bossing @kikko25 wag na wag mong babasain o kahit na paliguin lang sa kwento mo si bossing ninetailedfox.... kasi kahit siyam ang buntot nya magiging wet fox sya pag nabasa.... ✌️✌️✌️
 
Woow ngayon ko lang makita to ah, nakaka proud maging member ng netizion dahil madaming mga katulad mong talentado na nandidito.

Galing galinggg pero sino nga ba talaga itong fox na to? abang abang... 😅
 
magaling! mahusay! talentado! ibang klase! sino kaya talaga si ninetailedfox? anong mahika meron sya? basta bossing @kikko25 wag na wag mong babasain o kahit na paliguin lang sa kwento mo si bossing ninetailedfox.... kasi kahit siyam ang buntot nya magiging wet fox sya pag nabasa.... ✌️✌️✌️
@t2rel di natin alam boss.. baka nga mabasa siya.. di pa tapos ang kwento eh.. hahahaha Peace!!! bossing @ninetailedfox
 
Back
Top Bottom