What's new

Welcome to Pinoy Tech Forum

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Stories Granted MY RUNAWAY JOWA | SECOND PART | Romance Comedy | KIKKO25 Original Novels

kikko25

Well-known Netizen
Notable
𝖩𝗈𝗂𝗇𝖾𝖽
Nov 18, 2020
𝖬𝖾𝗌𝗌𝖺𝗀𝖾𝗌
1,490
𝖱𝖾𝖺𝖼𝗍 𝖲𝖼𝗈𝗋𝖾
59,112
𝖯𝗈𝗂𝗇𝗍𝗌
169
Shekels
₪1,383
runaway official cover.jpg
DISCLAIMER:
Ang lahat ng karakter at ang mga miyembrong nabanggit sa nobelang ito ay walang anumang kaugnayan sa may akda. ipinapa-unawa rin ng may akda na hindi ginamit ang mga pangalan ng miyembro upang sumikat o kaya naman ay pagkakitaan ng salapi o kahit anumang paraan para kumita ng pera sa nobelang ito. Ang lahat ng pangyayari na nabanggit sa nobelang ito ay kathang isip lamang, anumang pagkaka-ugnay o pagkaka-halintulad ng mga karakter sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. May mga Salitang hindi angkop sa mga Bata, patnubay ng matatanda ay kailangan.


MY RUNAWAY JOWA: HASHTAG TULOY PA RIN
SECOND PART

[KIKKO25 Original Novels]

Mag a-alas syiete na ng Gabi ng matapos ang audition, nag mamadaling nag empake si @deijoy23 alam niyang kanina pa nag aantay si yunik sa kanya sa baba ng building. ini-on niya ang kanyang phone sa pag aakalang may papasok na text messages sa kanya. Ngunit walang bagong message siyang na receive. Sinibukan niyang tawagan ang number ng lalake ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag, kaya minarapat na lamang niyang puntahan ito sa basement kung saan naka park ang kanilang sasakyan. Bit-bit ang kanyang maleta, dali-dali siyang sumakay ng elevator pababa ng building. Pag dating niya sa basement, dali-dali niyang tinungo ang kinaroroonan ng kanilang sasakyan habang hila-hila niya ang kanyang maleta. Sa di kalayuan, napansin niya ang isang lalake na nakatalikod at nakasandal sa kotse ni yunik.

“kuya Alex?” saad ni deijoy ng makilala ang lalake. Si alex ang pinsan ni @yunik anak ito ng tita Mildred niya na siyang nag alaga kay yunik ng mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang.

Napalingon agad si Alex, “deijoy, dito ka na pala, kumusta ang audition? Pasado ba? ikaw na ba ang isa sa mga bagong modelo ng Millenial Mag?” nakangiting tugon nito.

“Wala pa kuya, ung mga nakapasa daw at kokontakin nalang nila, well, I’m expecting for the worst, but hoping for the best.”

“Ganun ba? wait, tulungan na kita” saad ni alex sabay kuha ng dala niyang maleta, tinungo nito ang likod ng kotse at ipinasok doo ang kanyang gamit.

“Kuya, asan si Yunik?” tanong ni deijoy.

“ahh, si insan? Ayun, may importanteng pinuntahan, kaya ako nalang ang kanyang tinext para mag sundo sayo.” Paliwanag nito, sabay bukas ng pinto sa driver side, pumasok si deijoy at isinara ng lalake ang pinto at agad naman itong tumungo ng driver seat at mabilis na pumasok.

“Ganun ba?” kunot-noong saad ng babae, “kasi yung huling text niya saakin ay nandito siya sa baba, at may usapan kami na aantayin niya ako dito, saka kuya.. umiyak ka ba? bakit parang namumula mga mata mo?”

Sinimulang paandarin ni Alex ang makina ng sasakyan at dahan dahan na itong nag maneho palabas ng building. Muli itong nagsalita.

“ hindi ako umiyak, masyado lang mainit sa basement”

“hindi man lang ako tinext ni Yunik!”

“Emergency daw kasi yung lakad niya, kaya baka di na nakapag paalam sa’yo”

“ngayon lang niya ginawa sakin yan kuya! Magtatampo ako niyan sa kanya” sambit ni deijoy sabay pabagsak na i-sinandal ang likod sa backrest ng kotse. Seryosong napatingin sa kanya si alex at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

“Kuya alex, dun mo na ako ibaba sa bahay nyo, baka nandoon na si Yunik” basag ni deijoy sa katahimikan.

“N-naku, joy, wala pa yun dun, ano kasi.. uhhmm, nagbilin kasi sakin si yunik, na dun na kita i-deretso sainyo kasi nga gagabihin daw siya tapos, ano daw…. ahh.. mag pahinga ka na daw diretso kasi baka pagod ka sa audition mo”

Napa kunot noo si deijoy sa narinig mula kay Alex, may parte ng kanyang isip na hindi siya dito naniniwala, marahang huminga siya ng malalim at ibinaling na lamang ang tingin sa bintana ng sasakyan hanggang sa unti-unti na niyang naramdaman ang pagod at hindi na niya mapigilang ipikit ang mga mata.



Ginising siya ni Alex sa tapat na mismo ng gate ng kanilang bahay. Hawak na nito ang kanyang maleta, agad naman siyang lumabas ng kotse at sinamahan siya ni alex hanggang makapasok ng kanilang bahay. Wala pa ang kanyang Mommy Blessie, malamang nag-overtime nanaman yun sa opisina.

“Sige na deijoy, hindi na ako tutuloy, kailangan ko naring umuwi” saad ni alex sa kanya.

“Sige Kuya Alex, salamat sa pag hatid sakin.. nga pala, pag umuwi na si Yunik sabihin mo mag text siya o tumawag sakin agad.

Tumago naman si Alex bilang tugon at dire-diretso nang lumabas ng bahay at pumasok sa kotse, mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan hindi patungo sa kabilang street kung saan naroon ang kanilang bahay kundi palabas ng subdivision. Patay malisya iyong tiningnan ni deijoy.

Bago siya pumasok ng bahay muli niyang sinipat ang kanyang cellphone nagbabaka-sakaling may message ang kasintahan sa kanya ngunit bigo siya. Matamlay niyang pinasok ang bahay at tinungo ang hagdan paakyat sa kanyang silid.



Isang malakas na tunog mula sa kanyang alarm clock ang gumising kay deijoy. Alas-dyes na ng umaga siya nagising, napasarap siya ng tulog kagabi, muli niyang sinipat ang kanyang phone, may isang mensahe ito, mabilis siyang bumangon at napaupo sa kama, isinandal niya ang likod sa headrest ng kanyang higaan. Dali-dali niyang binasa ito. Ngunit, na disappoint siya ng makitang hindi si yunik ang nag text sa kanya kundi ang kanyang Mommy Blessie, nag remind ito na hindi na siya ginising at initin na lamang daw niya ang almusal na nakalagay sa ref. saglit siyang napatitig sa pader ng kanyang kwarto, ilang segundo siya sa ganoong ayos at ng may pumasok sa kanyang isipan, mabilis siyang bumangon, naisip niyang puntahan na lamang si yunik sa bahay nito, may konting tampo at galit siyang nararamdaman, kailangan niyang makausap ang kasintahan.

May ilang metro din lang naman ang layo ng bahay nila yunik sa bahay nila, sa kabilang street pa kasi iyon, pero nag tiyaga siyang naglakad, nakapambahay lang siya, din a rin siya naligo, nag hilamos lang siya at pinalitan ang kanyang damit pantulog saka tinungo ang bahay ni yunik.

Haloso labin-limang minuto siyang naglakad. sa wakas, tanaw na niya ang bahay ng tita mildred ni yunik, malaki iyon, triple ang lake kumpara sa kanilang bahay, mataas ang gate at hindi mo agad basta basta makikita ang mga taong nasa loob. Kung sabagay, isang doctor ang tita mildred ni yunik, at may kaya talaga ang kanilang pamilya pati ang mga magulang ng kanyang kasintahan. sa loob loob niya, siguro pati ang ibang yaman ng pamilya ni yunik ay ang tita mildred na nito ang nakikinabang. Ilang hakbang pa at nasa tapat na siya ng gate ng bahay nila yunik, muli niyang tinawagan ang number ng lalake, ngunit unattended na ito. Naka tatlo pa siyang subok, ngunit hindi talaga niya ma kontak ang number ni yunik. Pinindot niya ang call button ng intercom na nakakabit sa may gate, maya’t maya pa ay may sumagot na katulong, nagsalita siya at nagpakilala. Ilang saglit lang ay may nagbukas na ng gate.

“mam deijoy, pasinsya po..” saad ng isang katulong na nagbukas ng gate. “pasok po kayo”

“Naku, myrna, hindi na” tanggi ni deijoy. “itatanong ko lang kung nandiyan ba si yunik? Hindi kasi siya tuawag sakin, kahapon pa eh”

Saglit na yumuko at natahimik ang katulong. “Mam deijoy.. pasinsya po piro wala po deto si ser Yunik” paliwanag ng katulong. Na medyo may konting katigasan ang ilang salitang binibigkas, taga cebu province kasi ito kaya ganoon kung magsalita ng tagalog

“Si Tita Mildred ba nandiyan?”

“Ayy wala den po mam, hindi po siya umuwi kagabe, siguro maraming pasyinti sa ospital kaya di na nakauwe.

“eh si Kuya Alex?”

“Maaga pong umalis mam”

“ganun ba? alam mo kaya kung saan nag punta si sir alex? Or si sir Yunik mo?” saad ni deijoy.

“Naku mam deijoy, sorry po talaga piro wala pong nabangit si ser alex kung saan poponta.. nag belin din po si mam Mildred na hindi daw po kami pwedeng mag intirteyn ng mga bisita..”

“pati ba ako?” naiinis na saad ni deijoy

“pasinya na talaga mam.. piro lahat daw po”

“Ok, fine…” malumanay na tugon ni deijoy. “ganito nalang myrna, baka naman may alam ka kung saan pumunta or nasaan si yunik?”

“Wala po talaga mam, pasinsya po..”

“hay.. naku… ano ba yan??” nanlulumong sambit ni deijoy. “sige na nga ate myrna.. salamat nalang!”

Bagsak balikat siyang naglakad pabalik ng kanilang bahay.

----------------------------

Mahigit dalawang lingo na ng huli silang magkausap ni Yunik, at hanggang ngayon, wala parin itong paramdam sa kanya. Araw, araw din siyang pumupunta sa bahay ng kasintahan ngunit palaging sarado ang bahay at palaging maid lang ang naroon at hindi rin siya makakuha ng impormasyon, hindi rin sinasagot ni Alex ang kanyang mga text at tawag, Malakas ang kanyang kutob na may itinatago ito sa kanya. Palagi rin niyang pinupuntahan ang dental clinic ng ni yunik ngunit palagi rin itong sarado.sa tuwing pupuntahan naman niya ang ospital na pinag ta-trabahuhan ng tita mildred ni yunik ay hindi siya nito pinag-lalaanan ng oras para makausap, palagi ang assistant nito ang kanyang nakakaharap at palaging busy ang sagot nito sa kanya. Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali o kaya naman ay ikinagalit ni yunik para hindi sa kanya magpakita o magparamdam man lang? kahit text o kaya tawag, pati ang gamit nitong number ay hindi na rin niya makontak, at wala man lang sa pamilya ni yunik ang magbigay sa kanya ng impormasyon kung nasaan ang lalake? Saglit pa’y nagsimula ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata, marami siyang tanong sa isip na nais niyang masagot. Hindi rin niya maiwasang maisip na baka paraan ito ng lalake para makipag hiwalay sa kanya, pero bakit? Ano ba ang nagawa niyang mali o kasalanan dito para gawin iyon sa kanya. Napasubsob siya sa unan at patuloy na umiyak, masakit ang kanyang kalooban, may pagtatampo siya sa lalake, hindi man lamang ba naisip ni yunik kung ano ang kanyang mararamdaman sa ginawa niyang ito? Muli niyang iniangat ang kanyang ulo, pinunasan niya ang kanyang mga luha sa mata at inayos ang kanyang buhok, inayos niya ang kanyang damit at mabilis na bumaba ng hagdan at lumabas ng kanilang bahay.

Buong araw na nag abang si deijoy sa labas ng bahay nila yunik, hindi na siya pumasok sa lood ng bahay ng kasintahan kasi ayaw niyang malaman ng mga katulong na naroon siya. Naka kubli lang siya sa isang palm tree na nakatanim sa garden landscape sa gilid ng gate ng kabilang bahay, matiyaga siyang nag abang kung may lalabas o papasok sa bahay nila yunik. Inabot na siya ng gabi, ngunit hindi siya natinag mag antay, buo ang kanyang loob at mag ti-tyaga siya, kailangang may mapala siya ngayon, ayaw niyang umuwing talunan. Inabot na siya ng dilim, at ramdam niya ang biglang paglamig ng ihip ng hangin, mga panaka-nakang patak ng ulan, “tila uulan yata” sambit niya sa sarili. Pasado Alas nwebe na ng gabi ng mapansin ni deijoy na may pumaradang kotse sa tapat ng gate ng bahay nila yunik, sigurado siyang kotse iyon ng tita mildred nito. Bago pa man bumukas ang gate, mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng sasakyan at agad niyang kinatok ang bintana ng kotse, ilang saglit pa’y bumukas ang bintana ng sasakyan, nakita niya ang tita mildred ni yunik kasama nito si Alex sa loob ng sasakyan, mukhang pagod at seryoso.

“T-Tita Mildred Good evening po” bati niya ditto.

“Oh, Desiree, why you’re here? Gabi na ah” tugon nito sa kanya.

“Tita please, didiretsahin na kita, alam ko na alam mo kung bakit ako nandito, mag iisang buwan ng hindi nagpapakita saakin si yunik, kahit text, tawag o kahit anong mode of communication man lang wala, pati kayo lagi nyo akong iniiwasan, si kuya alex at ang lahat ng nakatira sa bahay nyo, wala kayong sinasabi saakin, Tita.. siguro naman may karapatan akong malaman, Girlfriend ako ng pamangkin nyo, at araw araw akong nag aalala, nag iisip ng kung ano-ano at araw araw din akong nasasaktan sa mga nangyayari.. wala akong alam tita, para na akong paranoid! Sorry to say this Tita, pero ‘wag nyo naman po sana akong gawing *****!” mahabang sabi ni deijoy na may diin ang huling salitang binitawan.

Bumuntong hininga si Mildred at muli nitong nilingon ang babae.

“Okay Desiree Joy, I don’t want so say this sana, but you’re right, may karapatan kang malaman ang totoo” tinitigan nito si deijoy at muling nagsalita. “Remember Mitch?”

Napakunot-noo si deijoy “M-Mitch? Yung kababata ni yunik from states?” tugon niya kay mildred.

“yes, you’re right!” sang ayon ni mildred. “Yunik and Mitch are already engaged, at lumipad na papuntang states si Yunik in preparation for their wedding soon. well, hindi na pinaalam sa’yo ni yunik kasi alam niyang masasaktan ka, kaya minarapat na lamang niyang ilihim yun at umalis nalang”

Pakiramdam ni deijoy, para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig, hindi malakas ang boses ng tita mildred ni yunik pero halos mabingi siya sa narinig, naninikip ang kanyang dibdib sa galit, lungkot, inis at pagkamuhi sa lalake. Pinilit niyang i-ki-nompose ang sarili at muling nagsalita.

“Tita, parang hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi mo, unang-una kilala ko si Yunik, hindi niya magagawa sakin yun, alam ko kung gaano niya ako ka-mahal at di niya magagawa yun para masaktan ako”

“But he did!” mabilis na tugon ni Mildred. “and It’s up to you if you wont believe me! Well, ask Alex, if hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?”

Naluluhang nilingon ni Deijoy si Alex, nakayuko ito at hindi makapunto ng tingin sa kanya. Tinapik ni Mildred si Alex at tinitigan ito. Nilingon ni alex si deijoy na nakatayo sa may bintana ng kanilang kotse.

“Tama si Mommy, Deijoy, Yunik is getting married with Mitch.” Saad nito sabay lihis ng tigin sa kanya. Sumara na ang bintana ng kotse at bumukas narin ang gate at mabilis na pumasok ang kotse sa loob.

Naiwang nakatayo si Deijoy sa labas ng gate, para siyang nauupos na kandila, galit at poot ang kanyang nararamdaman, hindi niya akalaing magagawa iyon sa kanya ni Yunik.

Ang lalakeng pinagkatiwalaan niya at minahal ng buong-buo. hindi niya mawaring ganun ang gagawin nito sa kanya ito. Ilang saglit pa’y sumabog narin ang kanyang nararamdaman, maraming luha ang bumuhos sa kanyang mga mata, napa salampak siya sa kanyang kinatatayuan at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob sa pamamagitan ng pag iyak, sabay ng mga luhang tumutulo sa kanya mga mata, ang malakas na pag patak naman ng ulan, wari’y nakikisimpatya ang langit sa kanyang nararamdaman.



Mabilis na hinabol ni Alex ang kanyang Mommy Mildred papasok ng bahay.

“Ma, Nagsinungaling ka kay Deijoy!” saad niya habang habol sunod siya sa kanyang ina na nagmamadaling pumasok ng kanilang bahay. “Ma! Listen!” sigaw niya. Napahinto ang kanyang ina at nilingon siya nito, patuloy siyang nagsalita. “Hindi ka ba nako-konsensya ma? Babae ka rin, at alam mo dapat ang mararamdaman ni Deijoy!”

“Alex, ikaw din nag sinungaling”

“NO!” mabilis na kontra niya sa tugon ng ina. “napilitan lang ako ma! Naipit na ako sa sitwasyon kanina because of you!” taas boses niyang sagot sa ina.

“alam ko kung anong makakabuti Alex, so you better shut-up!”


5 YEARS LATER

“Another record high Team! Congratulations!” masayang bati ng kanilang boss na masiglang pumasok sa conference room, naglakad ito sa unahan, inilapag nito ang hawak na folder at masayang naupo sa harapan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.

“Boss, hindi naman natin makukuha ang ganitong sunod sunod na kataas na demand kung hidi dahil sa Maganda at sikat nyong girlfriend” tugon ng isang lalakeng empleyado na kasama nila sa meeting.

“Yes boss @Rian !” dugtong ng isa pa. “she’s the best model that we have, at kami sa marketing department, ang daming mga invitations and proposals pa kaming nare-receive from different networks at commercial agencies, talagang super in-demand ni Ms. Desiree. And napakaganda rin po sir ng feedback sa kanya sa Hongkong”

“Well, she’s just puting her passion at work” dagdag papuri ni rian sa kanyang kasintahan. “and of course, she will not be able to do that without your help guys!” you’re the best team that we have!” masayang papuri rin nito sa mga empleyado.

“so.. is this a call for a celebrations sir?”

“Yes!” nakangiting tugon ni Rian. “well, I’m Planning for a surprise welcome Party para sa aking fiancé and soon to be wife!”

“Oo nga pala sir, bukas na ang balik ni Ms. Desiree from Hongkong.”

“Right Alfred!” tugon ni rian dito. “and we will be giving our rising star the best surprise homecoming party. And ako na personally ang susundo sa kanya sa Airport, maaasahan ko ba kayo Team?”

“Yes Sir!” sabay-sabay na tugon nito sa kanilang boss.

---------------------------------------------

Inabot ng mabigat na traffic sina Rian at Deijoy, napakabagal ng takbo ng kanilang sasakyan, sinulyapan ni Rian si deijoy, halatang pagod ito sa biyahe nakasandal ang likod nito sa backrest ng upuan at nakadikit ang noo sa salamin ng bintana ng kotse, malayo ang tingin nito sa labas ng sasakyan.

“So, How’s your tip in Hongkong babe?” bali ni Rian sa katahimikan.

“The show was fine, the pictorials was good and the TV interviews were ok” walang ganang tugon ni deijoy kay rian na hindi man lang bumaling ng tingin sa lalake.

“I’m sorry Babe, hindi kita nasamahan sa hongkong, hindi ko rin kasi pwedeng iwan ang kumpanya dito sa pinas. And I’m sure, hindi ka naman siguro pinabayaan ni @Yuuii-Chan nag bilin ako dun, sabihin mo lang kung may mga lapses siya at agad kong tatanggalin sa trabaho.

“You don’t have to do that babe, chan helps me a lot, daming contributions niya sakin at sa company, and he’s my best companion when we were in hongkong!”

“Okay!” maikling tugon ng lalake. “so.. ibig sabihin, hindi ka nagtatampo sakin kasi hindi mo ako kasama sa hongkong?”

Umiling lang si deijoy bilang tugon sa sinabi ng kanyang kasintahan.

Nag simula ng lumuwag ang daloy ng trapiko at medyo bumilis na ang takbo ng kanilang sasakyan. Nasa ganoong posisyon si deijoy ng maka-pukaw atensyon sa kanya ng madaanan nila ang kanyang alma mater school kung saan siya gru-maduate, napaayos siya ng upo, at lumingon siya kay rian na tutok ang mga tingin sa pagmamaheho.

“Rian saglit” saad niya. “pwede bang i-liko mo sa banda roon ang sasakyan?”

“why? Any important thing to…?”

“No,” mabilis niyang putol sa sasabihin ng kasintahan. “gusto ko lang bisitahin yung school ko, na miss ko lang bigla, maaga pa naman, gusto ko lang Makita please?”

“Okay, okay, you’re the boss!” nakangiting sambit ni Rian.



Hindi sila agad nakapasok sa gate ng university, maraming tanong ang gwardya kay Rian, kaya saglit na napasilip si Deijoy sa bintana ng kotse, napatingin ang security guard sa kanya at agad siyang namukhaan.

“naku sir, si Ms. Desiree po ba yang kasama nyo? Yung sikat na modelo at comercial endorser?” may pagka-excited na saad ng gwardya ng makilala si deijoy.

Nakangiting tumango lang si Rian bilang tugon.

“Ay naku! S-sorry sir! And sorry po ms. Desiree, hindi ko po kasi kayo kaagad napansin! Pero bakit po ba gusto nyong pumasok dito? may photoshoot po ba kayo dito sa university?”

Umiling si deijoy, nakangiti itong nagsalita. “Hindi kuya guard, gusto ko lang sanang mabisita saglit ang school kung saan ako gru-maduate, matagal na panahon narin kasi ng huli akong nakapasok dito, kaya na miss ko lang ang lugar”

“Ay, ganun po ba? dito kayo nag aral? Naku, isang karangalan po ng school yun ma’am! sige po pasok kayo. tama po punta nyo, pag ganitong lingo, bilang lamang ang mga estudyante dito, makaka-asa po kayo na wala akong pagsasabihan na nandito kayo, baka kasi magkagulo.”

“Salamat Kuya!” tugon ni deijoy.

Bago sila dumiretso sa loob ng university, pina-unlakan muna ni deijoy ang request ng security guard na makipag selfie sa kanya, kitang kita niya ang abot langit na ngiti ng nito habang bina-browse nito ang mga kuhang sefie mula sa kanya. Itinuro ni deijoy kay rian ang kinaroroonan ng library building ng school, agad namang sumunod ang lalake.

“Bakit dito sa library?” tanong ni rian ng tumapat na sila sa library building. “wag mong sabihing maghahanap ka ng magazines na ikaw ang cover?” natatawang patuloy nito “ang dami sa office babe”

Napangiti si deijoy. “hindi ako papasok sa library, pupunta ako sa likod, ang ganda kaya ng garden landscape sa likod nito, at doon ako madalas tumambay, kapag gusto ko ng peace of mind at kapag nag re-review ako kapag malapit na ang mid term or final exams” paliwanag niya kay rian,

“okay, wait lang ah, at I park ko ang kotse,”

“ no, bababa na ako” sambit ni deijoy.

“ok, sige, I garahe ko lang ng maayos itong kotse, susunod ako sa’yo”

Tumango naman si deijoy bilang tugon kay rian.

Mabilis niyang tinungo ang likurang bahagi ng building. Napaka-ganda parin ng lugar na iyon, medyo may mga konting nagbago sa disenyo ng ganden landscape, pero ang mga kongkretong upuan at ang iba pang mga struktura ay na-nanatili parin sa dati. Nag lakad siya papunta sa isang concrete bench, at dahan dahang umupo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga siya ng malalim at ninamnam niyaang sariwang hangin doon. Napangiti siya ng bigla niyang ma-alala ang mga panahong kasama niya si yunik, madalas silang nag bibiruan sa may mini concrete bridge ng fishpond, at dahil sa kanilang ingay ang ibang estuyanteng naroon ay sakanila na naibabaling ang atensyon, mga panahong dinadala nila ang pagkain sa canteen at doon nila inuubos habang magkasamang nag rereview ng mga lessons para sa exam, at ang lugar rin na iyon ang saksi ng matamis na unang halik ni yunik sa kanya ng sagutin niya ito bilang kasintahan. Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at nilingon niya ang kinaroroonan ng fishpond, tumayo siya at tinungo iyon, ngunit bago pa man siyang tuluyang makalapit sa maiksi at pakurbang kongkretong tulay na nasa gitna ng fishpond, napansin niya ang isang nakatayo at nakatalikod na lalake, nakahawak ang mga kamay nito sa concrete railing ng tulay. Napakunot noo siya, kilala niya ang tindig na’yon, ang lapad at tikas ng mga balikat at may pagkakahawig sa isang taong matagal na niyang pilit na kina-kalimutan. Bigla siyang kinabahan, at minabuti na lamang na lumayo doon, ngunit bago pa man siya tumalikod, ay humarap naman ang lalake at nagkasalubong sila ng tingin, para siyang estatwa ng hindi agad makagalaw ng makilala niya ang lalake.

“Y-yunik?” tanging sambit ni deijoy ng lubusang makilala ang lalake.

“Deijoy”saad ni yunik na may bakas na tuwa ng Makita niya ito. “y-you look so, different? Mas lalo ka pang gumanda..”patuloy nito. Ngunit isang malakas na sampal ang itinugon ni deijoy. Napa-atras ng bahagya si yunik at hinawakan nito ang namumula niyang mga pisngi. Nabigla ang lalaki sa tinuran sa kanya ni deijoy.

“aray, masakit yun ah!” sambit ng lalake.

“Masakit ba? well, kulang pa yan yunik, sa lahat ng sakit na binigay mo sakin!” naluluhang sambit ng babae.

“wait..deijoy, let me explain, please?” pagmamakaawa ni yunik ditto.

“Babe!” sigaw ni rian ilang metro ang layo sa kanilang dalawa, mabilis itong naglakad sa papalapit sa kanilang kinatatayuan. Inakbayan ni Rian si Deijoy ng makalapit na ito.

“Wow!, this place is amazing!, parang nasa isang maliit na park lang tayo ah” patuloy ni rian , agad namang pinunasan ni deijoy ang kanyang luha upang di mapansin ng kanyang kasintahan. “You know this guy?” saad ni rian ng maibaling ang tingin kay Yunik.

“oh, he’s just an old friend of mine, my batchmate!” mabilis na sagot ni Deijoy sa tanong ni rian.

“I see.. Hi, I’m Rian Anthony Go, the Son of Mr. Louie Go, the owner of the Silver Tower building and I’m the current Chief Operationg Director ng sikat ngayon na Millenium Magazine, and soon, ako na rin ang hahawak ng Silver Talent Agency, you know.. it’s a family business.. and syempre sa anak lahat ipapasa iyon!” Mayabang na pakilala ni Rian kay yunik sabay abot ng kanyang braso para makipag shake hands.

Magalang naman na sinalubong ng kamay ni yunik ang naka-abang na kamay ni rian, nakipag shake hand siya rito. “I’m Yohann Nicholas Santos” maikling pakilala niya.

“and… what makes you busy? Do you have a business? Or working?” tanong ni Rian.

“no.. I’m a Dentist, I have a clinic in Makati before, pero isinara nay un ng pumunta na ako ng states!”

“ah, okay… a dentist?” unit ni rian. “meaning taga linis at taga ayos ng ngipin ng mga taong tamad mag sepilyo at may mga pangit na ngipin?”

Napikon si Yunik sa itinuran ng lalake, ngunit hindi niya iyon ipinahalata, napaka yabang ng dating nito sa kanya, masyadong mahangin at sobra sobra ang bilib sa sarili.

“So, how long have you been friends with my fiancé Desiree?” tanong nito.

“f-fiance?” ulit ni yunik.

“Yah, my fiancé, desiree joy jimenez, ohh.. wait, di ka makapaniwala na ang sikat na modelo ngayon ay fiancé ko? C’mon bro, halata naman siguro sa mukha ko na habulin ako ng mga babae” patuloy na pagyayabang ni rian. Napangiting aso na lamang si yunik sa mga narinig mula sa lalake.

“Rian enough!” awat ni deijoy. “tara na, uwi na tayo.”

“Oh, c’mon Babe, kararating ko lang and I am so mesmerized with this place, di mo pala sinabi na ang ganda pala talaga dito, You know what? I will let our location team to work on this place, this can be a good place for photoshoot!” patuloy ni rian habang naka akbay sa babae, tumalikod na ito at niyaya na maglakad si deijoy. Dinig ni yunik ang usapan ng dalawa habang papalayo na ito sa kanya.



Isang Masaya at magarbong party ang sumalubong kay Deijoy, ng makarating sila sa bahay ni Rian, napakalaki ng bakuran ng bahay ni Rian, na talagang masasabing nasa first class family. punong puno ito ng mga dekorasyon, mesa, mga ilaw, pati swimming pool may ilaw sa ilalim ng tubig. maraming bisita ang naroon, halos lahat ay empleyado ng Silver Tower at Silver Talent Agency, masayang sumalubong rin sa kanya ang kanyang mga ka Team Mates sa Millenium Magazines, lahat nandoon, magsimula sa Editor in Chief, photographer, location director pati mga make up artist at iba pang modelo ng kumpanya. Tuwang tuwa si Deijoy sa nakita lalo pa ng sinalubong siya ng kanyang mga kasamahan sa Mileenuim Mag. Kabilaan ang nag congratulate sa kanya, pati ibang department ay binate rin siya sa napakagandang output ng project na ginawa niya sa hongkong. Saglit pa’y narinig niyang nagsalita si Rian sa Podium na nasa unahan, malapit sa may swimming pool.

“Ladies and Gentlemen..” panimula nito, “Let us all congratulate our one of the best Talent of Silver Talent Agency, and the lady behind of the most in demand Millenium Magazine, with 3 consecutive years as number one in ranking among other rival magazines in the industry.. I’m Very Proud to welcome… my Fiance, and soon to be Mrs. Go two weeks from now, let’s give a round of applause to Ms.Desiree Joy Jimenez….”

Malakas na palakpakan ang sumunod na narinig ni deijoy, nakangiting nakatingin sa kanya si Rian mula sa itaas ng stage, bahagya itong lumapit sa may hagdan at inabot ang kanyang mga kamay para alalayan siyang maka-akyat. Yumakap si rian sa kanya ang pabulong itong nagsabi “Welcome home again babe, Congratulations.. I love you!” sabay halik nito sa kanyang mga labi.

Sinamahan ni rian ang babae patungo sa gitna ng stage. Binigyan siya ng mic ni rian. Kinuha naman niya ito agad, at humarap sa mga bisita. Talagang nahubog masyado ang kanyang confident sa trabahong ito, parang ordinaryong sitwasyon lang sa kanya ang humarap sa mga tao, sa dami ba naman ng dinaanan niyang mga trainings at halos araw araw na ang kaharap niya mga camera at iba ibang tao, kaya nahubog masyado ang kanyang confidence sa sarili.

“Yuhoo… I’m Back guys!!” masiglang simula niya, rinig niya ang tawanan ng mga bisita natuwa ito sa kanya. Alam niyang hindi niya kailangang maging masyadong formal dahil halos lahat ng nandoon ay kilala niya at kilalang kilala din ang kanyang ugali na happy person. “You know guys, dapat sinabi nyo na may pa welcome party kayo na ganito! Nakapag ayos sana ako!” pabirong patuloy niya.

Mula sa mga nanonood na kanyang mga bisita sa ibaba ng stage, may narinig siyang pasigaw na nagsalita.

“Ok lang yan Ms. Desiree.. you’re still sexy, beautiful and hot!!” natawa ang mga bisita, nagpalakpakan at sinabayan pa ng hiyawan. Natawa naman siya sa narinig.

“thank you for the compliment kung sino man yun!” patol niya sa biro ng bisita. “anyway guys, My achievement is also you your achievement and our company as well, hindi magiging ganito ka ganda ang output sa loob ng tatlong taon kung wala kayo, kaya, maraming maraming salamat! God bless you all!!” saad niya sabay bitaw ng flying kiss. Mabilis naman lumapit si rian sa kanyang kinatatayuan, ipinulupot nito ang braso sa kanyang beywang at muling nagsalita.

“Everyone!! Enjoy the party and again.. congratulations!” lumingon it okay deijoy at ngumiti. Sabay silang bumaba ng stage at tumungo sila papasok ng bahay ni Rian. Dumiretso si deijoy sa sala at naupo sa isang mamahaling sofa.

“babe, what’s wrong? Hindi ka ba Masaya sa surprise party?” saad ni rian, lumapit ito sa kanya.

“maybe I’m just tired, wala pa akong maayos ng pahinga” malumbay niyang tugon.

“is that so? Well, you can sleep in my room, I’ll ask my maid to prepare the room for you at samahan na kita doon.”

“no rian” tanggi niya. “Ihatid mo nalang ako sa aking condo, gusto ko na ring Makita si mommy”

“No! you will stay with me!” mariing tugon ng lalake sa kanya.

“Please babe, I need to rest and i want to see my mom..” malumanay niyang saad sa kasintahan,wala kasi roon ang kanyang ina sa party dahil na stroke ito isang taon na ang nakakalipas, kumuha rin siya ng personal nurse at therapist na siyang nag aalaga sa kanyang mommy blessie, pero napaka bagal ng pag recover ng kanyang ina.

“I prepare this all for you! And you will just leave?” may halong inis na sambit ni Rian.

“Okay..” saad ni deijoy sabay tayo mula sa pagkakaupo sa sofa “I will stay for an hour! And after that I will go home.. I’m Tired babe, galing pa ako ng hongkong, wala pa akong maayos na pahinga.. please naman!”

“iyan ang gusto kong marinig sa’yo, alam mo naman na ayokong kinokontra ang mga gusto ko!” saad ng lalake saka lumapit sa kanya at niyakap siya nito.

Kung isang material boyfriend ang kanyang hinahanap, very qualified si Rian dito, bukod sa may itsura ito, masasabi mo talagang angat ang kanilang pamilya at kabilang sa first class society. Ngunit, hindi iyon ang talagang gusto niya, huli na rin ng lubos niyang makilala ang tunay na ugali lalake, ayaw na ayaw nito na kinokontra ang kanyang mga desisyon at pag ginusto niya ay kaylangang sundin, madali rin itong mainip at sa maliit na bagay madali ring magalit. Minsan nga ay hindi niya maiwasang maikumpara ito kay yunik na talagang opposite ang ugali ng dalawa, si yunik ang tipong tao na napakadaling pakisamahan, at kayang kayang sabayan lahat ng kanyang trip at gusto. Pero kahit ganoon ang ugali ni Rian, hindi siya nito iniwan sa ere ng mag isa hindi katulad ni yunik na basta nalang tumakbo pa layo.

Muli siyang bumalik sa labas, maingay doon, malakas ang musika na galing sa sound system na nirentahan ng kumpanya. Kalat-kalat ang mga bisita, may kanya kanyang grupo, masasaya silang nag ku-kwentuhan, umiinom ng wine at nagtatawanan. Maya’t maya pa ay may tumapik sa kanyang balikat, napalingon siya.

“beks! Ikaw pala..” Masaya niyang bati ng makilala ito.

Niyakap siya ni yuuii chan, ang kanyang personal make-up artist “Congrats beshi…din a ako nakapag conrgrats sayo ng mag hiwalay na tayo sa NAIA, pero alam mo, sabik na rin talaga ako makauwi ditto sa pinas, tagal din kasi natin sa hongkong eh.. ” masayang bati nit okay deijoy. “Anong ginagawa mo ditto bakla?? Di ka ba masaya sa party mo? Tara dun ka sa table namin.. at ipapakilala kita sa bago kong boylet..siya ang dahilan kung bakit uwing uwi na ako from hongkong…. hay naku.. ang yummy niya besh!!”

Natawa si deijoy, “at saang kanto mo nanaman nakilala iyan? Social media siguro, kasi nung nasa hongkong tayo, mayat maya ang hawak mo sa cellphone mo!”

“ay naku.. iba ‘to besh!! Isa siyang news reporter sa isang sikat na TV network!”

“talaga?” tugon ni deijoy. “if I know.. gagamitin ka lang niyan para makahanap ng magandang scoop sa mga talents ng kumpanya natin”

“ohh.. ehh.. di mag gamitan kami!!” malakas na nagtawanan ang dalawa.

Nang makalapit sila sa mesa, narining niya ang emcee na nagsalita mula sa mikropono at inin-troduce nito ang ilang grupo ng kakakakihan mula sa Visual department para sa isang intermission number.

“Hay naku!!! Ayan nanaman yang mga taga visual department na mga trying hard!!” bulalas ni yuuii chan “if I know mga lumang kanta lang naman ang alam tugtugin ng kanilang grupo!”

Tinapik ni deijoy ang kaibigan.

“wag ka ngang bitter beks!!” patawang sambit niya, yaan mo na.. minsan lang naman tayo magkaroon ng ganitong okasyon sa kumpanya at tini-take lang nila opportunity para ma-ishare nila ang kanilang talent!”

Umikot ang mga eyeballs ni yuuii chan at napaguso pa ito..

“Duhh.. buti lang sana kung mga gwapo besh!!”

“huwag mo nalang tingan beks ang mukha.. pakinggan mo nalang boses nila, magaganda daw ang mga boses nila..”

“hmmmpp!! What ever!!” pairap na tugon ni yuuii chan.



Nag simulang tumugtog ang banda. Biglang nagtaasan ang mga buhok ni deijoy sa katawan ng marinig ang tinu-tugtog nito. Isang sikat na kanta ng Neocolors, ang kantang ginawan ng sariling rendition ni yunik at iniregalo sa kanya nung 18th birthday niya, ang kantang punong puno ng masasayang ala-ala nila noon ni yunik. mas lalo niyang nadama ang kaba ng simulang bigkasin ng vocalist ang unang lyrics ng kanta:



“Sa wari ko’y lumipas na ang kadiliman ng araw,

Dahan-dahan pang gumigising

At ngay’y babawi na….”





Kinutuban siya, Parang kilala niya ang timbre ng boses ng kumakanta, mabilis ang tibok ng kanyang puso, hindi siya mapakali sa kanyang kinatatayuan, gusto niyang lingunin ang kumakanta, ngunit parang pinipigilan siya ng kanyang isip. Huminga siya ng malalim, sa pagkakataong iyon, kaylangan niyang suwayin ang gusto ng kanyang isipan at sundin ang sinasabi ng kanyang puso. Dahan-dahan niyang nilingon ang lalakeng lead vocalist na kumakanta. ngunit mali ang kanyang kutob, akala niya si Yunik ang kumakanta, kung sabagay, ano naman ang gagawin ng lalakeng iyon sa bahay ni Rian, unang-una, hindi ito invited at hindi naman nito alam ang mga nangyayari ngayon sa buhay niya. Muli niyang binaling ang atensyon sa mga kasama nito sa mesa.

Saglit pa’y may napansin siyang isang maliit na kumosyon sa may entrance ng gate ng bahay, pansin niyang may isang lalake na na nag-pupumilit pumasok at pini-pigilan naman ito ng mga gwardyang naroon. Na curious siya at nilapitan ito.

“Kuya Guard, may problema po ba?” bungad niya ng makalapit sa may entrance.

“Ma’am Desiree, pasensya po, may lalake po kasing gustong pumasok dito sa loob ng bahay ni Boss Rian, pero wala naman po ang pangalan niya sa listahan ng mga bisita.” Magalang na sagot ng isang gwardya.

Napakunot-noo si deijoy. “asan po siya kuya?” tanong niya.

“nandiyan pa po siya mam.” Turo ng gwardya sa may poste ng gate.

Bahagyang lumabas si deijoy upang silipin kung sino iyon. “excuse me? Sir?” tawag niya ng makita ang lalake na nakatalikod. Ng humarap ito, saglit siyang natigilan ng Makita si yunik. Agad siyang lumabas at hinila ang lalake papalayo sa bukana ng gate. Huminto sila sa tapat ng kotse ni yunik na nakaparada sa kabilang kalye.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni deijoy.

“Puntahan ka para kausapin.” Maikling tugon ni yunik.

“paano mo ba nalaman na nandito ako?”

“sorry deijoy, pero kanina pag alis nyo sa school, pakubli akong sumunod sainyo, ang totoo, kanina pa ako rito, nag aantay lang ng pagkakataon, kaso mukhang may okasyon sa loob at walang chance na lumabas ka, kaya sinubukan ko nalang na pumasok. Ang ganda nap ala ng bahay mo, kaya pala nung umuwi ako galing ng US, iba na ang nakatira doon sa dating bahay nyo sa subdivision” Mahabang explenasyon ni yunik.

“una, hindi ko bahay ito, pangalawa sinundan mo kami ni Rian kasi gusto mo lang akong makausap?”

Tumango ang lalake bilang tugon.

“well, nag aaksaya ka lang ng oras yunik! Wala na tayong dapat pag usapan! Simula ng umalis ka ng walang pasabi at magsama kayo ng kababata mong si Mitch sa US, tinuldukan ko na ang relasyon natin!” may diin na saad ni deijoy, ramdam niyang nagsisimula na-namang mabuhay ang galit niya sa lalake.

“w-wait babe..” awat ni yunik.

“Babe? Hello… ang kapal mo yunik para tawagin mo pa ako ng ganyan! May asawa ka na, at ikakasal na rin ako kay Rian”

“wait lang joy! Let me explain first!”

“for what? Matagal na tayong tapos.. matagal akong nag adjust yunik, alam mo ba sa ginawa mo, mukha na akong paranoid, di ko alam kung ano ba ang nangyayari, kung may nagawa ba akong kasalanan o nagawang mali? Araw araw akong nag aabang sa bahay nyo yunik, nag aantay ng pagkakataon na baka sakaling Makita ka at makausap, pero wala yunik, iniwan mo ako… ang sakit alam mo bay un? lalo pa ng malaman kong may iba ka nang babaeng gustong makasama..” litanya ni deijoy habang umiiyak.. “kaya please, leave me alone.. umalis ka na.. naka pag move-on na ako..”

Tinitigan ng lalake ang umiiyak na si deijoy. “naka pag move-on ka nab a talaga deijoy? Nag bago nab a talaga ang nararamdaman mo sakin? Does your heart really change its shape for me?”

Sumandal si deijoy sa kotse at tinakpan niya ng kanyang mga kamay ang mukha habang patuloy na umiiyak. Lumapit si Yunik, at hinawakan nito ang balikat ng babae.

“I’m sorry kung nasaktan kita deijoy,matagal akong nawala, pero hindi ko alam kung saan mo nakuha yang mga sinasabi mo, wala akong asawa, hindi naging kami ni mitch.. Oo, tama ka, pumunta nga ako ng US, pero iyon ay dahil kailangan kong dumaan sa isang heart surgery, remember noong pumunta tayo ng silver tower para mag audition ka sa Millenium Mag? Nagkaroon ako ng heart attack at muntik na akong mamatay kung hindi dahil sa mabilis na tumulong sakin na mga gwardyang naroon!”

Natigilan si deijoy sa mga sinabi ng lalake, pinunasan niya ang kanyang mga luha at tinitigan ang lalake. Seryoso ito at ramdam niya ang sincerity sa mga binibitawan nitong mga salita.

“Believe me deijoy, all I want ay mapa buti ang career mo, ayokong maging hadlang dahil lang sa saakin, Mahal kita alam mo ‘yan, at alam mong susuportahan kita sa lahat ng gusto mo.. kilala mo ako diba? Never akong naging kontrabida sa mga pangarap mo.. totoong nanirahan ako sa amerika dahil sa desisyon ni tita mildred, at hindi ko alam na matatagalan ako doon. Hindi ako pinagamit ng phone ni tita, pati social media account ko siya ang nag control, para daw yun sa ikabubuti ko, palagi kon sinasabihan si titan a kumustahin ka, pero ang sabi niya saakin ay hindi ka nag re-reply sa mga message niya”

“P-pero.. yunik, wala akong natatanggap na anumang mensahe galing sa’yo, at ang sabi sakin ni TIta mildred ay…” hindi na naituloy ni deijoy ang kanyang sinasabi ng bigla siyang halikan ni yunik, umaalab na parang apoy ang mga halik ng lalake, sabik na sabik ito sa kanyang mga labi at ramdam niya ang emosyon sa mga halik ng lalake. Biglang sumagi sa isip ni deijoy si Rian at mabilis niyang naitulak si Yunik.

“this is not right Yunik.. I’m sorry… ikakasal na ako 2weeks from now”

Saglit nagkaroon ng katahimikan sa kanilang pag-uusap.

“Okay Deijoy” malungkot na tugon ni yunik. “tatanggapin ko, alam kong kailangan mong mag move-on at magpatuloy sa buhay nung nawala ako, pero sana mabigyan mo ako ng second chance, at sa isang request ko na iyon sana ay mapagbigyan mo, kung talagang may natitira pang pag-mamahal dyan sa puso mo, hahayaan kitang pumili sa-amin ni Rian, Sa araw ng kasal mo, maghihitay ako sa mini garden sa likod ng library building ng dati nating pinapasukang university,mag aantay ako ng buong araw, at kapag hindi ka dumating, ibig sabihin nun ay si Rian talaga ang mahal mo, babalik na ako ng US at hindi mo na ako makikit pa at hindi na rin kita guguluhin”

Pansin ni deijoy na seryoso ang lalake, at ramdam niya na tagos sa puso ang mga sinasabi nito. Tinitigan lamang niya ito bilang tugon sa mga sinabi ng lalake at mabilis siyang tumalikod at patakbong bumalik sa bahay nila Rian, ayaw kasi niyang Makita ni Yunik ang kanyang pag-iyak.

-------------------------


“hey, where have you been? I’m looking for you!” saad ni Rian kay deijoy ng makasalubong niya ito sa bukana ng gate.

Nakayukong umiling ang babae.

“w-wait, are you crying?” patuloy ni rian ng mapansin ang mga mata ni deijoy.

“No, Im just tired, I want to go home now” tugon ng babae at mabilis na naglakad papasok ng bahay. Bago sinundan ni rian ang babae, napansin niya ang isang kotse sa kabilang kalsada, may nakatayong lalake doon, namukhaan niya ito. Muli niyang nilingon si deijoy na mabilis na naglalakad papasok ng bahay.

TO BE CONTINUED..................
 
Last edited:
@deijoy23 eto na po yung continuation.. kailangan kong ilagay sa new thread kasi hanggang 10k lang ang maximum na character na pwede sa thread..
@yunik bro.. pagaling ka.. basahin mo nalang 'to, another good story..
@Yuuii-Chan boss.. sorry ahh, nagamit ko ulit ang user name mo.. gawin ko munang bading ang character mo.. just to add a little spice and flavor.. humingi pa ako ng tulong sa ilang member ng LGBT para maayos ng mabuti ang gay language at pagkaka latag at expression ng salita..
 
@deijoy23 eto na po yung continuation.. kailangan kong ilagay sa new thread kasi hanggang 10k lang ang maximum na character na pwede sa thread..
@yunik bro.. pagaling ka.. basahin mo nalang 'to, another good story..
@Yuuii-Chan boss.. sorry ahh, nagamit ko ulit ang user name mo.. gawin ko munang bading ang character mo.. just to add a little spice and flavor.. humingi pa ako ng tulong sa ilang member ng LGBT para maayos ng mabuti ang gay language at pagkaka latag at expression ng salita..
bosssing thanks ,basa muna me....
 
Sige lang po.. enjoy reading
 
Back
Top Bottom