Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Pagyabong ng kaalaman sa tulong ng pamilya Netizion

nicy12

Newbie
Nov 28, 2020
7
14
3
Mapag-palang araw mga kapwa ko Netizens! Ako nga pala si Jervz a.k.a nicy12. Username ko na yan since 2009 na nagmula pa sa pangalan ng crush ko noon na si Princess Nice (ayieee haha). Yan na din ang ginamit ko sa mga forums na sinalihan ko ever since.

Ako ay taga Bulacan. Nag aral sa Bulacan State University, at nagtrabaho sa sales industry. Sa kasamaang palad, nawalan ako ng trabaho dahil sa pandemic :(

Sumapi ako sa Netizion dahil gusto ko pa matuto ng mga bagay na may kinalaman sa computer/programming. Naging miyembro ako ng mabuting Symbianize/Mobilarian since 2011. Bagamat nakakalungkot ang kanilang maagang paglisan, nagpapasalamat ako sa Netizion at iba pang Pinoy Forum sa pagpapatuloy ng legasiya na nasimulan ng mga nauna.

Bilang ambag, may kakayahan akong makapagbigay ng mga ebooks at iba pang documents kapag may nagrequest. Maliit na bagay man, alam kong malaki ang maitutulong neto sa mga kapwa ko beginner-medium level palang.

Umaasa ako na kagaya ng isang pamilya, ituturing ng Netizens sa Netizion na kapatid ang mga kasapi dito at bibigyan ng nararapat na respeto at kaukulang pag gabay sa mga gaya ko na gusto pang matuto.

Muli, maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Netizion at sa mga Pinoy Forums!

Mabuhay!

PS: Last stalk ko kay Nice ay noong 2015 pa at may long time boyfriend na sya kaya malamang kasal at pamilyado na sya ngayon. sad :(
 
Hello po mga ka-netizion, ako po'y dating member ng Symbianize/Mobilarian since 2010 kung hindi ako nagkakamali, timenet din po ang username ko dun. Masaya ako at meron nanaman tayong bagong tatambayan at makakatulong sa atin. Maraming Salamat po :)
 
i miss symbianize/mobilarian, now nakita ko ito sana dumami rin ang members like the other ph community. mabuhay haha
 

Similar Threads

What's Trending

Back
Top