- Nov 18, 2020
- 1,591
- 59,762
- 169
- ♂️
- Thread Author
- #1
DISCLAIMER:
Ang lahat ng karakter at ang mga miyembrong nabanggit sa nobelang ito ay walang anumang kaugnayan sa may akda. ipinapa-unawa rin ng may akda na hindi ginamit ang mga pangalan ng miyembro upang sumikat o kaya naman ay pagkakitaan ng salapi o kahit anumang paraan para kumita ng pera sa nobelang ito. Ang lahat ng pangyayari na nabanggit sa nobelang ito ay kathang isip lamang, anumang pagkaka-ugnay o pagkaka-halintulad ng mga karakter sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. May mga Salitang hindi angkop sa mga Bata, patnubay ng matatanda ay kailangan.
“Copy echo 2, this is alpha 1” ma-static na tunog mula sa radyo, tugon ito ng kausap niya sa kabilang linya.
“Apha 1, may isang lalake dito sa elevator, basement area, walang malay, kaylangan namin ng ambulansya”
“Roger Echo 2. copy” maikling tugon ng kanyang kausap. Muli niyang ikinabit sa tagiliran ang kanyang radyo at tinulungan nito ang kasama. “SG Perez, may pulso pa!” sabi ng isang security guard sa kasama nitong gwardya, sila ang naka duty noon sa basement ng Silver Tower building, aakyat sana ng 8th floor ang isang gwardya, ngunit ng bumukas ang elevator, tumambad sa kanila ang isang nakahandusay na lalake na walang malay, agad nilang tinulungan ito at inalalayan. Ilang minuto lang ay dumatin naman agad ang Ambulansya.
“Ma!” sigaw na tawag ni Alex sa kanyang mommy mildred, habang tumatakbong papasok sa kanilang bahay. “Ma! Asan ka ba?”
Mabilis naman lumabas ng kwarto ang kanyang ina, naka damit pang trabaho na ito. Isang doctor ang mommy mildred niya. “bakit ba? ano ba yan? Emergency ba?”
“Oo ma! Si @yunik nasa ospital daw!” humihingal na sambit ni alex.
“Ha? Saang ospital?” gulat na tugon ni Mildred. “bakit? Anong nangyari?”
“Tumawag sakin yung nurse..”
“akin na number at tatawagan ko!” mabilis na saad nito. Agad namang binigay ni Alex ang tumawag na numerong rumihistro sa kanyang call logs. Wala pang isang minutong nakakausap ng mommy mildred niya ang nasa kabilang linya, agad na nitong in-off ang tawag at mabilis na tinungo ang kanyang sasakyan.
“Ma! Wait.. sasama ako!” habol ni alex sa kanyang ina.
---------------------------------------------
FEW HOURS EARLIER…..
“Inay ku po!!! Ang sakit talaga..” naluluhang saad ni @deijoy23 habang tinitiris nito ang kanyang taghiyawat sa noo. Nakaharap siya sa malaking salamin ng kanyang kwarto. “bakit ba kasi ayaw akong tantanan ng mga pimples na ‘to? At bakit ngayon pa!!!” patuloy nito sabay padyak ng dalawang paa.
Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto, “Desiree Joy!!” malakas na saad ng lalake sa kanyang pangalan ng bumungad sa pintuan. “Sige!! Tiris pa more!!! Hahahaha…” pangungutya nito sa kasintahan.
Mataray na lumingon si deijoy sa lalake. “hoy! Yohan Nicholas Santos! Sino ba nagbigay sayo ng permiso na pumasok sa kwarto ko??”
“bah? Buong pangalan talaga? Nahh… just call me Yunik.. hehehe..” pabirong saad nito kay deijoy.“ saka bakit bawal?? Lagi naman akong napasok dini ah. Bawal na ba? Hmm.. hulaan ko…” lumapit ito kay deijoy “may ibang jowa ka na ba? kaya bawal na ako dini sa kwarto mo?” pabirong saad nito sabay pingot sa ilong ng babae.
“araayyy!!!!” sigaw ng babae ng maramdaman nito ang mahigpit na pag pingot sa kanyang ilong. “masakit ahh?? Wait ahh…Let me rephrase it… Wala akong bagong jowa! Ikaw lang ang boyfriend ko…”
“ayeeeeee…. Kinilig ako dun..” pabirong saad ni yunik.
“tigilan mo nga yan! Ang korni mo!” natatawang kontra ni deijoy dito.
“Basta! Wag ka na agad agad na papasok sa room ko!”
“ala eh, bakeet? Di nga ako pinag babawalan ng nanay mo na pumunta dini?” Pag tatanggol ni yunik.
“kasi sip-sip ka kay mommy, kaya ang bait niya sa’yo”
“ay ga, syempre, ako yata ang pinaka paboritong naging boyfriend ng anak niya” pag yayabang na tugon ni yunik sabay upo sa kanyang kama. “saka, bakit ngay-on la-ang? palagi naman ako napasok dini sa kwarto mo ahh.. ilang taon na tayong magkasintahan tapos ngay-on mo la-ang ako pagbabawalan?”
“ayy basta!! Nagbago na ngayon! saka, tigilan mo 'ko, umiiral nanaman yang pagka batangenyo mo!” sambit ni deijoy. humarap itong muli sa salamin. “ayan!! Namula tuloy!! …. Kasi naman ohh, namumula na nga tagyawat ko pati ilong ko mamumula narin!” pagmamaktol nito habang hinihimas ang ilong.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni yunik.
“naku babe! ‘wag mong baguhin ang nakasanayan natin..” saad ni yunik “bakit? Nahihiya ka na Makita ko na tinitiris mo yang taghiyawat mo? Ngayon pa? naku… naku.. naku.. bawal yang kaartehan na ‘yan! Saka nakita ko na yan!!” sabay nguso nito sa gitnang parte ng katawan ng babae!
“Bastos!!!” sambit ni deijoy sabay hampas ng unan sa lalake. “yucky ka talaga!!! Di yan totoo.. imbento ng kwento pa more!! Isusumbong kita kay mommy.. sige ituloy mo pa yan.. ang bastos bastos nito..
“sige, isumbong mo ako kay tita, isusumbong din kita na ayaw mo na akong papasukin dini sa bahay nyo.”
“sa kwarto ko lang hindi sa bahay!! Sinungaling!”
“hahaha.. aba'y tingnan natin kung sino paniniwalaan!”
“tse! Lumabas ka na nga!” taboy nito sa kasintahan.
“ayoko!!” pagbibirong saad ni yunik sabay hawak sa kanto ng kanyang kama.
“lumabas ka na kasi! Magbibihis na ako..” naiinis ng tugon ni deijoy kay yunik.
“Pipikit ako.. di ako titingin..” pabirong sambit ni yunik na tinakpan ng palad ang mga mata ngunit nakasilip ang isang mata nito sa naka awang na daliri.
“Kasi ehh…” padabog na saad ni deijoy.
“ok, ok” sang ayon ni yunik sabay taas ng dalawang kamay. Tumayo ito sa pagkakaupo. “bilisan mo ahh, di pwedeng ma late tayo. Aantayin kita sa baba.
“sige na alis na.. chooo… choo..” pagtataboy nito sa lalake habang itinutulak palabas ng kwarto.
Elementary palang, matalik na silang magkaibigan ni yunik, nag simula ito ng biglaan siyang na transfer sa isang school sa maynila, first year highschool siya noon sa Batangas ng maghiwalay ang kanyang mga magulang napilitan siyang tumigil sa pag aaral dahil sa desisyon ng kanyang ina na lumipat sila ng maynila at doon na nanirahan. At dahil ayaw ng kanyang ina na maapektuhan ang kanyang pag aaral dahil sa pag aaway nilang mag asawa, napilitan itong makiusap sa mga paaralan sa maynila na payagan ang kanyang anak na ma-I enroll ulit as transferee. kalahatian na ng school year noon kaya nahirapan silang maka enroll, huling napuntahan nila ang isang university last chance na nila iyo, at pag di pa pumayag no choice na siya, sa susunod nalang na pasukan siya mag e-enroll. mula sa bintana ng Registrar’s office, kitang kita ni Deijoy ang pagmamakaawa at pakisusap ng kanyang ina na payagan siyang maipasok at payagan ma enroll kahit mid quarter na ng school year at swerte nila, Nag bunga naman ang pakiusap ng kanyang ina at pumayag na ma enroll siya.
Break time sa school, mag isa siyang naka upo sa mesa na kumakain ng kanyang baon na sandwich habang pinagmamasdan ang mga ibang estudyante na masasayang kumakain kasama ang mga ka-klase na nag ku-kwentuhan at nag bibiruan, mahirap para sa kanya ang mag adjust sa ganoong sitwasyon lalo pang galing siya ng probinsya, wala siyang ni isang kakilala at iba ang kinalakihan niyang lugar kumpara sa syudad.
“Girls, look..” saad ng isang estudyanteng babae, maganda ito, maputi at halatang may kaya ang pamilya. Lumapit ang tatlo nitong mga kaibigan na animo’y mga asong sunod ng sunod sa kanilang amo. “how pity.. walang friends ang probinsyana girl ohh.. kawawa naman!!” sabi nito habang nakaharap sa kanya. Tawanan ang mga kaibigan nito.
“and look.. ang cheap niya gilrs.. halatang walang pera na pambili ng pagkain dito sa canteen, kasi pinag ti-tyagaan niyang kainin ang sandwich na kanyang baon!!” patuloy ang tawanan ng mga kasama nito, na talaga namang nakaka-irita sa kanyang pandinig. Huminto sa pag kain si deijoy, mariing ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Tumayo siya sa pagkakaupo at matalim na titig ang iginanti sa nang bu-bully sa kanyang kamag-aral.
“babaeng labanos!” malumanay pero mataray niyang sambit “tigilan mo areng pang bu-bully sa akin pwede? nananahimik ako dine. pag ako’y di nakapag pigil sa’yo at sa mga alipores mo, isusubsob ko yang mga mukha nyong punong puno ng pulbos dito sa sahig!” tinitigan niya sa mata ang kamag-aral.
“ooww… matapang si girl?” insultong saad ng estudyante. “bakit?? Lalaban ka?” paghahamon nito.
Akmang hahablutin na niya ang buhok ng babae, ng biglang may humawak sa kanyang kamay.
“Oppss… Girls.. enough” awat ng isang lalakeng estudyante. “tigil na please? Kung ayaw nyong ipatawag sa guidance..”
Mabilis na nagpumiglas si deijoy sa pagkakahawak nito sa kanyang kamay.
“pasalamat ka probinsyana girl, at dumating itong si yunik! Kung hindi..”
“kung hindi ano???”mabilis at matapag niyang tugon ditto.
“hey.. I said Stop!!” awat ng lalakeng estudyante.
Muli siyang nilingon ng babaeng estudyante na nag bu-bully sa kanya at inirapan siya nito. “let’s go girls.. by the way..” lumingon ito sa lalakeng estudyante. “Yohann Nicholas, my prince.. dropby ka mamaya sa classroom ko ahh.. I have something for you..” sabay haplos nito sa dibdib ng lalake.
Napairap si deijoy sa nakita, pangiwi ngiwi ang kanyang mga labi at panaka nakang tumitirik ang kanyang mga mata habang palihim na ginagaya ang sinasabi ng babae. napabulalas sa kanyang sarili. Duhh.. malandi rin pala ‘to!.
Nag lakad na paalis ang mga babaeng estudyante habang nakabuntot ang mga kaibigan nito. Muli siyang nilingon ng lalake,
“ok ka lang ba?”nakangiting saad nito sa kanya. Natigilan si deijoy, nakita yata siya ng lalake na nag make-face sa kamag-aral na babae. Napatitig siya sa mukha ng lalake, napaka amo ng mukha nito, gwapo, Moreno at sa kilos, halatang disiplinado at matalino.
“Ok lang ako” tugon niya “kaya ko ang sarili ko, Saka next time, pagsabihan mo ang girlfriend mo! Di lahat ng estudyante ditto sa school ay ma bu-bully niya, papatulan ko talaga yun!” mataray niyang saad.
“oi.. di ko girlfriend yun.” Mabilis na dipensa ng lalake “o-okay…” napangiting sambit ng lalake. “by the way. My name is Yohann Nicholas, but my friends calls me Yunik” sabay abot ng kamay para makipag shake hands.
Napangiting nilingon ni deijoy ang lalake. Iniabot din niya ang kanyang kamay. “Okay, by the way also, I’m Desiree Joy, but my friends call me Deijoy!” pang-gagaya niyang tugon. Natawa ang lalake sa narinig.
“nga pala, I remember you, ikaw yung new transferee dito sa school?” saad ng lalake
“Oo, kaya nga ang hirap makisama dito kasi wala talaga akong kakilala ni isa, ang hirap mag adjust”
“well, ngayon, hindi na. kasi kilala mo na ako.” Nakangiting saad ni yunik. “so, san ka ba dati nag aaral?”
“sa Batangas ako.. due to some family problem, kaya kami napunta ditto sa maynila” sagot ni deijoy
“Talaga? San sa Batangas? Kasi Batangas din yung province ng mother ko, dun din ako ipinanganak, and after a year, ditto na kami lumipat for good.”
“weh? Di nga?” saad ng babae.
“Oo nga, taga Lemery Batangas ako”
“seryoso? Ako naman, taga Tanauan City” tuwang sambit ni deijoy.
“so.. friends??” saad ng lalake sa kanya.
“Oo naman.. batangenyo ka ehh..”
Masayang nag shake-hands ang dalawa. “So, Now, I declare that Deijoy and yunik, is now officially friends starting today!” nakangiting saad ni yunik.
Ngumiti si deijoy sa narinig.muli niyang ibinaling ang tinin sa lalake.
“teka, natatandaan kita, ikaw yung nasa section A? nakita kita sa classroom nyo n nag rereport sa unahan ng klase?”
“ini-stalk mo ‘ko?” natawang sambit ni yunik.
“hindi ahh, napadaan lang ako sa corridor ng classroom nyo, at nakita kita, pero in fairness, magaling ka mag salita sa unahan, very confident”
“is that a compliment?? Well, I will definitely say thank you for that..” nakangiting sambit ni yunik. “ikaw, anong section ka ba?”
“Section C, dun na ako inilagay ehh.. wala akong choice, transferee lang kasi..”
“ahh, ok..nasa section ka pala ng mga maiingay” saad ng lalake sabay tawa. “ yung nakasagutan mo kanina, section B yun, at talagang mahilig mang trip yun lalo na yung mga estudyanteng walang imik”
“naku!! Allergy ako sa mga ganyan.. sa mga nang bu-bully!” sambit ni deijoy.
“lam mo, lahat naman siguro ng schools may mga bully talaga, pero bilib ako sa’yo .. palaban ka” saglit na tumahimik ang uasapan nila, ngunit agad naman binasag iyon ni yunik. “ Oo nga pala, di mo pa naikot tong school no?”
Umiling si deijoy.
“Ok, Since may time pa naman, may ipapakita ako sayo banda roon” saad ni yunik sabay turo ng kamay sa library building. “ sa likod ng library building, meron dung fishpond na may maliit na concrete bridge, at sa paligid may mga concrete bench at magandang landscape, dun madalas ang tambayan ng mga gustong makakuha ng peace of mind.. yung mga nag aaral ba at ayaw ng ingay.. maganda dun,tahimik di tulad dito sa canteen.. tara puntahan natin?”
“sige ba..” masayang sang-ayon ni deijoy.
Yun ang naging simula ng kanilang pagiging magkaibigan, araw araw silang magkasama ni yunik, tuwing break time, magkasama silang kumakain sa canteen at madalas nilang naging tambayan ang likod ng library kapag malapit na ang exam, doon sila madalas magkasamang nag re-review. doon narin sila sa school na ‘yon nagpatuloy ng highschool at college, at kahit magkaiba ang kurso nila, lagi parin silang nagkikita at magkasama.
Ng ma-regular at ma promote ang ina ni deijoy sa trabaho, yun ang naging simula para mas gumaan ang kanilang buhay. Kasama ng kanyang tita medel na siyang umaasikaso sa kanya sa bahay dahil narin busy sa trabaho ang kanyang ina. ngunit hindi rin nag tagal sa kanila ang kanyang tita medel, bumalik din ito agad ng Batangas. ng makaipon, umalis na sila sa inuupahang bahay, pinilit ni deijoy na lumipat na sila sa isang subdivision kung saan doon nakatira ang kanyang bestfriend na si yunik, at dahil maganda na ang trabaho ng kanyang ina, hindi siya nahirapang kumbinsihin ito. Lalo pang naging close ang dalawa ng maging magkapitbahay, halos araw araw bumibisita si yunik sa kanilang bahay, parang anak na nga ang turing ng mama niya kay yunik, napaka bait din kasi ng lalake sa kanyang ina, siguro dahil narin sa nagungulila ito sa kalinga ng magulang . Bata pa lamang kasi ito ng mamatay sa isang aksidente ang kanyang mga magulang at ang tita mildred na lamang ni yunik ang siyang napalaki dito. Car accident ang ikinamatay ng mga magulang ni yunik, anim na taong gulang pa lamang siya noon ng maaksidente ang kanilang kotse sa kahabaan ng EDSA, sinalpok ito ng huma-harurot na delivery truck, himala nga na sa grabeng pagka-wasak ng kotse nila ay munting galos lang sa ulo ang kanyang natamo. Dead on arrival sa hospital ang kanyang mga magulang. Kaya naiintindihan ni deijoy ang lalake kung bakit napaka lambing nito sa kanyang ina. Bawat okasyon, pasko, bagong taon, birthday, mother’s day, Valentine’s Day at kahit ano pang okasyon, palaging may bulaklak na binibigay si yunik sa kanyang ina kaya naman botong-boto ito kay yunik na maging boyfriend niya. Ito rin ang nagiging passes niya sa mga lakad barkada, hindi siya madalas pinapayagan ng kanyang ina sa mga night out ng barkada kung di niya kasama si yunik. Hindi rin mahirap pakisamahan ang lalake, halos lahat ng kanyang trip at trip ng kanyang mga babaeng barkada, kayang kaya nitong sabayan. Likas lang talaga siguro sa dugo ni yunik ang pala-kaibigan. May isang bagay si deijoy na pinakaka –ingatang regalo sa kanya ng lalake. yun ay nung kanyang debut. Nag record ito ng video at ibi-nurn sa isang rewritable CD. nag gigitara ito habang kinakanta ang sikat na awitin na Tuloy Parin ng Neo Colors. Iyon na yata ang pinaka-magandang regalong natanggap niya nung araw na iyon, damang dama kasi sa video ang emosyon, ang pag-kalabit ng mga daliri ng lalake sa string ng gitara na hawak nito at ang bawat bukas ng bibig habang binibigkas ang lyrics ng kanta, talagang binigyan ng effort at pinag-praktisan.
-----------------------
“hoy!! Pangit ano na?”
“Ayy bakekang!!” gulat na sambit ni deijoy ng marinig na malakas na boses ni yunik. “bwisit ka!! Papatayin mo ako sa gulat!”
“ang tagal mo!!” reklamo nito sa kanya “kanina pa ako sa baba”
“Eto na, konting retouch nalang..”saad ni deijoy habang tinatakpan nito ng foundation ang tumubong taghiyawat sa noo.
“ba’yan!! Di mo yan maitatagong pimples na ‘yan.. tara na!! saka kahit anong make-up mo, walang magnanasa sa’yong lalake.. ang pangit mo ehh!!”
“Wow ahh.. nagsalita ang gwapo?” dipensa niya. “pang liza soberano kaya ang ganda ko no?”
“anong Liza Soberano? Soberanuhin kita diyan eh!! Tara na!!” mabilis na hinawakan ni yunik ang kamay ng dalaga at hinatak ito palabas ng kanyang silid.
“hooyy.. saglit.. di pa ako tapos ehh” saad ni deijoy habang hinahampas ang braso ng lalake.
“Mommy!!!!” malakas na sigaw ni deijoy habang hinihila siya ng lalake palabas ng kanyang silid. “Mommy ohh.. si yunik.. kinakaladkad ako!! Isa!! Bitawan mo ako sabi ehh.. susunod na ako.. bitawan mo na kasi ako!!!”
Mula sa ibaba ng bahay narinig nila ang sigaw ng ina ni deijoy. “kayong dalawa diyan ah, tigilan nyo na yang harutan nyo at baka mahulog kayo sa hagdan!”
“kasi mommy si yunik.. hinihila ako pababa ng hagdan!!” malakas nitong sabi upang marinig ng ina ang kanyang sumbong.
“ay naku!” sigaw ng kanyang ina. “tama lang yan sayo desiree joy!! Ang tagal mong magbihis!”
Napaligon si yunik kay deijoy. Ngumiti ito. “I told you.. ako ang kakampihan ni tita.. haha!!” mabilis nitong niyakap ang mga hita ng dalaga, binuhat at ipinatong sa kanyang kanang balikat, napa tili ang dalaga, ang ulo ni deijoy ay nakasubsob sa likod ng lalake at mabilis nitong pinag susuntok ang puwitan ng lalake. Ang itsura ni yunik ay para lamang nag buhat ng isang sakong palay na nakapatong sa balikat.
“wag kang magalaw, baka magkamali ako ng hakbang pababa ng hagdan! At mahulog tayo” natutuwang saad ni yunik dito. panay naman ang tili ni deijoy at pag suntok sa likod ng lalake.
“ayan!” saad ni yunik ng marating nila ang huling baytang ng hagdan. “bigat mo!!” bulalas nito ng ibaba ang kargang si deijoy.
“Baliw ka talaga!” sambit ni deijoy sabay hampas sa balikat ng lalake.
“aray.. sakit nun ahh.”
“Tse! Kulang pa ‘yan! Tingnan mo, ang gulo na tuloy ng buhok ko. Muli niyang inayos ang pagkakatali ng kanyang buhok. Nilingon niya ang lalake, nakita niyang naghahabol ito ng hininga.
“napagod ka no? hinihingal ka? Buti nga sa’yo!” kantiyaw niya kay yunik. Habang hawak naman ng lalake ang kanyang dibdib.
“bigat mo kasi eh”
Mula sa kusina lumabas ang ina ni deijoy. “oh, yunik, mag ingat kayo ahh, dahan dahan lang sa pagmamaneho”
“Opo tita” maikling tugon ni yunik.
“hindi ka ba papasok sa clinic mo?” dagdag nito.
“hindi po tita Blessie, sarado ang dental clinic ko ngayon ng buong araw, kasi importanteng araw ito ng girlfriend ko eh” tugon ni yunik sabay kindat kay deijoy. May kilig na naramdaman si deijoy, ngunit di niya ito ipinahalata kay yunik kaya isang irap ang itinugon niya dito.
“ok sige, good luck anak sa audition… sana makuha ka” nakangiting tugun ng kanyang ina.
“Ma… may pimples ako ehh..” maarteng tugon ni deijoy sa ina.
“takpan mo nalang ng bangs mo” lumapit ito sa kanya at inayos ang buhok.”ayan, oh, di na halata.”
“thanks ma..” sabay yakap sa ina.. “you’re the best talaga!”
“oh, basta ingat kayo yunik ah, saka balitaan nyo agad ako sa resulta ng audition”
Humugot ng malalim na hiniga si yunik bago ito nagsalita. “Y-yes Tita”
“yunik, okay ka lang ba?” pag aalalang tugon ng Tita Blessie niya.
“napagod yan ma sa pagbuhat sakin, kaw ba naman, ilang steps din kaya yang hagdan”
“Oo tita, napagod lang siguro, ang bigat kasi ni deijoy ehh”
“o ‘sya sige, ingat kayo ahh..”
Masiglang sumakay ang dalawa sa kotse, nasa driver seat si yunik, habang nasa driver side naman si deijoy.
“Seatbelt on please!” nakangiting saad ni yunik.
Pairap naman na sinunod ni deijoy ang sinabi ng lalake. “Mag aaral na talaga ako mag maneho!” bulalas nito. Ngiti lamang ang itinugon ni yunik sa kanya.
Mabilis ang takbo ng kanilang kotse, walang masyadong sasakyan kaya di mabigat ang trapik. Panaka-nakang sinusulyapan ni deijoy ang kasintahan. Pansin niyang seryoso ito, tahimik, at maya’t-maya itong humihinga ng malalim. Pansin din niya ang pamumutla ng mga labi nito.
“nik, ok lang siguro na ‘wag na akong tumuloy sa audition, baka kelangan mong magpahinga, okay ka lang ba talaga?”
“naku babe, ok lang ang boyfriend mo, wag mo akong alalahanin, aba’y matagal mo kayang inantay itong pagkakataon na ito, kahit anong mangyari, kaylangang makapunta tayo sa audition mo, tapos, dapat I pramis mo sakin na makukuha ka, at pag nagkataon, ako na ang pinaka Masaya at swerteng tao, aba’y magkakaroon na ako ng isang modelong girlfriend.. di lang basta Girlfriend..soon to be my wife pa..!” saglit itong sumulyap sa kanya at ngumiti, napangiti naman ang babae sa narinig.
Sakto ang dating ng dalawa sa venue, mabilis na bumaba si yunik at deijoy ng sasakyan, tinungo ng lalake ang likod ng sasakyan para kunin ang dalang mga damit ni deijoy na gagamitin sa photoshoot at stage ramp audition. Magkasama nilang pinasok ang Silver Tower building at dumiretso sa 23rd floor. ngunit hindi na pinatuloy si yunik sa loob ng hall kung saan gaganapin ang audition, tanging mga mag aaudition lamang daw ang pwede sa loob.
“eto gamit mo babe” sabay abot ni yunik sa maleta ng babae. “Good luck! I know kayang kaya mo ‘yan, ang papangit kaya ng mga ibang mag a-audition oh” sabay nguso nito sa ibang naka abang na babae. Na sasali.
“tigilan mo nga yan, baka marinig ka!” awat nito sa lalake. “akin na yung bag, salamat babe ah, sana makuha ako..”
“Oo naman! Ikaw pa!” tugon nito upang lumakas ang loob ni deijoy. “sa kotse na kita antayin”
“dito ka nalang nik, kinakabahan ako eh”
“nahh, natural na ang kabahan joy, basta ang isipin mo, kaya mo at magagawa mo!” nakangiti nitong saad sa kinakabahang kasintahan. “’wag kang mag alala, pupuntahan ko ang opisina ng diyos at sasabihin kong ipanalo ka niya, kahit pa kapalit ang buhay ko”
“yaks! Ang korni ahh..” kontra ni deijoy. “sige na nga, antayin mo na ako sa labas.
“okay, text kita pag nasa kotse na ako”
Tumango naman si deijoy bilang tugon.
Nakangiting tumalikod si yunik kay deijoy at naglakad na ito sa pasilyo patungong elevator. Muli niyang sinulyapan ang kaibigang babae, nakatalikod ito at nakapila kasama ang iba pang mag a-audition, nag aantay na buksan ang pinto para papasukin sila. Halata rin sa kilos ni deijoy na kinakabahan ito. Napangiti siya sa sarili, alam niyang kakayanin nito ang audition, at Masaya siya pag na-ipasa niya iyon, ilang taon narin silang magkasintahan, at sa haba ng panahon ng kanilang pagsasama, ramdam niya na mas lalo siyang napapamahal sa babae, napa-isip na rin siya kung dapat na bang I level-up ang kanilang relasyon, pero gusto muna niyang matupag ang pangarap ng kanyang girlfriend na maging isang comercial model, mga bata pa lamang sila noon talagang showbiz na ang gusting tahakin ni deijoy, suportato naman niya ito, hindi lang yun ang unang nag audition ang babae, maraming beses na, pati nga mga reality show audition, hindi pinapalampas. Malakas ang loob ni deijoy at pursigidong matupad ang mga pangarap, natatandaan pa niya noong nasa 4th year highschool pa sila, nag karoon ng movie taping noon at ang location ay sa mismong school nila, doon mismo sa paborito nilang tambayan sa likod ng library building at talagang nag volunteer si deijoy ng maghanap ng ilang estudyante na magiging extra sa eksenang iyon. Kahit walang script at ang tanging gagawin ay dadaanan lamang ang mga bida sa eksena, kitang kita ni yunik ang tuwa sa mukha ng babae. Kaya ayaw niyang maging balakid sa mga pangarap nito, kakayanin niyang maghintay ng tamang panahon para sa babae.
Patuloy siyang naglakad sa lobby ng building at lumiko siya sa kaliwa kung saan naroon ang elevator. Ilang minuto siyang nag antay para bumukas ang pinto ng elevator, saglit pa’y biglang pumasok sa kanyang isip na I text na ang kaibigan na nasa ibaba na siya ng building para di na mag alala at mag focus nalang ito sa kanyang audition. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at nag compose ng message:
"ALRDY AT D BASEMNT,
WILL W8 U HIR INSIDE D CAR.
GUDLUCK!! U CN DO IT."
LAB U PANGIT.
Pinindot niya ang send button at agad namang nag send ang kanyang message.
Tumunog ang cellphone ni deijoy, kasalukuyang nakaupo na siya kasama pa ang ibang mga babae sa may back stage, halos lahat ng organizers doon ay abala, may isang babae sa kanilang harapan na nag i-explain kung paano ang magiging flow ng kanilang audition. Sa Audition area, malawak ang stage at maraming ilaw ang naka paligid, sa bandang kanan naman ng stage ay may isang mahabang mesa na siyang area ng mga judges na pipili sa mga auditionees.
Kinuha ni deijoy ang kanyang celphone sa kanyang bulsa at tiningnan ito, may message siya galing kay yunik, patago niyang binuksan at binasa ang mensahe ng kasintahan, “bilis naman ng mokong na yun makararing ng basement..” saad nito sa sarili ng mabasa ang text message. Mag rereply na sana siya ng may biglang nagsalita mula sa kanyang likuran,
“First Rule, no phone is allowed” ma otoridad na saad ng babae. Nilingon niya ang nagsalita, isang nasa late 30’s na babae, siya yung nagsasalita kanina sa kanilang harapan. “If you want to pass the audition and want to be part of our team, you need to follow our basic rule!” patuloy ng babae habang nakatingin sa kanya.
“I’m sorry ma’am” maikling tugon ni deijoy.
“turned it off” saad nito sa kanya bago tumalikod at bumalik sa unahan.
Muling ipinasok ni yunik sa bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone. Tumunog ang bell ng Bumukas ang pinto ng elevator, may lumabas na dalawang taong nakasakay dito. Nakayuko siyang pumasok, mag isa lang siya sa loob ng elevator. Pinindot niya ang basement button at close button ng elevator.
muli niyang naramdaman ang pag kirot ng kanyang dibdib, sobrang sakit, hindi niya magawang humiga, tila ba huminto ang pag tibok ng kanyang puso. Bata pa lamang siya ay mahina na talaga ang kanyang puso, pero manageable pa naman ito noon kaya hindi halata sa kanyang pangangatawan, ito ang isang sikreto niya kay deijoy at wala siyang planong ipa-alam ito dahil alam niyang mag aalala ang babae at ayaw niyang ito pa ang maging dahilan para maging balakid sa mga pangarap ng kanyang kasintahan.
Ramdam niya na sumisikip ang kanyang dibdib, napahawak siya sa railing ng elevator at napasalampak ng upo, hindi niya makuhang magsalita o sumigaw, wala siyang ma hingi-an ng tulong, he feel hopeless, nag hi-hysterical na siya, dahil wala ng oxygen na pumapasok sa kanyang katawan pakiramdam niya nasu-suffocate siya, hanggang na dumilim ang kanyang paningin at nawalan na siya ng malay.
TO BE CONTINUED......................

UNANG BAHAGI
MY RUNAWAY JOWA: HASHTAG TULOY PARIN
[KIKKO25 Original Novels]
“Alpha 1 this is echo 2” saad ng gwardya sa kausap nito mula sa kanyang hawak na two-way radio.MY RUNAWAY JOWA: HASHTAG TULOY PARIN

Last edited: