Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Ano Na Rerealize Niyo Kapag Nasa Labas Kayo ng Earth? ♥

Lisa_Manoban

Certified Netizen
May 24, 2021
97
55
28
♀️
Just imagine. Ito https://earth.google.com/

Ang ganda ng earth lalo na kapag ini-imagine natin na nasa labas tayo ng globe o earth. Sa loob ng earth, imagine, kita ang earth. Billions and billions of people around the globe. Papaano niyo masasabi na ang Christian beliefs is true? Islam is true? Judaism is true? Shintoism is true? Nudism is true? Hinduism is true? And so on and so forth? Imagine, sa billion tao na nakatira sa earth (titigan niyo ang earth habang ginagalaw at pinapaikot ang earth using mouse po o gamit ang mobile phone) then bigla makakarinig tayo na lahat ng binyag Christian ay mapupunta in heaven at ang hindi Christian ay mapupunta sa impyerno daw, so billion tao na nakatira sa earth ay 80% lang ang hindi maliligtas dahil ang karamihan ay iba ang relihiyon ang ikinamulatan po nila.

Ako, na realize ko po but then bigla pumasok sa isip ko na yung earth, kung tititigan po siya as a whole, ma rerealize natin na universal po lahat. Worldwide ika nga. Cosmic siya, universal po siya so hindi nakakapagtaka meron ilan tao na naniniwala na there is a universal God ke Goddess o God pa iyan, basta universal po siya.

Naalala ko dito. Meron nagsabi na hindi raw nakakapagtaka kung bakit meron Atheist sa mundo---dahil raw po, ang dami relihiyon so ang dami God. Tanggol ng ilan po na meron universal God pero yup, agree ang iba pero ewan ko lang sa iba tao. Ang alam ko ang iba tao ay hindi sila naniniwala sa universal God kaya malamang, ang sasabihin nila ay meron true God at meron true religion. Well, hindi ko masisi ang iba Atheist kung bakit ang paniniwala pa rin nila ay marami God in religion imbis na universal God ang meron sa atin lahat.

Another is sa survey, marami natutuwa sa Abrahamic religion katulad ng Judaism, Christian and Islam (denomination pa po siya at hindi pa po siya sect) --- marami baptize o member ng religion na under ng Abrahamic religion at successful po sila kung papaano po sila naging famous po at naganap ang kanila paniniwala lalo na po ang largest religion o major religion worldwide po. Kung baga bigatin relihiyon na kung ikukumpara po siya sa prestige at bigatin company na kung magbigay ng sahod ay malaki at maganda ang benefits kung saan marami tao ang nangangarap mag apply ng trabaho sa bigatin company internationally. Ganun po. Lahat is meron kanya-kanya story kung bakit nakarating at naging successful ang relihiyon ikinatayuan po lalo na meron halo politics din po siya :)


4,000 religion worldwide estimate po siya so sa video po, natural, hindi lahat ay magkakasya po.

Anyway, gusto niyo po ba kabisaduhin ang worldwide religion symbol? Interesting lang po kase para dagdag kaalaman. Mahirap ata kabisaduhin ang lahat ng religion symbol maliba kapag ilan Pagano. May nabasa po ako somewhere na kailangan ng isa Pagan pag-aralan ang world religion and I think yung major religion lang po ata. Matagal ko na po siya nabasa noon. Ang objective is para magkaroon daw ng respect at maunderstood ang iba relihiyon at magkaroon ng tolerance.
 
Last edited:
Nice share po ate Lisa.
Sa mga ganyang realization ay mapapaisip ka talaga kung nasaang parte ka ng kabuuan. At pagdating naman sa usaping relihiyon, napakalawak at kumplikado dahil sa mga kanya-kanya nating paniniwala. Ang sakit kaya sa bangs kapag may mga debate patungkol sa relihiyon. Kaya ako, kahit simpleng wintermelon lang solve na ako.

Masayang araw sa inyo!
 
Share ko din ito sa mga naandito. Na realize ko din po which is quite true din sa napanood ko about the mummy. Nakakatawa dahil ang dami niya dala religious symbol sa katawan niya at pagkatapos lahat na ay dinasalan pa niya to rid of evil o monster sa harapan niya pero hindi naman natakot. The only thing na takot ang mummy is a cat dahil noon una panahon ng egypt, meron sila God at Goddess at part ng beliefs nila ang cat na taga bantay sa underworld. Doon sila takot. Naalala ko na meron ako nabasa somewhere about Goddess Bastet. Feminine diety po siya na cat ang itsura then katawan ng babae po.

Andoon ko na realize na kung ano ikinalakihan natin, natutunan natin o na eprogram sa atin since child pagdating sa kung ano ang ikinakatakutan natin, based iyon kung ano naituro sa atin katulad ng the mummy, noon una panahon, dipa dumadating ang abrahamic religion katulad ng Christian, Islam at Judaism, ang paniniwala nila ay puros Gods at Goddesses katulad na meron sila beliefs noon na guardian of the underworld ang cat, since iyon ang naituro sa kanila, takot sila sa cat. Noon una panahon, wala pa Satan o ano. Meron lang sila Seth - enemy ng Horus. Ganun din sa iba relihiyon na meron ilan na may concept ng good at evil, at kung sino ang evil na iyon, iyon ang ikinakatakutan mismo dahil iyon na po ang naturuan since child. Iyon ang pagkakaintindi ko, halimbawa sa chinese culture, yung belief nila ay iba ang evil at enemy nila doon. Snake ata ang paniniwala nila na masama pero ang good sa kanila is dragon. So kapag meron kaluluwa ligaw at evil, takot siya sa dragon pero sa Christian perspective, yung dragon ata is evil ata siya o somewhat di po siya good so kapag ang kaluluwa ay evil in Christian, hindi siya takot sa dragon na kahit ano symbol pa ipakita sa buo universe, takot siya sa cross dahil iyon ang symbol of Jesus Christ po nila na ituro kung ano ang paniniwala po nila.

Iyon ang pagkakaunawa ko po :) Share ko lang dahil interesting po siya. Na ganun pala in a real world. Katulad nito, nakakatawa :LOL:

 
Good share lisa, napapa isip tuloy ako hehehe..sa totoo lang mga ilang relihiyun na din ang na experience ko from a devout catholic to born again christian to forming a cult and lahat naman they have their own version of truth..ngayun ang pinaniniwalaan ko na lang ang gumawa ng mabuti sa ikabubuti ng mahal ko sa buhay at sa kapwa tao but i cant deny the idea na meyrong greater being or God or maybe an alien beings are playing gods🤷‍♂️..welp its just a thot spoken out loud..anyways..you have a good one..happy friday!😛
 
Deist po ako and hindi ko pinoportray si God na tao. Tipo tao na mahilig magparusa or ano po. Tipo kailangan katakutan o ano. Parang for me po kase, non sense po e but ako din, nakikita ko po sa relihiyon, dahil ang dami po nila is iba-iba nga po talaga ang version nila po. Namulat ang isip ko na ang dami pala nila then namulat ako sa history ng relihiyon kung paano po sila nag-exist. But hindi ko po kaya sabihin na there is no God. I have this feeling and I do feel na there is a God and the God that I am portraying is abstract na hindi siya pwede edescribe na lalake o babae. Unlike sa God in religion ay they use pronoun na 'he' which is masculine at saka, gumagamit po ng 'father' at saka 'son' .... lahat ng masculine characteristic of a God.

Ako nga kung ano-ano simbahan ang napasukan ko po then sa huli, bigla ako napa isip---ang dami pala relihiyon sa mundo hehehe.
 
hello again lisa! ako i am not so sure kung saang banda ako diest or thiest but for sure hindi ako agnostic..oo nga no, now that you mentioned it the holy trinity is all male!😁 whats up with authority and male gender, vatican is sexist then and now :unsure:,Pero kahit na tumiwalag na ako sa catoliko yeeeaaarrs ago rooted pa rin ako sa tinuro sa akin ng simbahan at ng mga magulang ko at para sa akin my malaking contribution din ang relihyon sa pag papalaki sa akin, imagine mapunta ang kaluluwa ko sa impyerno kung gagawa ako ng d tama or sa ikakagagalit ni God hehehe n come to think of it now placebo lang pala yun pero effective ha😅...Clearly i am not well versed with religion or shall i say limited lang ang kaalaman ko dito sa totoo lang i am only basing sa mga experience ko sa sari saring relihiyun o sectang napasukan ko hehe..and yeah What if for all we k now babae pala ang creator😅 or walang kasarian?🤔
 
Last edited:
Tao lang nagbibigay ng kasarian kay God ata po e. But hindi Catholic lang. Lahat ng Abrahamic religion katulad ng Christian, Islam at Judaism. Lahat po ng denomination na Abrahamic religion. Meron po masculine pronoun na 'he', 'his', 'father' na basta, lahat ng masculine characteristic ng God po.

Anyways, ang defend naman ng ilan tao na ini-embrace ang masculine pronoun ng God in the bible is genderless daw. Wala kasarian. Kung baga, ang dinidefend ng ilan is default lang raw iyon. Kung baga, 'no option' ika nga kung kaya gumagamit ng masculine pronoun pero genderless daw po. Importante raw ay ang pagkadevine or pagka-God (although medio hindi ko gets, haha)

For me, nasasabi lang po nila iyon dahil-

1.) Bible based lang po sila. Never ever sila lumalabas ng bible po. So dahil bible based po sila, etchepwera na po ang science diyan, yung mga culture diyan, yung mga nangyari noon una panahon kung ano talaga nangyari at basta, lahat ng outside the bible ay hindi uubra sa kanila dahil bible based lang sila. Ika nga devine ang author ng bible so lahat ng outside the bible is not perfect. Ganun.

2.) Hindi sila naniniwala na meron Goddess na nag-exist bago umangat ang God na pinaniniwalaan po nila. Ang ibig sabihin, hindi sila naniniwala na meron dalawa deities o meron polytheist noon una panahon po at ang alam po nila is monotheist noon at hanggang ngayon so kahit kailan, wala pumapasok sa isip ng naniniwala na meron pa gender pa nalalaman na keyso ang Goddess ay feminine at God ay masculine, well, wala pumapasok sa isip po nila dahil hindi naman sila naniniwala na noon una panahon, ang Goddess ay nag-exist. So therefore, wala pumapasok sa isip nila kung paano na evolve ang religion po. Basta ang pinaniniwalaan lang nila is Adam at Eve at meron God, and iyon ang reason why nag-exist ang religion at bible. Wala Goddess malamang - kung baga wala talaga kaya iniisip po nila na yung God is genderless siya, either feminine at masculine daw - wala raw po kasarian.

3.) Meron ilan is naniniwala na to be OPEN MINDED is a sin daw. Saka ko lang naunawaan na the reason why ang ilan is to be OPEN MINDED is a sin dahil mabubulabog ang isip at pananampalataya niya po lalo na namulat siya na ang akala niya na ganun dapat, iyon pala ay hindi. Maari ma lose ang faith ng tao at hindi na maniwala kay God dahil na open ang mind nga po. Halimbawa, naniniwala ang tao na isa lang ang relihiyon at ito lang ang tunay then, bigla niya natuklasan na madami relihiyon pala at same lang ang karaniwan version nito, there is a feeling na pwede siya mawalan ng faith dahil ang akala niya, isa relihiyon at tunay ito pero madami relihiyon pala na nag-exist. Iyon ang another factor din why ang iba is ipinagbabawal o finoforbid na magkaroon tayo ng another knowledge sa iba o ma open ang mind natin sa iba sitwasyon bukod sa relihiyon at bible na pinapaniwalaan po.

Meron iba na kahit na OPEN ANG MIND po nila, naniniwala pa rin sila kay God. Yun nga lang, hindi na sila religious o extremist. Yung iba, lumalawak lang ang isip na no need to make away-away o mag-argue na ang kanila relihiyon inaaniban nila ay iyon lang ang totoo o hindi na sila nagcocompare ng religion kung ano ang tama o mali relihiyon na aaniban po.

4.) Ayaw nila tanggapin dahil magiging unfair ang kalalabasan ng God dahil meron pa gender na ededefine. Kaysa manoproblema sa gender, think positive na lang like isipin na kahit ginagamitan ng masculine pronoun ang God, isipin na lang na wala kasarian.

5.) Pabor ang mga tao, karamihan na superior gender or sabihin natin influential gender role ang lalake kaysa babae. Hindi kase maganda pakinggan kapag sinabi superior gender. Hindi madefine o malabo ang pagkainterpret kung ano ibig sabihin ng superior gender dahil hindi lang naman physical ng lalake, over all na po siya so its better influential gender role ng lalake po. And, meron nagsabi, na kung ano concept o belief ng God ng mga tao, ganun din po sila magbehave sapagkat iyon ang characteristic ng God which is masculine po.

Yun lang po.
 
Last edited:
pwede ba ako makisali dito hehehe..., ang alam ko walang tao ang makakalabas sa mundong ito ng buhay, dahil nakakulong tayong lahat dito. pero nandito ang lahat ng kailangan ng tao para mabuhay, at napakalawak ng mundo para magalugad ng tao ng bawat sulok nito..., hindi n rin ako naniniwala sa anumang uri ng relihiyon dahil ginagamit lang ito para manipulahin ang tao..., at ang bibliya at mga religious book ay hindi banal para sa akin, ginagamit ko lang silang reference dahil may mga katotohanan na nakatago dito at ang ibang laman ng mga ito ay puro kwentong kutsero na hehehe..., mahaba toh sa sunod na yung iba hahaha
 

What's Trending

Back
Top