Sa tingin ko boss PVC kasi di na kelangan mag putty at magpintora tsaka easy install lang. Pero kung sa quality tsaka durability, hardiflex siguro. Nagpapagawa kasi kami ng bahay. Mas preferred ko pa rin ang hardiflex, or kung may budget nga lang, any type of board na mas durable pa kaysa hardiflex. Mga laminated na wooden board na medyo magaan sana pero hardiflex lang kinaya ng budget...
Maganda rin po yung gypsum baord kasi makinis na sya bago pa man magpintora. Go for gypsum board lang kung pang indoor kasi sa ventilation tsaka sa humidity / insulation (sound proofing din kasi may gypsum board si Knaupf na brand specially designed for soundproofing na nasubukan ko na rin). Di mo na kelangang gumasto pa para sa insulation. Tsaka madali lang din sya i-install. Wag lang i-install si gypsum board sa area na palaging nagkakaroon ng moisture gaya ng C.R. or kusina. Pero kung preferred mo talaga siya, may gypsum board na specially designed din for these area ng mga gusali. Fireproof din siya. At maganda din siya pang indoor na dry wall.
Kung may budget po kayo, go for quality and durability ang suggestion ko kasi mas makakatipid ka in the long run. Sulit na gasto mo, mas marami ka pang malalaman regarding sa structural tsaka architectural design na may quality sa pagpagawa ng bahay. That is, kung hands-on ka mismo sa pagpagawa ng bahay o kung ano mang gusali....