Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

How do you deal with long distance relationship (LDR)?

Faith, Hope and Love. 😂😂
But honestly, trust and constant communication. Syempre andun na yung love.
Yung tiwala nalang yung dapat hinde masira at dapat lageng may communication.
Para alam niyo if healthy pa ba yung relationship.
 
You deal with it for as long as you can....

Honestly, yung mga edad teens to mid-20s, mostly hindi nagsu-survive yung relationship nila. During this period, mahilig mag-explore ang mga tao. Mahilig tayo sa mga new opportunities, boosting our career, meeting new friends and having good times with old ones. Get's mo, anything can happen at this point in our lives... Matibay ka man, maaaring marupok naman ang kasama mo. Or usually, nagkakasawaan, nawawalan ng spark, or naiinip tayo.

Kung ang LDR would happen at late 20s onwards, there's a good chance na magsurvive. During this ages kasi, gusto na natin mag settle down. Mostly, nakikita natin yung mga contemporaries natin na nag-aasawa na sila. So, pati tayo e nagiging ganun ang mindset. After exploring ourselves and the world, we eliminate the people and things na hindi naman importante sa atin, then we tend to focus sa mga tao and bagay na mahalaga sa atin. Of course, you build your plans for the future. Tipong seryoso na kayo sa isa't isa and may mga plano na talaga kayo para magpakasal.
 
Agree with Sir Krain.
Depende sa edad, nagbabago yung level natin ng pagpapahalaga at pagtimbang ng mga prayoridad sa buhay. Kaya kung nasa tamang maturity ka na at nalagay sa ldr na sitwasyon, hindi na masyadong issue ang distansya.

Pero...


Iba ang reyalidad. Mas malayo, mas hindi nababantayan, mas maraming tukso at mas nagiging marupok. Hayyyst!
 
keep the fire burning, wag lang puro love, S̀eꭙ talks, video call etc... communication is the key, kami ng misis ko nung college days taga pampanga sya at ako naman nasa QC, ayun nag work naman and ngayon may mag 3 yrs old na kami na daughter and living together. :)
 
keep the fire burning, wag lang puro love, S3X talks, video call etc... communication is the key, kami ng misis ko nung college days taga pampanga sya at ako naman nasa QC, ayun nag work naman and ngayon may mag 3 yrs old na kami na daughter and living together. :)
Ayos pala boss. Medyo madali ang pagbyahe nya if galing siyqa ng Pampanga. Dun lang sa Trinoma pwede na yata bumaba? Or depende kung may manghuhuli 😅
 
Ako rin sa ngayon ganito, nagbabarko kasi ako... minsan kasi pag di ko sya macontact medyo napaparanoid na ako,
naiisip ko baka may kausap siyang iba sa workplace kaya di nag oonline, may tiwala naman ako sa kanya kaso di ko mapigilan talaga minsan.
First GF ko siya and gusto ko siya na ang huli.
Mahal na mahal ko siya, di ko alam ano gagawin ko pag iwan nya ko.
Marami ako nababasa na mga advice, madali siya pakinggan pero ang hirap gawin sa totoo lang.
Sana Mag survive kami, nsa late 20's na kami both and single mother sya.
 
Diyan na masusubok kung totoong mahal mo ang partner mo.
Parang kami nun, 3 years akong nasa Novaliches at sya sa Bicol then pag uwi ko, sya naman 3 years sa La Union at ako naman nagtatrabaho sa Bicol. No issues, No worries. Tamang disiplina lang kay manoy ta ganun din sya. :LOL:
 
Ako rin sa ngayon ganito, nagbabarko kasi ako... minsan kasi pag di ko sya macontact medyo napaparanoid na ako,
naiisip ko baka may kausap siyang iba sa workplace kaya di nag oonline, may tiwala naman ako sa kanya kaso di ko mapigilan talaga minsan.
First GF ko siya and gusto ko siya na ang huli.
Mahal na mahal ko siya, di ko alam ano gagawin ko pag iwan nya ko.
Marami ako nababasa na mga advice, madali siya pakinggan pero ang hirap gawin sa totoo lang.
Sana Mag survive kami, nsa late 20's na kami both and single mother sya.
Best advice I can give is for you to trust her. Magkalayo kasi kayo eh. And constant communication, yung may schedule. Ingat rin baka makasakal ka, mahirap na, lalong lalayo sa'yo yan.


Parang kami nun, 3 years akong nasa Novaliches at sya sa Bicol then pag uwi ko, sya naman 3 years sa La Union at ako naman nagtatrabaho sa Bicol. No issues, No worries. Tamang disiplina lang kay manoy ta ganun din sya. :LOL:
Disiplina lang rin talaga kailangan. 😂
 
It’s just my two cents.
For me kulang yung disiplina if walang communication.
You need to have time for your partner first then discipline will follow . ☺️
 
It’s just my two cents.
For me kulang yung disiplina if walang communication.
You need to have time for your partner first then discipline will follow . ☺️
well, that's right Ma'am. mali din yung sinabi kong walang kumunikasyon. nung LDR pa kasi kami eh once a week lang ako tumatawag sa kanila. hehe. kaya nasabi kong walang kumunikasyon.. pero dapat pala eh "halos walang kumunikasyon" ang sinabi ko. Pasensya na.
 

What's Trending

Back
Top