Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Jokes on You!

ENGLISH SPOKENING

Juan: Alam mo pare magaling na ako mag-english may certificate na ako.
Pedro: Talaga pare, ikaw na.

Tapos may dumaan na kano sa harapan nila.

Pedro: Pre sabihin mo nga diyan sa kano bukas ang bag niya baka may mahulog
Juan: Simple thing.
Hey yow men! Your bag is tomorrow, cow is falling.
 
UBAS

Bata: Ale pabili po ng ubas
Tindera: Wala kaming ubas.

Kinabukasan bumalik ulit yung bata.

Bata: Ale pabili po ng ubas
Tindera: Wala nga kaming ubas, isa pang tanong i-stapler ko yang bibig mo.

Kinabukasan bumalik na naman yung bata

Bata: Ale may stapler kayo?
Tindera: Wala.
Bata: Pabili po ng ubas.
 
NATUKLAW NG AHAS

Juan: Pre tulungan mo ako natuklaw ako ng ahas.
Pedro: Saan banda pre?
Juan: Sa ari ko.
Pedro: Sige, tawag lang ako sa doktor kung anu gagawin.

Tumawag sa doktor si pedro...
Pedro: Doc anu po dapat gawin pag natuklaw ng ahas
Doktor: Sipsipin mo yung natuklaw na parte tapos lagyan mo ng ice pack.

Juan: Pre anung sabi ng doktor.
Pedro: Mamatay ka na raw.
 
Ang bait talaga ng namatay kong kaibigan.

Namatay siya sa blood loss and di namin alam kung anung blood type niya.

Bago siya binawian ng hininga, kami parin inaalala niya and paulit-ulit niyang sinasabing..

Be Positive, Be Positive.

Bait talaga niya.
 
Namatay si Pedro, Juan at Maria at napunta sila sa impyerno...

Satanas: Bibigyan ko kayo ng pagkakataon para mabuhay muli.
Pedro: Anung kailangan naming gawin?
Satanas: Bigyan niyo ako ng bagay na di ko kayang tunawin sa aking kamay.

Nagmadali ang tatlo para kumuha ng bagay.

Kumuha si Maria ng Titanium at binigay niya kay Satanas, after 5 minutes tunaw na.

Kumuha naman si Juan ng Diamond at binigay niya kay Satanas, after 10 minutes tunaw na.

Si Pedro naman may dalawang maliit na bagay na binigay kay Satanas, after 3 days di parin natutunaw.

Satanas: Anung bagay ito bat di ko matunaw sa aking kamay?

Pedro: M&M's it melts in your mouth not in your hands.
 
Juan: Tay, ano po ba ang ibig sabihin ng birdflu? Kasi maraming nabibiktima ng birdflu ngayon.

Pedro: Kaya nga kita pinag-aaral para matuto ka at di maging mangmang gaya ng nanay mo.
Ang birdflu ay past tense ng birdfly.
 

Similar Threads

Back
Top