rhusforteza
Certified Netizen
- Nov 10, 2020
- 529
- 33
- 38
- Thread Author
- #1
Sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi mo alam kung ano ang mga pwedeng mangyari.
Maaaring mayroong mangyaring hindi mo inaasahan, gugulatin ka na lang.
O kaya naman, isang pangyayaring taliwas sa inaasahan mong mangyayari.
Minsan, nakakatuwa kapag pinaglalaruan ka ng tadhana, pero madalas hindi.
Kapag piangsakluban ka na ng langit at lupa, kapag naubusan ka na ng pag-asa,
kapag sumuko ka na, at unti-unti nang sinusubukang tanggapin ang lahat ng mga
pangyayaring hindi kanais-nais sa iyong buhay, bigla gugulat sa iyo ang isang magandang balita!
Hindi mo alam kung maiinis ka, matutuwa, malulungkot, maaasar, o magagalit.
Hindi tayo pwede magalit kay tadhana.
Kapag kinagalitan mo si tadhana, para ka na rin nagalit sa taong may hawak ng iyong tadhana, ang Diyos.
Kahit na anong paglalaro ang gawin sakin ng tadhana, gustuhin ko man magalit, hindi ko magawa.
Sapagkat alam ko, na si God ang may hawak ng aking tadhana.
Siya ang may alam kung ano ang dapat na mangyari sakin.
Siya lang ang bahala sa lahat. Kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay ko, tatanggapin ko.
Tutal, iyon nga lang naman ang magagawa ko, ang tanggapin ang lahat, sumunod sa agos ng buhay.
Patuloy ang paglalaro ng tadhana di lamang sa akin kundi sa buong pamilya namin ngayon. Nakalulungkot, nakaiinis.
Ang tanging nagagawa na lamang namin ngayon ay tumingin sa langit sabay sabi ng:
"Bakit nga ba nangyayari ang lahat ng ito?!"
Maraming sagot. Maraming dahilan. Hindi ko na iisaisahin pa.
Basta ang malinaw, ang mga pangyayaring nagaganap ngayon ay bunga lamang
ng pinaghalong tadhana natin at mga pangyayaring nangyari noon.
Walang masisisi. Wala. Tanggap lang ng tanggap hanggang sa matapos rin ang lahat.
May katapusan naman lahat ng pangyayari eh.
Sumabay.. sumabay.. sabay lang.. kaya lang pagod na pagod na akong sumabay sa agos ng buhay.... pero kaya pa.. kakayanin!!
Written by: RhusForteza