Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Stories MY RUNAWAY JOWA | LAST PART | Romance Comedy | KIKKO25 Original Novels

Nov 18, 2020
1,618
59,883
169
♂️
runaway official cover.jpg
DISCLAIMER:
Ang lahat ng karakter at ang mga miyembrong nabanggit sa nobelang ito ay walang anumang kaugnayan sa may akda. ipinapa-unawa rin ng may akda na hindi ginamit ang mga pangalan ng miyembro upang sumikat o kaya naman ay pagkakitaan ng salapi o kahit anumang paraan para kumita ng pera sa nobelang ito. Ang lahat ng pangyayari na nabanggit sa nobelang ito ay kathang isip lamang, anumang pagkaka-ugnay o pagkaka-halintulad ng mga karakter sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. May mga Salitang hindi angkop sa mga Bata, patnubay ng matatanda ay kailangan.


MY RUNAWAY JOWA: HASHTAG TULOY PA RIN
LAST PART

[KIKKO25 Original Novels]

“Girl!! May nag hahanap sayo sa info desk sa lobby ng groundfloor!” malanding saad ni @Yuuii-Chan ng pumasok ito sa dressing room ni deijoy, kasalukuyan itong nag aayos para sa gagawing photoshoot. Nilingon niya ang kaibigan.

“sino daw?” maikling tugon ni @deijoy23 .

“hmmm… I don’t know, , malamang hindi siya empleyado, first time ko lang siya nakita dito eh, kasi nadaanan ko, nagmamadali kasi akong umakyat dito gawa ng late na ako at alam kong hindi ka lalabas ng kwarto hanggang hindi ko na rere-touch yang mukha mo ng mga magic hands ko..! kasi naman.. pinuyat ako beks ng bago kong jowa kagabi!! Oh my G!!! super.. super….big nang kanyang..”

“hey stop!!” natatawang awat ni deijoy. “you’re so gross!! Kadiri ka! Di dapat pinag uusapan ang ganyan!”

“Oi.. bruha.. wag kang masyadong green!! Muscles ang sinasabi ko no? alam mo bang pinapunta lang niya ako sa kanyang condo para gawing masahista? Naku!! Kung di ko lang yun love hindi ako mag ti-tyaga dun!” sambit ni yuuii chan sabay lapag ng kanyang dalang make-up kit.

“weeehhhh… masahe lang ba talaga?” kantiyaw ni deijoy. “naku bakla!! ‘wag ako!! Sa landi mong yan? Mag tityaga ka lang na mag masahe?? Choozzzz!!!!”

“ay naku!! Change topic tayo besh!” saad nito, kinuha niya ang suklay at tamang inayos ang buhok ng dalaga. “so yun na nga! Nadaanan ko yung cute guy sa lobby ng groundfloor, kausap ung info clerk, hinahanap ka… eh, ako naman itong chismosa, tumigil ako sa tapat at tinanong ko kung sino siya, ang sabi.. personal dentist mo daw! Jusko!! Eh etong frend mong bakla” tukoy nito sa kanyang sarili. “medyo na curios, kasi baka isa lang sa mga fans mo na gustog mag pa selfie or whatever! Kaya i-ninterview ko ng kaunti.. syempre.. para medyo matagal kong mapagmasdan.. ang Pogi kasi beks!!!! At syempre, lam mo naman ako.. pag pogi.. di ko pinapalampas na hindi makuha ang contact number!!” kilig nitong sabi.

“sa tingin mo naman totoong number niya ang binigay sa’yo?”

“siguro.. anyway kung mali eh.. di okay lang…”

“kaw ahh.. may jowa kana nag lalandi ka pa ng ibang lalake!”

“Oi di naman… back – up lang to, kasi kung maki pag break yung jowa ko eh. Di may number agad akong tatawagan diba?”

“baliw!!!” bulalas ni deijoy.. “oh, sino nga daw yung naghahanap saakin?”

“ayun nagsabi sakin ng totoo, hindi mo daw siya dentist kundi bestfriend mo daw siya at sabihin ko lang daw ang pangalan niya sayo at makikilala mo!”

“eh sino nga kasi?” tanong ni deijoy.

@yunik daw eh.. kilala mo ba talaga yun?”

Nabigla si deijoy sa binanggit ni yuuii chan, napa-isip siya bakit nandoon si yunik? At bakit hinahanap siya? Hindi pa ba malinaw sa kanya ang mga sinabi niya kagabi na wala na sila?

“wait beks.. bababa muna ako”

“Oi saglit.. di pa ako tapos sa buhok mo!” bulalas ng kanyang kaibigan ngunit hindi na niya ito pinansin, dali dali siyang bumaba ng elevator at tinungo ang groundfloor ng building. Pag bukas ng pintuan ng elevator, agad niyang tinungo ang info desk at tinanong kung nasaan ang lalakeng naghahanap sa kanya. Kailangan niyang masabihan itong si yunik na huwag ng pumunta o magpakita sa kanya dahil nagkaroon sila ng argumento ni Rian, madali pa namang mag duda ang kanyang boyfriend at masyadong seloso, malamang isang gulo ito pag nakita ni Rian si Yunik doon sa building.

“Ms. Desiree, kakalabas lang po nung lalakeng naghahanap sa’yo.” Saad ng info clerk sa kanya.

Mabilis naman siyang lumabas at lumingon-lingon, tatalikod na sana siya ng biglang may humatak sa kanyang mga braso, napalingon siya rito. Si yunik. Hinila siya nito papunta sa isang gilid kung saan may mga halamang naka tanim.

“ano bang ginagawa mo rito? Pwede ba yunik, umalis ka na..” saad niya.

Ngunit isang halik ang iginanti ni yunik dito, hindi rin napigilan ni deijoy ang nararamdaman kaya gumanti rin siya sa mga halik ng lalake.

---------------------



“Yuuii Chan!” bungad ni Rian ng bigla itong pumasok sa dressing room ni deijoy.

“ohh.. sir, kayo po pala!” bulalas ni yuuii chan.

“where’s desiree?” tanong nito ng mapansing wala si deijoy sa silid.

“ahhmm.. Sir..” saad ni yuuii chan na naghahanap ng pwedeng ipalusot.

“What?!!” malakas na saad ni Rian. “I said where is Desiree?”

“Ai naku Sir… Kasi po ano.. ahmm.. may ano kasi…. Yung friend ni Ms. Desiree, uhhmm… bumisita po..”

Hindi na tinapos marinig ni Rian ang sinasabi ni yuuii chan, pabagsak nitong isinara ang pinto at dali-daling tinungo ang kinaroroonan ni deijoy, alam niya kung sinoung kaibigan ang tinutukoy ni yuuii chan.



“Wow!! What a beautiful scenery!!” sarkastikong saad ni rian ng ma-abutan ang dalawa, pumalakpak ito. Agad namang naghiwalay ang dalawa, hindi alam ni deijoy ang sasabihin kay rian. Lumapit si rian kay deijoy, at bigla nitong hinawakan ang batok ng babae. Nakita ni yunik na nasasaktan si deijoy sa pagkakahawak ni rian kaya agad niyang sinugod ang lalake ngunit mabilis naman inumbagan siya ng isang malakas na suntok, tumama ito sa kanyang pisngi dahilan iyon para mawalan siya ng balanse at bumagsak. Hinila ni Rian si deijoy papasok ng building, mabilis na tumayo si Yunik para sundan ang dalawa, mabilis siyang nakapasok sa lobby, ngunit hindi na niya inabutan ang elevator, nakasara na ito, tiningnan niya ang direksyon kung saan didiretson ang elevator, pababa ito, papuntang basement. Agad siyang tumakbo palabas at tinungo ang nakaparada niyang kotse.

Dinala ni Rian si Deijoy sa besement, walang pakialam si rian kahit may mga empleyado roon na nakakakita, hila hila siya nito habang nakahawak sa kanyang buhok, bawat pagpupumiglas niya, lalo namang hihigpitan ni Rian ang paghawak sa kanyang buhok dahilan para masaktan siya. Walang nagawa ang mga nandoon kundi pagmasdan lamang siya na kinakaladkad ni kanilang boss. Binuksan ni rian ang kanyang sasakyan at mabilis siyang itinulak papasok. Mabilis namang nakasunod si yuuii chan, at sinubukan nitong pigilan si Rian ngunit itinulak siya nito dahilan para mapasubsub siya sa katabing kotseng nakaparada doon. agad na nakapasok si Rian sa sasakyan at mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan. Alam ni yuuii chan kung paano magalit ang kanilang boss. takot siya na baka kung anung gawin nito sa kaibigan niyang si deijoy, kaya mabilis sumagi sa isip niya ang isang desisyon na hindi niya alam kung ano ang pwedeng kalabasan, basta ang importante ay matulungan niya ang kaibigan



Sa loob ng sasakyan, nakikipag-buno si deijoy sa lalake, nais niyang patgilin ito sa pagmamaneho at bumaba ng kotse, kaya pilit niyang inaagaw ang manibela ng sasakyan para itabi ang sasakyan. Ngunit isang malakas na sampal ang itinugon ni Rian sa kanya, sa lakas ng sampal, halos mabingi siya at mahilo. Ilang metro palang ang layo nila mula sa silver tower, huminto ang kotse at itinabi ni Rian ang sasakyan isang suntok sa sikmura ni deijoy ang pinakawalan nito, halos hindi makahinga ang babae sa sobrang sakit na naramdaman. Bumaba si rian sa sasakyan at tinungo nito ang likod ng kotse, binuksan ang hood at may hinalungkat, iyon naman ang nakapag bigay ng pagkakataon para kay deijoy na makatakas, kahit masakit ang kanyang puson, pinilit niyang makababa ng kotse, ngunit natumba siya ng makalabas ng sasakyan, hindi niya gaanong mai-tuwid ang katawan dahil sa sakit na dulot ng suntok ng lalake. pansin ni deijoy na may mangilan-ngilang mga tao na nakatingin sa kanya, ngunit imbes na tulungan siya ng mga ito ay mas abala pa ito sa pagkuha ng mga video gamit ang kanilang mga cellphone. Pilit siyang tumayo upang makalayo kay rian ngunit bigla na lamang hinablot ni Rian ang kanyang buhok.

“Tatakas ka?” sambit nito ng mahablot ang kanyang buhok. Muli siyang ipinasok sa loob ng kotse at kinuha nito ang hawak na panyo, itinakip iyon sa kanyang ilong. Napaka higpit ng pagkakatakit ng panyo sa kanyang ilong, hindi siya gaanong makahinga, amoy- na amoy niya ang masangsang na amoy sa panyo, ilang saglit lang ay naramdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan hanggan nawalan na siya ng malay. Agad na pinaandar ni Rian ang sasakyan at mabilis nitong pinaharurot paalis sa lugar na iyon.

-------------------------------------------------------------------

Nagising na lamang si deijoy na nakahiga sa isang sofa, hirap siyang makabangon, nakatali sa likod niya ang dalawang kamay pati na rin ang kanyang mga paa. Inikot niya ang kanyang paningin sa lood ng bahay, may parte ng bahay na kongkreto, ang ibang parte naman ay gawa sa kahoy at kawayan na napipinturahan ng wood varnish, may malaking sliding glass door sa kaliwang bahagi na bahagyang natatakpan ng manipis na putting kurtina, kita niya mula roon ang magandang tanawin sa labas, malamig at presko rin ang hangin na pumapasok sa bintana, kung hindi siya nag-kakamali, mdinala siya ni Rian sa isa nitong Rest house sa Tagaytay. Ganun ba katagal siyang nawalan ng malay? Pilit niyang ibinangon ang katawan, ramdam parin niya ang kirot ng kanyang puson. Ilang saglit pa’y narinig niya ang mga yapak ni Rian papalapit sa kanya. Halatang galit ito dahil sa tono ng boses ng lalake, mukhang may kausap ito sa telepono. Ng makalapit sa kanya, inihagis nito ang hawak na cellphone, nakita ni deijoy na tumilapon ito sa ilalim ng corner table sa ilalim ng ceramic vase. kinuha ni rian ang remote control ng TV na nakalapag sa may center table na gawa rin sa kahoy. Ini-on nito ang malaking flat screen TV na nakakabit sa Pader, at agad na bumungad sa kanila ang balita, nasa headline sila ng balita. Isang lalakeng TV reporter ang nagsasalita habang ang mukha ni Rian ay naka flashback sa screen, ayon sa balita, kinidnap siya ng sikat na business man na nag mamay-ari ng isa sa pinaka-malaking talent agency ng bansa at director ng sikat na Millenium Magazine, naka flash rin sa TV screen ang vira video na kuha ng ilang netizen. Naka ilang ulit pa si Rian na nag palit ng channel ngunit halos pare-pareho ang laman ng balita. Sa inis at galit nito ay malakas na ibinato ang remote control, tumama ito sa isang malaking vase na naka display malapit sa glass sliding door, nabasag ito at nag kalat ang bubog sa sahig. Nanlilisik ang mga nitong ibinaling sa kanya ang tingin. Bahagya siyang natakot.

“See? Ito ba ang gusto mo? Ang ipahiya ako? Ang ipahiya ang kumpanyang nagpa-ganda ng buhay mo?” galit nitong sisi sa kanya.

Ngitang aso ang itinugon ni deijoy bago ito nagsalita. “itatama ko lang ah, Ikaw ang may gawa Rian, hindi ako.. ikaw ang gumawa ng eksena kanina, yan kasi ang mahirap sa’yo, hindi mo kayang kontrolin ang emosyon mo!”

Biglang hinawakan ni Rian ang pisngi ng babae, mahigpit ito, dahilan upang mapangiwi ang kanyang mga labi, inilapit pa ng lalake ang kanyang mukha sa mukha niya.

“Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil diyan sa kalandian mo!” sabay bitaw sa kanyang mukha, napasubsob si deijoy sa sofa. Mabilis naman siyang nakabawi ng lingon sa lalake.

“Oo! Malandi na kung malandi!” pasigaw niyang tugon. “at yung nakita mo kanina? Totoo yun! Nag seselos ka kasi pakiramdam mo may relasyon kami ni Yunik? Well, tama ka! Meron! Matagal na! mas naunang naging kami kesa sayo! Ang sama kasi ng ugali mo Rian, kinokontrol mo ang buhay ko, gusto mo lahat ng desisyon mo ay sundin ko, hindi ako ganoong babae Rian, at isa pa, tinatanaw ko ng utang na loob ang naitulong ng kumpanya mo sa-akin pero pinag trabahuhan ko at pinagpaguran kung ano man mayroon ako ngayon, at kahit hindi mo aminin, napakinabangan ako ng kumpanya mo! At ngayon palang, sinasabi ko na sayo na tinatapos ko na kung anuman ang mayroon tayo!”

“ohh..so you’re breaking with me? Bakit? Sasama ka na dun sa pulubing dentista na yun? Bakit? Masarap ba siya sa kama? Magaling bang bumayo? Pinaikot ba ang mga mata mo sa sarap ng kanyang pag dila sa buong katawan mo? Ha?!!” galit nitong sambit sabay sakal sa kanyang leeg.

Nagpupumiglas si deijoy ngunit hindi siya gaanong makagalaw dahil sa kanyang pagkaka-gapos.

“b-bitawan mo ko Rian, hindi a-ako ma-ka h-hinga!” nauutal niyang saad.

Halos maubusan na siya ng hininga ng bitawan nito ang kanyang leeg, habol hiniga siya, akala niya malalagutan na siya sa pagkakasakal ni Rian,

“lahat ng gusto ko, nakukuha ko desiree!” saad ng lalake. “at wala ng magagawa ang dentistang yun” tiningnan ni Rian si deijoy na halatang takot na sa kanya, lumapit ang lalake at naupo ito sa kanyang tabi at hinawi ang buhok na tumatakip sa kanyang mukha.

“Babe.. I’m sorry” malumanay nitong saad, biglang nagbago ang mood ni Rian. “I’m sorry kung napag-buhatan kita ng kamay at nasaktan kita, huwag mo na kasing uulitin ito, well.. I forgive you babe.. basta ipangako mo na hindi ka na makikipag-kita sa lalakeng yun.. please?”

Napakunot- noo si deijoy, kanina lang halos bumuga na ng apoy ang lalake tapos bigla itong mag mamakaawa sa kanya at mag lalambing? May kulang na turnilyo ba ito sa ulo? Sambit niya sa sarili.

Walang salitang itinugon si deijoy, tinitigan lang niya ito sa mata. Hinaplos ng lalake ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa labi.

“I love you desiree, I cant afford to lose you.. hindi ko kaya..”

“release me!” maikling tugon niya sa lalake.

“No!” mabilis nitong saad, nakita niyang nagbago ulit ang mood ng lalake, nagsisimula nanaman iton magalit, parang natataranta. “I-I have to do something!” patuloy nito na tarantang nag-iisip. “Oo.. Tama! Kaylangan nating magpakasal ngayon.. para wala ng habol ang lalakeng yun sayo!”

“kasal? Ngayon? Seryoso ka?” bulalas ni deijoy.

“Yes! Now.. we will get married!”

Napabuntong hininga si deijoy. “hinahanap ka na ng mga pulis ngayon rian, kaya please.. pakawalan mo nalang ako..”

“I can do everything desiree..” mayabang nitong sambit. “I’m a rich Man, I can do and get whatever I want!” madiin nitong saad. “y-yes.. tama.. pupuntahan ko si uncle Jimmy mag papakasal tayo sa kanya, alam kong hindi iyon makaka tanggi sa-akin, malaki ang utang na loob nun sa daddy ko” ang tinutukoy ni rian ay ang mayor ng Tagaytay na pinsang buo ng kanyang daddy.

“wait, where’s my phone” patuloy nito habang hinahanap sa paligid ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ito nakita. Lumapit ito sa kanya at kinuha sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. “akin na muna ang phone mo, tatawagan ko si uncle!” saad ng lalake habang kinukuha sa kanyang bulsa ang cellphone. Inopen nito ang kanyang phone ngunit nadismaya ito ng ma-alala na wala palang number ng uncle niya na naka register sa phone ni deijoy, nasa cellphone niya iyon naka register at di niya matandaan ang numero nito, hindi rin niya mahagilap kung saan niya naitapon ang cellphone.

“F*ck!” mura nito. “okay.. okay.. isip rian… isip…” mahinang sambit nito sa sarili habang pabalik balik na naglalakad sa kanyang harapan. “stay here!” sambit nito. “pupuntahan ko personally sa office si uncle Jimmy, at wag mung subukang tumakas!”

Mabilis na naglakad si Rian palabas, saglit pa’y narinig na niya ang pag andar ng makina ng sasakyan. Walang sinayang na oras si deijoy, agad niyang ginapang kung saan tumilapon ang cellphone ni Rian, at dahil nakatali ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran, patalikod niyang kinuha ito, at isinuksuk iyon sa kanyang beywang. Kumuha din siya ng isang piraso ng basag na vase, sinimulan niyang putulin ang tali gamit ang basag na ceramic vase.

Nasa kalsada na ang sasakyan ni Rian ng marealize nito na baka tumakas si deijoy. Kaya naisipan niyang bumalik at siguruhing hindi ito makaka-alis ng bahay.

---------------------------

Mabilis na hinihiwa ni deijoy ang tali para maputol, ramdam rin niya na mag mga sugat na ang kanyang mga daliri dala ng talim ng basag na ceramic, nasa ganoong posisyon siya ng marinig niya ang tunog ng sasakyan ni Rian, huminto ang makina ng sasakyan at narinig niya ang pabagsak na pag sara ng pintuan ng kotse. Nagmamadali siyang gumapang pabalik ng sofa, hindi pwedeng Makita siya ni rian ng ganoong ayos.

Bumukas ang pintuan ng bahay, rinig na rinig ni deijoy ang yapak ng mga sapatos ni rian sa sahig, mabilis ang mga yapak, palakas ng palakas ito habang papalapit sa kanya. Bigla itong nahinto ng Makita siya.

“buti naman at di ka nag balak tumakas!” saad nito ng makita siyang nakaupo sa sofa. “but, I want to make sure, na nandito ka pa rin pag balik ko kasama si uncle jimmy. Come with me!” sambit nito sabay hatak sa kanya, kinaladkad siya nito papunta sa isang silid, binuksan nito ang pinto at ibinalibag siya sa isang malaking kama. Agad nitong isinara ang pinto at dinig niyang ini-lock nito ang pintuan, saglit pa’y narinig niyang muli ang paalis na sasakyan. Bigo siyang matanggal ang tali sa kanyang mga kamay, ngunit may isa pa siyang paraan, kinuha niya ang isinuksok niyang celphone ni Rian, naka off ito, dala ng pagkakabagsak, kinapa niya ang power ng cellphone at ini-on ito.

“Ohh.. thanks God! Gumana pa!” bulalas niya ng makitang nag on ang telepono..

“my GAD!!! Challenge pa more!!!!! “ naiinis niyang sambit. Paano siya makaka-dial ng numero kung hindi niya nakikita ang screen, nasa kanyang kiluran ang mga kamay, saglit siyang nag isip at maya maya’y hinubad niya ang suot na sandals. “kala mong mokong ka ah.. maparaan kaya ako!!” bulalas niya sa sarili ng makahanap ng paraan upang maka tawag at makahingi ng tulong. Mga daliri sa paa ang kanyang gagamitin upang makatawag. Unang challenge, ang pag swipe niya sa screen ng cellphone gamit ang hinlalaki ng kanyang paa, “success!” nagawa niya, pangalawang challenge ay pindutin ang four digit na numerical PIN nito, buti nalang at alam niya ang password ng cellphone ng kanyang kasintahan. Medyo natagalan siya ng ilang minuto dahil minsan, iba ang na pipindot na numero ng kanyang hinlalaking daliri sa paa. Ng ma-open na niya ito, agad niyang ini-scroll ang phonebook at ng mahanap ang contact na alam niyang mahi-hingian ng tulong agad niyang pinindot ang call button.

“buwisit kang rian ka! Baliw ka, may tililing ka pala sa ulo!” bulalas niya sa kanyang sarili habang hinihintay na sagutin ang kanyang tawag.

----------------------------

Pakiramdam ni Yunik Nawalan na siya ng pag-asa ng mawala sa kanyang paningin ang sasakyang sinusundanumabot pa siya Tagaytay sa kakasunod ngunit maraming nilikuan ang sasakyan ni Rian kaya nalito siya at hindi na niya nakita ito kung saan dumaan. Nasa tabing kalsada lamang nakaparada ang kanyang sasakyan habang nag-iisip kung ano sunod niyang gagawin.

Maya’t maya pa’y tumunog ang kanyang cellphone, agad niyang kinuha ito, saglit niyang tiningnan, hindi naka rehistro ang numero, nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi. Pero sinagot parin niya ito.

“H-hello? Sino ‘to?” bungad niya ng sagutin ang tumatawag.

“Oii.. gwapo.. si yuuii chan ito!” saad ng boses sa kabilang linya, saglit siyang napaisip, at inalala kung sino iyon.

“ahh.. yes, yuuii chan? Yung friend ni deijoy?” saad niya ng maa-lala ito, tama, binigay pala niya ang kanyang contact number niya sa lalake, minsan may advantage din pala ang magbigay ng number sa di kilalang tao.

“oo, correct ka! Ganito, tumawag saakin si Ms. Desiree, gamit ang number ni boss rian, nasa Tagaytay sila!”

“Yes, I know, sinundan ko silaI’m currently here in Tagaytay kaso nawala eh, sinabi ba sa’yo kung saan sila dito sa Tagaytay?”

“Kaya nga! Makinig ka muna kasi..” sambit ni yuii chan. Mabilis na binuksan ni yunik ang maliit na compartment ng kanyang kotse na nasa sa may bandang ibaba ng dashboard, mabilis niyang hinalungkat ito at kinuha ang ballpen at sticky note na naroon. Sinulat niya ang address na sinabi sa kanya ni yuuii chan at nagpasalamat siya rito at binigyan niya ng instruction si yuuii chan na kontakin ang mga pulis ng Tagaytay para makahingi ng tulong at pagkatapos nun ay ibinaba na niya ang telepono.

Agad na tinungo ni yunik ang address na sinabi sa kanya ni yuuii chan, hindi siya nag aksaya ng oras. May mga saglit din na humihinto siya para mag tanong tungkol sa tamag daan papunta sa private resort ni Rian.

Mabilis na bumaba ng sasakyan si rian ng marating ang City Hall, kailangan niyang madatnan doon ang kanyang tito jimmy sa opisina nito, buo na ang kanyang loob na makasal sila ni deijoy, iyon lang ang naiisip niya upang ma-angkin ng buo ang babae at kailangang makumbinsi niya ang kanyang tito Jimmy. Pag pasok niya sa city hall, mabilis niyang nilakad ang lobby patungo sa mayor’s office, sa isang cubicle na nadaanan niya, may ilang empleyado ng city hall na abalang nanonood ng video sa computer. Nadismaya siya sa nakita at napasabi sa sarili “mga walang silbing empleyado ng gobyerno, oras ng trabaho, iba ang ginagawa” saglit siyang napatingin sa pinapanood ng mga ito. Natigilan si rian ng Makita ang viral video niya na pilit na isinasakay si deijoy sa kanyang kotse. Bigla niyang naisip na baka may maka kilala sa kanya doon, alam niyang iba ang magiging impression ng mga ito sa kanya dahil sa napanood ng viral video. Saglit siyang napalingon sa paligid, wala masyadong naka pansin sa kanya, kaya sinamantala niya ang pagkakataon na umalis doon, mabilis ang kanyang lakad pabalik ng kotse, pag pasok niya ng sasakyan agad niya itong pinaharurot pabalik ng resthouse.

Inabot ng ilang minuto si yunik bago niya natunton ang naka saad sa address, saglit muna siyang tumigil sa labas ng gate, at nakiramdam kung may tao na nag babantay roon, bumaba siya ng sasakyan at sumilip mula sa naka awang na gate. malawak ang loob ng private resort, maganda ang landscape at may malaking bungalow na nakatayo malapit sa isang malaking pool, pansin rin niya na walang tao roon, kaya agad siyang pumasok at tinungo ang semi-bungalow na bahay, tinungo niya ang main entrance ng bahay, malaki ang pinto na gawa sa kahoy na narra at may mga ukit na disenyong bulaklak, nakadagdag pa sa ganda nito ang matingkad na wood varnish na talaga namang umayon ang kulay sa pader ng bahay. Pinihit niya ang door knob, naka lock ito, kaya minarapat niyang ikutin ang bahay at magbakasakaling may mapasukan siya, sa right side ng bahay, kung saan naroon ang swimming pool, may isang malaking glass sliding door, sinilip niya ang loob nito, at napansin niya ang makalat na loob ng bahay, mag mga basag rin na ceramic siyang nakita na nagkalat sa sahig. Lumakas ang kutob niya na naroon nga si deijoy. Muli niyang inikot ang bahay hanggang sa marating niya ang likuran. tumapat siya sa isang bintanang naroon na natatakpan ng tinted glass at na po-protektahan ng metal grills. Ipinasok niya ang isang kamay sa grills ng bintana Sinubukan niyang hatakin pa kanan ang sliding window at bumukas naman ito. Mula sa awang ng bintana, nakita niya si deijoy na nakaupo sa kama na pilit na kumakawala sa pagkakatali.

“psst… deijoy” mahinang tawag ng lalake kay deijoy.

Mabilis namang napalingon ang babae mula sa pinang-gagalingan ng boses.

“Y-yunik?” saad niya ng makilala ito. “Pano mo nalaman na nandito ako?”

“sinundan ko kayo ng maka alis kayo ng silver tower, kaso ng makarating na dito sa tagay tay, nawala sa paningin ko ang sinasakyan nyo, buti nalang di pa ako nakakabalik ng maynila at tumawag yung kaibigan mo!”

“Thanks God!” bulalas niya, “ma-aasahan ko talaga si yuuii chan!”

“Wala ba yung jowa mo?” saad ni yunik.

“Wala umalis, ako lang nandito, kaya tulungan mo na ako, baka bumalik nay un!” tugon ni deijoy.

“Okay, hintayin mo ako, hahanap ako ng madadaanan papasok” mabilis na umalis si yunik sa kanyang kinatatayuan at agad na bumalik sa gilid malapit sa pool, saglit siyang lumingon-lingon sa paligid at nag hanap ng malaking bato o kahoy na pwedeng I pang-basag sa sliding door, ng makakuha ng bato, agad niyang i-pinukpok ito sa salamin, ngunit hindi ito kaagad nabasag, tempered glass kasi. Naka ilang ulit siyang pukol sa glass door at saglit pa’y nagsimula na itong magkaroon ng lamat hanggang sa bumigay na ito at nawasak. Mabilis niyang tinungo ang kwartong kinaroroonan ni deijoy. At ma-pwersa niyang sinira ang pintuan.

“ang lakas ahh.” Sambit ng babae ng masira niya ang pintuan. “Si superman ka ba?”

Saglit na napatitig si yunik. “luh? Nakuha mo pang mag pick-up line?” tugon niya sa babae.

“Baliw! Tinatanong lang kita, ang lakas mo kasi eh, nasira mo agad!”

“ay ganun ba? kala ko pick-up lines..” natawang saad nito. “mahinang klase lang siguro ang door knob na ginamit kaya nasira agad” patuloy nito.

Walang ano-ano’y narinig nila ang pagdating ng sasakyan ni rian.

“Oh, shit!” bulalas ni yunik.

“kalagan mo na ako bilis!!” nag-papanic na sambit ni deijoy.

Nag mamadaling ipinasok ni rian ang sasakyan sa gate ng mapansin na may nakaparadang isang kotse sa gilid nito, agad siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na tinungo ang entrance door.

Agad namang inalis ni yunik ang pagkakabuhol ng tali sa kamay ng babae.

“bilis nik!!” saad ni deijoy.

“Oo eto na, wait lang.. buhol masyado ang pagkakatali eh.”

“ay naku! Maa-abutan na tayo ni..”

“eto na eto na, saglit lang..” putol ni yunik sa sinasabi ng babae.

Patakbong pumasok si Rian sa loob ng bahay, agad itong dumiretso sa kwarto na pinag-kulungan niya kay deijoy, sira ang doorknob ng kwarto, agad siyang pumasok at nagulat siya sa kanyang nadatnan. Nagkalat ang tali sa kama, wala na ang kanyang girlfriend doon. Napamura si Rian, agad niyang nilisan ang silid at mabilis na lumabas ng bahay, nagbabaka-sakali siyang hindi pa nakakalayo ang babae.

Mula sa loob ng wardrobe, pigil hininga sina yunik at deijoy ng maramdaman nilang naroon si Rian, akala nila makikita sila doon, ng mapansin nilang lumabas na si rian, agad namang lumabas ang dalawa at pa-kubling tumakas. Dumaan sila sa may basag na sliding glass door at mabilis na tumakbo sa gilid ng swimming pool papunta sa may gate. Mabilis na biniksan ni yunik ang gate, ngunit nagulat siya ng tumambad sa kanya si RIan, nanlilisik ang mga maata nito sa galit. agad siya nitong sinuntok sa mukha, napa-atras siya sa lakas ng suntok nito. Gagantihan na sana ni Yunik ng suntok ang lalake ngunit bigla itong bumunot ng baril at agad siya nitong pinaputukan. Tumama ang bala ng baril sa kanyang dibdib. Nakita pa niya ang pag agos ng dugo sa kanyang katawan hanggan na nanghina siya at bumagsak sa lupa, napa sigaw si deijoy sa nakita, agad niyang nilapitan ang nakabulagtang katawan ng lalake, niyakap niya ito habang sumisigaw ng tulong at umiiyak. Naramdaman niyang hinawakan ni yunik ang kanyang mga kamay, kitang kita niya ang lalake na nanghihina na ito, may mga nais sabihin ngunit hindi na kayang maglabas ng boses ang kanyang bibig. Napahagulhol na lamang si deijoy at mahigpit na niyakap ang lalake. muling itinutok ni Rian ang baril kay deijoy.

“Hindi mo ako mahal desiree..” saad nito. “mas pinili mo ang lalakeng iyan kesa sakin”

Nilingon ni deijoy ang galit na galit na si Rian. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay, wala siyang pakialam kung may dugo ang kanyang mga kamay at malagyan ang kanyang mukha.

“Oo Rian, mas pipiliin ko pa ang lalakeng ito na mahalin kesa na sumama sayo na isang baliw!” sigaw niya. “Barilin mo na ako, hindi ako natatakot sa’yo!”

alingaw-ngaw nang putok ng baril ang kumalat sa buong paligid, nasundan pa ito ng dalawang putok. Biglang bumulagta ang katawan ni Rian sa lupa. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niya ang mga pulis papalapit sa kanilang kinaroroonan, kasunod nito ang mga ibat ibang media press na nag-uunahan makakuha ng panayam sa kanya, habang ang iba naman ay kumukuha ng litrato, nasisilaw siya sa mga ilaw ng mga flash mula sa mga camera ng mga reporter. Agad siyang sinak-lolohan ng medics at inilayo siya sa wala ng buhay na katawan ni Yunik. Kitang kita niya ang pag buhat sa katawan ni yunik at inilagay ito sa isang stretcher at tinakpan ng puting kumot, at mabilis na ipinasok sa ambulansya.



-----------------------------------------------

February 14

Mabilis siyang napabangon sa kanyang kama, kahit may aircon ang kanyang silid ay tagaktak parin siya ng pawis, mabilis ang tibok ng kanyang puso at tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Saglit siyang napa-iling, “isang napakasamang panaginip!” bulalas ni yunik sa kanyang sarili, akala niya totoo ang mga nangyari, parang totoong totoo ang pagkakabaril sa kanya ni Rian, buti nalang at panaginip lamang. Sinipat niya ang kanyang cellphone, alas otso na ng umaga, araw ng mga puso at iyon din ang araw ng kasal ni deijoy at Rian. Ang bilis lumipas ng araw, parang kelan lang ng huli niyang makausap si deijoy sa labas ng bahay ni Rian.

Ipinangako rin niya sa kanyang sarili na tutuparin niya ang kanyang mga sinabi kay deijoy, mag-aantay siya sa kanilang tagpuan, alam niyang suntok sa buwan ang kanyang gagawin pero panghahawakan niya ang isang porsyentong pag-asa na baka magbago pa ang isip ni deijoy.

Sa kabilang banda, umaga pa lamang ay abalang abala na ang mga events coordinator, make-up artist, wedding coordinators, media at ang buong staff ng kumpanya. Isang napakalaking okasyon ang magaganap. Gabi pa lamang ay inayos na ng mga staff ang isa sa pinaka malaking hall ng silver tower, doon kasi gaganapin ang reception. Ang napaka-laking LED TV Billboard AD ng kumpanya na naka pwesto sa labas sa itaas na bahagi ng building, ay pre-nup photos ni Rian at deijoy ang ipinapalabas, kitang kita ito ng mga dumadaang sasakyan. Kahapon pa nga lang ay kabilaan na ang mga camera ng mga TV network, lahat sila nag aabang sa kasal ng sikat na modelo at anak ng business tycoon. Ito na marahil ang wedding of the year na sinasabi.

Mula sa isang executive suit sa 45th floor ng silver tower bulding, nakatayo si deijoy sa malaking bintana, tanaw niya ang naglalakihang building at ang busy street ng syudad.

“beks!! Ang layo ng tingin ahh” saad ni yuuii chan ng pumasok ito sa kanyang silid. Napalingon siya at ginantihan ng ngiti ang kaibigan bilang tugon.

“kinakabahan ka ba?” patuloy nito. “alam mo, hindi lang naman ikaw ang nakaramdam niyan, halos lahat naman siguro ng mga babaeng ikakasal ganyan ang nararamdaman, yung tipong excited ka pero may kaba sa dibdib.. hay naku!! Kelan ko kaya mararamdaman din ang ganyan!! Kelan kaya mag po-propose sakin si baby boy!!”

Natawa si deijoy. “unahan mo na kasing mag propose!” biro niya rito.

“wess!! Dapat lalake ang gumagawa nun.. girl ako bes.. as in isang diwata..”

“baliw!!” saad ni deijoy sabay tawa. “buti nalang nandito kana beks! ‘lam mo, Masaya ako na ikakasal ako, pero parang may kulang”

“hellloo… kulang? Jusko bakla! Nasa iyo na lahat..” bulalas ni yuuii chan “alam mo bang daming inggit sayong mga babae.. ikaw na ang may pinaka bonggang kasal.. at may pinaka gwapong groom, mayaman pa!” patuloy nito, nilapitan niya ang kaibigan at hinawakan ang mga kamay.

“halika nga.. upo muna tayo ditto sa malambot mong kama” yaya nito kay deijoy.

“what’s bothering ba?” seryosong saad ng kanyang kaibigan.

Napa buntong hininga si deijoy at seryosong tinitigan si yuuii chan.

“Look, besh” seryosong simula niya. “halimbawa ikaw ang ikakasal sa lalakeng mai-bibigay sa’yo ang lahat ng gusto mo at tutupad sa iyong mga pangarap, pero alam ng puso mo na may isang taong nag aantay sa’yo na mahal na mahal ka at mahal mo rin, alin ba pipiliin mo?”

“ayy.. O.A. ang tanong mo sis ah.. hmm… wait ahh…. i-internalize ko muna..” nakangiting saad nito at bahagyang nag-isip. “okay.. ganito bess, I work a lot in the slums of tondo manila.. and the life there is very poor.. and it’s very sad…”

“Loko! Pang Catriona Gray naman yang sagot mo ehh!!” saad ni deijoy sabay palo sa braso ng kaibigan.

“Joke lang.. ano ka ba.. sige na nga serious na ang bakla….if I where in that shoe, una hindi ako materialistic… ahuh… alam mo yan.. hindi ako maluho besh.. kaya di ko kelangan ang yaman nung lalake, pangalawa, tatanungin ko sa sarili ko kung sino ba talaga ang mahal ko at sinisigaw ng puso ko.. ayy.. charoot!!! Hahahaha, ang korni ko na besh!! At ang pangatlo pipiliin ko ang taong alam kong kukumpleto sa buhay ko at di ako magsasawang mahalin kahit marami pang challenges ang dumating… ohhh… tandaan mo.. true love, finds true happiness… ohhh…diba? Keri ko?? Pang miss U ang sagot ko.. Pak ganern!!!!”

Saglit na napaisip si deijoy sa mga narinig mula sa kaibigan.

“oi.. seryoso ka jan” saad ni yuuii chan.. “ai wait… let me guess.. iyan ba ang bumabagabag sayo ngayon?.. ohh wait.. oh my gosh besh.. wag mung sabihin mahal mo parin yung ex mo?” gulat nitong saad.

“kalimutan mo nga nga yun beks!” tugon ni deijoy. “tara na nga, mag breakfast na tayo, at aayusan mo pa ako maya-maya!”
----------------------------------

Punong-puno ang loob ng simbahan pati sa labas ay maraming media at fans ni deijoy ang gustong makasaksi sa kasal niya, maraming mga TV personalities, politicians, mga businessmen at non-TV personalities ang imbitado sa araw na iyon. Mula sa bintana ng kotseng sinakyan niya, kitang kita ni deijoy ang mga taong naroon na Masaya at excited. Lumapit sa kanyang kotse ang isang wedding coordinator. Binuksan niya ng bahagya ang bintana ng sasakyan at binigyan siya nito ng instructions at inabisuhan siya na magkakaroon ng konting delay ang kanilang kasal, inatake kasi ng highblood ang paring kakasal sa kanila at ina-antay nila ang pag dating ng kapalit na pari. Napa-buntong hininga si deijoy, dapat ay alas tress ang kanilang kasal, ngunit ma a-adjust ito, mag aantay sila ng thirty to forty minutes bago makarating ang isang pari. Halos lahat kasi ng pari sa parokyang iyon ay may naka schedule na appointments gaya ng kasal, binyag, etc. napaisip tuloy si deijoy na bakit sa dinami-dami pa ng magiging aberya ay yung mismong mag babasbas pa sa kanila ng sagradong matrimonya ay siya pang nagka-problema, wala siyang magagawa, kundi ang mag antay.

Ilang minuto pa ang lumipas at sinenysan na siya ng wedding coordinator na lumabas na ng kotse dahil magsisimula na ang kanyang pag paso sa isang mahabang red carpet. Bumaba siya ng sasakyan, inalalayan siya ng kanyang mga bridesmaid, rinig niya ang palakpakan at hiyawan ng kanyang mga avid supporters, sa gilid ng kanyang dadaanang carpet ay may mga cameramen at photographers ang naka-abang, hindi na nga niya malaman kung alin ba dun ang kanilang official photographer sa dami kasi nila, nag mumukha na tuloy siyang isang Hollywood celebrity.

Mula sa labas ng pintuan ng simbahan, nakatayo si deijoy, suot nito ang puting wedding gown na napapalamutian ng napakaraming white pearls, may mangilan-ngilan ding silver coated pearls na nagbibigay accent sa desenyo ng kanyang gown. Napaka ganda rin ng ayos ng kanyang buhok at talagang bumagay sa kanyang damit ang make-up color na ginamit ni yuuii chan sa kanyang mukha, she looks stunning on that day.

Nag simula na ang pag tug-tog ng musika, at nagsimula na ng maglakad ang mga abay, konsorte, flower girls and ring bearer. Ngayon, siya naman, kabadong kabado siya ng mga araw na iyon, kung tutuusin, sanay na siya sa mga ganoong bagay, ilang ramp stage na ang kanyang na lakaran ngunit iba ang pakiramdam niya sa araw na iyon. Dahan dahan siyang naglakad sa red carpet, halata niya na lahat ay sa kanya nakatingin. They we’re all mesmerized in her stunning looks and amazed on the excellent design of her gown. Ilang saglit pa’y natanaw na niya ang kinaroroonang pwesto ng kanyang Mommy Blessie, naka wheelchair ito at suot ang pinagawa niyang damit para dito, naluluha ang kanyang ina sa tuwa, ngumiti ito sa kanya. Bigla naman niyang naalala ang bilin sa kanya ng kanyang ina, isang araw bago ang kasal nila ni Rian, na-ikwento kasi niya sa ina ang tungkol sa pag babalik ni Yunik, at rumihistro talaga sa kanyang isip ang sinabi sa kanya ng kanyang mommy blessie na she must follow her heart and she will find happness.

Nang makalapit na siya, saglit siyang huminto at niyakap ang kanyang mommy blessie, mahigpit na yakap ang iginanti sa kanya ng kanyang ina. Muli siyang nag lakad at huminto sa harap ni Rian, kitang kita niya ang tuwa sa mga mata nito. Isinabit niya ang kamay sa braso ng lalake at sabay silang naglakad papunta sa harap ng altar.

-------------------------------

Maya’t maya ang pag sulyap ni Yunik sa kanyang wristwatch, mag a-aalas singko na, tiyak niyang nasa kalagitnaan o patapos na ng seremonya ang kasal ni deijoy, dahil alam niyang alas tres ang simula ng kasal. Saglit siyang naupo sa concrete bench, tinupad niya ang sinabi niya sa babae na mag hihintay siya sa kanilang paboritong lugar, halo – halong emosyon ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung alin ba ang susundin, ang sabi ng kanyang isip ay hayaan nalang na maging Masaya ang babae sa piling ni rian at kailangan na ring sanayin ang sarili at makapag-move on, tutal siya naman ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang naging takbo ng kanilang relasyon. Subalit iba naman ang sinasabi ng kanyang puso, kung mahal niya talaga ang babae, ipaglalaban niya ito, hindi niya dapat i-give up agad ang kanilang relasyon, maaari niyang puntahan ang kasal ni deijoy at pigilan ito, ngunit kontra ng kanyang isip, ay gagawa lang siya ng eskandalo, maraming press pa naman ang naroon, at ayaw niyang ipahiya ang babae sa maraming tao. At sinasabi pa rin ng kanyang puso kung hindi niya magagawang makapunta doon sa kasal, ay kailangan niyang mag-antay at siguradong darating ang babae sapagkat mahal rin siya nito.

Napahawak si Yunik sa kanyang ulo, naguguluhan siya, ano ba talaga ang dapat? I-give up o mag antay pa ng ilang oras.. he need to decide..

Sa pangalawang beses, tinanong muli si deijoy ng pari kung mamahalin ba niya si Rian ng buong puso, sa hirap o ginhawa, ngunit parang pinipigilan si deijoy ng kanyang puso na sumagot. Nag karoon ng konting tension sa loob ng simbahan, pati mga media ay nag-aabang sa sasabihin ni deijoy. Hinawakan siya ni Rian sa balikat at kinalma, saka ito lumingon sa pari.

“Sorry father but she is just nervous.. right babe?” saad ng lalake.

Napatingin si deijoy sa suot na mamahaling relo ni Rian, pasado alas singko na ng hapon, kung hindi pa siya mag dedesisyon ay malamang di na niya aabutan si yunik, ngunit papaano naman si Rian, masasaktan niya ito at tiyak isang eskandalo ito sa pamilya ng lalake, at maaaring ikasira din ng kanyang imahe. Saglit siyang napapikit at muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang ina. “follow your heart, and you will find happiness” tama, hindi niya kailangan ang karangyaan at yaman, ang kailangan niya ay maging maligaya sa piling ng totoo niyang mahal. huminga siya ng malalim at humarap sa pari, kinuha niya ang mikropono na nakalagay sa microphone stand na nagsisilbing mic nila ni rian upang marinig sa speaker ng simbahan ang kanilang sinasabi. Tinanggal niya ang suot niyang belo, tumalsik ang ilang hairclip at hair pins at dahilan iyon para mailugay ang naka pulupot niyang buhok, na ikinagulat naman ng lahat ng sumasaksi sa kanilang kasal, matapang niyang hinarap si Rian,

“Rian, I am so happy na nakilala kita at naging bahagi sa tagumpay ng aking buhay, totoong minahal kita, at hindi ako nagsisisi doon, pero may kulang sa aking puso, at kaylangan kong hanapin yun, at ayokong matali sa isang relasyon na maaaring pagsisihan ko o nating dalawa.. I’m sorry Rian, but you have to let me go.. I’m so sorry…” saad ni deijoy sabay bitaw ng mic at tumakbong palabas ng simbahan, dinig na dinig niya ang mga reaksyon ng mga naroon, naiwan niyang tulala si Rian, naawa siya sa lalake pero kailangan niyang gawin iyon dahil alam niyang hindi rin magiging maganda ang patutunguhan kanilang relasyon at ayaw niyang pagsisihan iyon.

Dali-dali niyang tinungo ang kanyang sasakyan, at kinatok ang pinto, ngunit napansin niyang wala ang driver sa loob ng kotse.

“hay.. ano bay an?” asan ba si manong..” bulalas niya sa kanyang sarili, hindi rin niya mabuksan ang pinto dahil naka-lock ito at wala sa kanya ang remote ng sasakyan.

“beks!!” humihingal na sigaw ni yuuii chan, mabilis pala itong nakasunod sa kanya. “ano bang ginawa mo.. eksena ka beks!!”

“hayaan mo na ako beks.. kailangan kong gawin ito..” saa niya

Saglit pa’y nakita niyang nagsisilabasan na ang mga bisita at nagmamadaling nag uunahan ang media papunta sa kanya, tanaw rin niya ang tumatakbong si Rian palabas ng simbahan.

“besk! Pahiram ng susi ng kotse mo.. bilis…”

“hah??”

“bilis na!!! pag pipyestahan na ako dito ng media!”

“O-okay. Wait.. eto na oh”

Agad niyang hinablot sa kamay ni yuuii chan ang susi ng kotse nito at mabilis siyang pumasok sa loob at nagmamadaling ini-start ang makina ng sasakyan,nasa ganoong ayos siya ng may mga media ng kumakato sa labas ng kotse na nag pupumilit na makakuha ng estatement galing sa kanya. Saglit lang ay nakita niya si Rian na papalapit na sa kanyang sinakyang kotse. Ngunit hindi na niya hinayaang makalapit pa ito, agad niyang pinaharurot ang sasakyan..

Tiningnan niya ang oras sa dashboard ng kotse, mag aalas-sais na ng gabi, baka naka-alis na si yunik at hindi na siya nakapag antay, bakit ba naman kasi ngayon pa na traffic, ang bagal ng galaw ng kanyang minamanehong kotse. Pasado alas syete na ng gabi ng marating niya ang kanyang alma matter universiry, mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa library building, at dali-dali siyang bumaba at patakbong tinungo ang likod ng buiding. Medyo madilim na sa lugar at tanging ilang mga post lamp lamang ang nagbibigay liwanag doon. Hinagilap niya si yunik sa paligid ngunit bigo siya, sa loob loob niya hindi na nakapag-antay ang lalake, kung sabagay, gabi na rin kasi at siguradong maraming oras din ang binuno ni yunik sa pag aantay sa kanya. Bagsak balikat siyang naupo sa isang bench, naramdaman na lamang niyang tumutulo ang kanyang luha, may panghihinayang siyang naramdaman, wala na rin siyang chance na malaman kung saan niya pupuntahan ang lalake, wala na rin kasi ito sa dating subdivision na kanilang tinitirhan, naibenta na yun ng tita mildred nila ng pumunta na ito ng US, kahit contact number wala rin siya pati social media account ng lalake ay hindi na rin active.

Naalala niya dati, noong naghiwalay ang kanyang mga magulang at sinabi ng kanyang ina sa kanya na talagang mapaglaro ang tadhana, may mga tao kang makikilala at mamahalin mo pero dadaan lang pala sila sa buhay mo, ngunit may ibang babalik sa maling pagkakataon upang subukin ang iyong damdamin at tatag.

Akmang tatayo na sana siya sa pagkakaupo ng maramdaman niyang may isang kamay na dumampi sa kanyang balikat.

“Deijoy..” malumanay na boses na tawag sa kanyang pangalan.

Kilala niya ang boses na iyon, tumayo siya at nilingon ang lalakeng tumawag sa kanya.

“Y-yunik?” sambit ni deijoy ng makilala ang lalake, napatakbo siya at ng makalapit ay mahigpit niyang niyakap ang lalake. “thank you yunik.. hinintay mo ako.. sabi ko sa sarili ko na kakalimutan na kita, ngunit di ko magawa, tama ka Yunik, my heart still call your name”

Kumawala ang lalake sa yakap ng babae at naka ngiting tiningnan niya ito sa mta.

“actually…. Uuwi na talaga ako..” saad ng lalake “kaso bumalik lang ako kasi may naiwan..”

Napakunot-noo si deijoy. “so, hindi ka talaga nag antay? O bumalik para tingnan kung nandito talaga ako? Di mo ba alam kung anong klaseng gulo ang ginawa ko para lang piliin ka? Bukas makalawa, ako na ang laman ng balita sa showbiz pati magazine.. alam mo ba ‘yon? Nagmamadali pa akong pumunta dito at nag babakasakali akong ma-aabutan pa kita tapos ngayon iyan ang sasabihin mo sa akin na bumalik ka kasi may naiwan ka?”

“Oo, bumalik ako kasi naiwan ko ang babaeng pinakamamahal ko…”

Hindi na muling nakapagsalita si deijoy ng bigla siyang halikan ni yunik sa labi, damang dama niya ang init ng mga labi nito, sabik na sabik at punong puno ng pagmamahal.

“Alam ko deijoy na marami akong pagkukulang at pagkakamaling nagawa sayo, but I know in every relationship there is a second chance.. at hindi ko sasayangin itong pagkakataon na ibinigay mo saakin upang patynayan ko at punan lahat ng mga lapses ko sayo”

Napangiti ang babae, may kilig siyang naramdaman sa mga sinabi ni yunik.

“ang korni yunik, pero touch ako!” biro niya.

“ba ‘yan.. panira ng moment… totoo kaya sinabi ko..” tanggol ni yunik sa sarili.

“joke lang…ito naman” bawi ni deijoy. “saka, kinakagat na ako ng lamok dito.. alis na tayo”

Natawa si yunik sa narinig. “okay, lets go.. pero parang gusto kong kumain ng ice cream, yung double dutch!”

“rocky road!” kontra ni deijoy..

Saglit na napaisip si yunik bago muling nagsalita

“Sure! i-rocky road na yan!!”

END-
 
Last edited:

What's Trending

Back
Top