dearth
Well-known Netizen
- Thread Author
- #1
Discussion:
As of 7 April 2021, Mayroong 819,164 total cases nationwide, (+6,414 added on 04/07) 158,701 ang active cases, 646,404 recovered at 14,509 deaths dahil sa COVID-19 dito sa Pilipinas. source: DOHAlam ko na gusto nating lahat or karamihan sa atin ay nais na maging normal na ulit ang sitwasyon sa ating bansa ( o kahit saan man dako kayo ng mundo naroroon ) para makapag-trabaho, aral at iba pang mga bagay na ginagawa natin sa pang-araw araw na buhay natin.
MGA KATANUNGAN:
Sa inyong palagay, gaano pa katagal iiral ang ganitong kalagayan sa ating bansa (o sa bansa kung nasaan ka man ngayon)?
choices: ( bilang ng taon )
Bakit yon ang pinili mo?
- 1-2 saglit nalang
- 3-4 matagal pa
- 5-6 sobrang tagal pa
Bilang mamamayan ng bansa, ( o alinmang lugar sa mundo ) ano ang mga bagay na maari mong gawin sa iyong sarili at ganon din bilang isang pamilya para maiwasan ito? (although mayroon talaga na may nagkakasakit na ganito sa miyembro ng ating pamilya)
Magpapabakuna ka ba? bakit? kung oo, ano ang preferred mo na brand ang ibakuna sayo kung papipiliin ka at bakit ito ang pipiliin mo?
Kahit sino po ay pwede mag-comment basta susundin po natin ang rules at huwag kalimutan ang respect.
Enjoy and Keep Safe!