Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Poems Pamagat, walang maisip na pamagat

rhusforteza

Certified Netizen
Nov 10, 2020
529
33
38
Alam kong anupaman ang aking gawin
Batid kong di mo naman mapapansin
Naiintindihan ko na ang ibig mong sabihin
Sa mga salitang itinext mo sa akin.

Sadyang sa una nagkamali lang talaga
Pagsisi’y huli’t lahat ay nangyari na
Kung sana naging tama lang sa simula
Baka ngayon kahit papano’y ika’y nakakasama.

Hiling ko sayo sana ay marinig
Bibig magsasalita parehong pakinggan ang tinig
Kilalanin hanggang sa magunaw ang daigdig
Damhin ang init ng aking pag-ibig.

Hindi naman ako nagmamadali,
Wag mo lang sanang ilagay sa isantabi
Kung ganun ay lilisan upang hanapin ang sarili
Sasaya gamit ang mga parte kong nalalabi.

Tama kayang bitawan ang pangarap ko?
Ang mahagkan ka’y tila sobrang labo
Pano ba kasi parang may nag-aakin na sa iyo
Malungkot lang isipin hindi siya ako.

At kung sakaling ikaw ay masaktan,
Andito ako maari mo akong takbuhan.
Gamitin mo ako upang sandalan,
At kung pwede pa gawing pananggalang.

Intensyon man ay puro at wagas,
Nasimula’y pangit at inagad mo ang wakas.
Di man lang nabigyan ng oras para ilabas
Ang nararamdaman ko nais kong ibulalas.

Matagal lang talaga ang tunggalian
Walang bumigay parehong matatapang.
Subalit sarili, pinakamabigat kong kalaban
Sa proseso ako ang tunay na nahihirapan.

Kahit ilang beses ko pang pagtakpan,
Di mapigilang lamunin ng kalungkutan.
Ang kadiliman ay nasanay nang tirhan.
Wag mag-alala, mabuti ang aking kalooban.

Pinangarap kong kasama ka sa paglakbay,
Sa regalong tinatawag nating buhay.
At sayo ako hinding-hindi mawawalay,
Aakayin ng maayos ang iyong mga kamay.

Kung sa pagpaparaya iyong mababatid,
Pasuko sa laban ikaw ay maihahatid
patungo sa inaasam-asam mong pag-ibig
tatanggapin ang lahat na para akong tubig.

Pasensya na, ewan ko kung ako pa ay magtatagal,
Papalayain ka, pighati sana’y matanggal.
Parang sakit sa ngipin, pinili kong mabungal
At hayaang tumubo ang mahal na bakal.

Pero sana kahit sa huli’y makapagsalita,
Mga bagay-bagay ating ipaunawa.
At kahit talagang ako ay balewala,
Malaman ang tunay nating halaga.

Kahibangan ko’y iyo sanang intindihin,
Sa ganitong paraan ako ay nagpapapansin.
Kung di mo gusto walang dapat alalahanin,
Tratuhing sining, o hilingin mo’t aking buburahin.

Mundo at isip ko man ay walang kasinggulo,
Puso’y nasaktan, sa utak lagi kang naglalaro,
Hindi man natupad ang mga nais ko,
Masaya na rin ako at naging kaibigan mo.

Written by: RhusForteza
 

What's Trending

Back
Top