Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Tips PC Build Chat

NightShade

Well-known Netizen
Nov 4, 2020
124
4,306
104
Hello mga ka ka-PC Build. Lapag niyo naman mga set up niyo dito sa thread nato. Share niyo nadin mga tips about sa pag build ng pc for gaming, programming, streaming, office work, etc..

Share niyo nadin kung saang shop makakamura ng pc parts.

Share niyo narin mga upgrade path niyo dito para magkaron ng idea yung iba. Iwasan sana naten magkaron ng discrimination sa kung anong pc build pa yun basta importante magtulungan lang at kung paano makakatipid. una nako.

My Gaming Rig:
  • mobo: Asus TUF B550M Wifi Plus = 9,500
  • cpu: Ryzen 3 3300x (4 cores/8 threads) 6,600
  • cooler: Deepcool gammax L240 ARGB 3,700
  • gpu: Asus TUF Gaming X3 RX 5600XT EVO = 16,400
  • psu: Corsair CV650 80+ Bronze = 3,500
  • ram: T-Force Vulcan TUF DDR4 16gb (2x8gb/3600mhz) =5,500
  • ssd: Teamgroup MS30 M.2 ssd (256gb) = FREE ASUS SEPTEMBER PROMO
  • case: Tecware Alpha M (Black) (with 3 non-rgb fans) = 2,600
Total of 47,800

Tips : tips na maibibigay ko sainyo, lalo na kapag medyo tight ang budget niyo, mag focus kayo sa Performance wag muna sa mga aesthetics like rgb rgb lights, I mean nothings wrong with that. kahit man ako gusto ko medyo may angas din yung build ko pero I decided na magfocus muna ako sa perfomance then kahit later na yung aesthetics.

Upgrade path : Pinili ko B550 motherboard na para nakaabang na sa 4th Ryzen. so as of now naka stock cooler ako. still thinking if I go with Noctua NH-D15 Chromax or Liq cooler (undecided pa kung anong brand). And want to add 3x120mm ARGB Fan (undecided pa kung anong brand). Another m.2 but this time 1TB na for my game drive haha. and 1TB HDD for my personal files.

Lahat ng parts, sa ibat ibang shop ko binili. Kung saan mas mura, dunkasi ako bumibili. May parts kasi na mas mura sa lazada and shoppe tapos mahal sa gilmore. May ibang parts naman na mas mahal sa mga online shop pero mas mura sa gilmore. Pero majority talga sa gilmore ka makakahanap ng mas mura. Yung mga price, yan na yung pinaka murang nakita ko last year. Kung siguro hindi ko pinagpilian kung saan ako mas makakamura, aabot yung gaming rig ko ng 52-53k.

yung cpu and gpu ko nabili ko ng mas mura sa PCHub (gilmore) compare sa online shop. then yung mobo and ram mas mura na ngayon sa online shop hahah nabili ko nung september isinakto ko sa asus promo na kapag bumili ka ng asus tuf mobo may free na M.2 256gb not bad narin. Medyo takot pa kasi ako lumuwas ng manila nung sept 2020 dahil sa covid kaya sa online shop nalang ako bumili that time. Sa psu ako nadale haha, ang unang bili ko na psu ay FSP Hydro K series na halos 1week lang eh bumigay na. bigla nalang ayaw mag boot system unit ko dapat pala hindi ako nagpa-uto basta basta ng ganyang brand sa yt kasi hahay, kaya ayun buti hindi nadamay yung ibang components ko so lesson learn. Thank god napapalitan ko naman agad, this time nag Corsair CV650 80+ Bronze nako dun nako sa branded. And last sa casing, grabe napaka hirap maghanap ng available na casing na gusto ko puro out of stock. Balak ko sana bilhin nun ay yung Tecware Forge M bukod sa mura na, may 4 argb fans pa. kaso ayun nga puro out of stock saka may mga nabasa ako reviews na magkakaron ako ng conflict sa clearance kapag naglagay ako radiator (if I'm not mistaken) medyo hindi na kaya ng clearance. Nagdecide ako Tecware Alpha M nalang mas mura din namn, naka mesh din yung front panel with 2 non-rgb fan and 1 non-rgb sa rear.

Kung siguro magbbuild ka this year 2021 with my same specs, nasa 40k-41k nalang siya.

Update : Dahil sa nagaganap na GPU shortage ngayon, yung asus tuf rx 5600xt ko nagkakahalaga na ng 29k believe or not. medyo hindi magandang timing magbuild this year during this pandemic. Affected din kasi (Materials, Manufacturing and Logistics). Dumagdag pa yung Scalpers at Pagtaas ng Bitcoin currency = A bunch of Crypto Miners = Limited Stock/Out of stock = High demand and low supplies => GPU double price :( :( :(
 
Last edited:
Sharing my current gaming rig + for work na din, mostly build nung June 2020 kasagsagan na mahirap kumuha ng parts due to out of stock or napakamahal naman :(

Processor: Ryzen 5 3600 OC @4.5Ghz 1.25v - PCHub Gilmore - 12,000
Motherboard: MSI B550 Tomahawk - MSI-Link Lazaada - 10,199
RAM: T-Force Delta RGB 16GB (2x 8gb/3200mhz) - PCHub Gilmore - 5480
GPU: MSI GeForce RTX 3060Ti Gaming X Trio - Acenet Greenhills - 30000
CPU Cooler - NZXT Kraken Z53 - ITMax Enterprise - 13000
CPU Case - Lian Li Lancool II Mesh - ITMax Enterprise - 8000
PSU: Seasonic Focus 80+ Gold - Ayos Computer - 4500
Storage:
  • XPG SX8200 Pro NVME 512GB (OS)- ITWorld Lazada - 5000
  • Seagate Barracuda 2TB HDD - Digiserv Solution Lazada - 3300
  • Apacer 1TB 2.5" HDD - dating external HDD :)
  • SanDisk Ultra Plus SSD 256GB - For COD Warzone, extra SSD.
Cooling Fans:
  • 3x Lian Li Fan ARGB included with the case
  • 3x PC Cooler Halo 72CFM (Front Panel) - DynaQuest - 1500
Extra: Formulamod PSU Sleeve Extension Cable - FormulaMod Lazada - 1500

Peripherals:
Monitor - Gigabyte G34WQC Ultra wide 34" 1440p 144Hz 1ms - AyosComputer - 24,300 | Looy Alloy vesa mount from Lazada - 930
Keyboard - Rakk Lam-Ang Pro - EasyPC - 3,195 | Replaced switch to Glorious Gateron Red from Rotobox PH Lazada - 1000+ 60pcs
Type C GX12 Aviator coil cable for Keyboard from FatMofos - 1,500
Mouse - Glorious Model O Wireless - GameXtreme Lazada - 4,390
MousePad - Patag XL MousePad - Patag Mousepads Facebook - 800+
Headset - Corsair HS70 Pro Wireless - Softbox Solutions Facebook - 4900
Speaker - Logitech Z333 2.1 Speaker - Logitech Official Lazada - got it from sale at 1999

Obviously sa iba ibang shop ko nakuha mga PC parts ko dahil nung time na yan pahirapan sa stocks and di na importante kanino mas mura, importante nalang nun is makabili ng parts para mabuo na, hehe. Pero sa ngayon since mejo OK na ung stocks I suggest to check muna with Softbox Solutions, AyosComputer - Dahil sila ung kahit papano mura pa compared to other stores at the moment, si PChub sana ok dn kaso mejo tubong lugaw na din sila lately.

Tip lang na mabibigay ko, matuto kayo makuntento! hahaha! dahil masyadong lason tong bisyo na to, nung nag build ako last June 2020, first GPU ko pa was MSI RTX 2070 Super Gaming X Trio, I'm from Manila and umabot pa ako ng Angeles City Pampanga para lang bilhin ung GPU na OP pa dahil 32000 ko na score from around 27000 before magka pandemic, dahil wala ng stock dito sa metro that time kaya umabot ako dun. haha!

Also consider the size of the GPU you're purchasing if kasya ba sa case mo, since na mention ko sa taas ung unang GPU ko, sobrang laki nya na parang isang braso ko na, mejo nahirapan ako nung una isetup sya sa first case ko na deepcool matrexx 55 mesh, konti nalang ung space, nag upgrade pa ko to MSI MagForge 100R then same issue, so I ended up selling them and bough Lian Li Lancool 2 Mesh.

If anyone needs help with PC building, feel free to reply to this thread or send me a message pwede ko kayo tulungan :)
 
nice one tol @Peliii I feel you, sobrang hirap makabili last year halos ilang buwan muna hinintay ko bago ko nabuo yung saken. Minsan nakakainip na maghintay kaya yung iba kahit mahal papatusin na. Tama ka, basta sa mga magbbuild ng pc be contented lang base sa budget.

First week ng pc ko ayun ayaw na magboot, as in wala talaga no post no beep. Palagay ko PSU nadale. So ayun nga since wala akong spare na PSU, ang ginawa ko tinangal ko at ikinabit ko siya sa luma kong PC. Turns out na may problem nga talga si PSU. as in dead talaga.

Tips to all: WAG BUMILI NG HINDI KILALANG PSU. Dun ka sa branded at marami na napatunayan take a review first, obviously isa yan sa basic na dapat tandaan pag magbuild ng pc. tipirin mo na lahat wag lang PSU yep I know that, but in my case nakita ko marami magandang reviews yung FSP Hydro K and ok din yung price. In fact marami akong sinubaybayan na reviews sa mga ibat ibang youtube channel. Pero narealize ko yung ibang mga build kasi sa yt ay for content purpose lang meaning pag nag build sila, babaklasin din nila yun para magamit yung ibang parts sa next pc build nila unlike sa personal build talgang babad. Hindi ko naman nilalahat ah marami naman kasi kilalang branded na ginamit na PSU sa mga pc build vid sa yt, pero yung Hydro K medyo naging interested ako kasi bukod sa mraming magandang review, mura pa. Buti nalang hindi nadamay yung mobo and vc ko nung nasira PSU ko. Ngayon naka Corsair CV650 80+ Bronze nako so far so good at marami ng napatunayan..
 
Last edited:
agree ako jan bro @NightShade wag na wag bibili ng generic psu o mga di kilala, kasi para kang nag tanim ng C4 sa rig mo, mas maganda mag invest na ng true rated na branded PSU, atleast sure kang tatagal to at safe pa ibang PC parts mo.
 
@Peliii yup exactly para kang nagtanim talga ng bomba, buti yung PSU ko hindi naman sumabog. Saka sobrang hassle magpapalit. Online ko kasi binili, so yung psu need ko pa ipa-courier para ipadala pabalik sa kanila then ilang araw nanaman bago ko narecieved yung kapalit. buti nalang meron stock ng Corsair.
 
Share ko na din current rig. Galing ako APU (3400g) and nag upgrade na din pa unti unti nagamit din ng halos 2 years si APU. More on clerical and online Jobs nagamit mostly slight gaming na din like sa emulator and AAA/Esport Titles.

from Ryzen 5 3400g / B450m Mortar Titanium to

Ryzen 5 3500x
MSI B550M Mortar Wifi (nakuha lang ng 6k haha galing Amazon US di compatile 2600x na processor ng may-ari)
Samsung 970 Evo m.2 nvme 500gb
Zotac GTX 1660s
2x8 TForce NightHawk White 3200mhz
WD 1tb hdd
Cooler Master MWE 550 Bronze
DLM21 MESH
6pcs keytech StormX budget Fans for Mystic Light.
 
Share ko na din current rig. Galing ako APU (3400g) and nag upgrade na din pa unti unti nagamit din ng halos 2 years si APU. More on clerical and online Jobs nagamit mostly slight gaming na din like sa emulator and AAA/Esport Titles.

from Ryzen 5 3400g / B450m Mortar Titanium to

Ryzen 5 3500x
MSI B550M Mortar Wifi (nakuha lang ng 6k haha galing Amazon US di compatile 2600x na processor ng may-ari)
Samsung 970 Evo m.2 nvme 500gb
Zotac GTX 1660s
2x8 TForce NightHawk White 3200mhz
WD 1tb hdd
Cooler Master MWE 550 Bronze
DLM21 MESH
6pcs keytech StormX budget Fans for Mystic Light.
wow nice build. how much nagastos mo bro?
 
Nako sir di ko na natatandaan pa isa isa ko sya binili last 2019 e. ngayong Dec. 2020 lang ako nakapag upgrade.
Kakalabas palang ng 3400g non.

All in all siguro value nitong rig ngayon 40+?
 
@mysteltaine nice nice pwede nayan bro, importante goods yung temp. Ako planning to upgrade my cpu cooler. Still undecided kung mag aio ba ako or mag air cooler.
 
depende namn sir sa preference mo tlga e. perfect naman air cooler sa room gaya sakin. di humid etc. Basta OK temps. yun importante haha
 
mukang need ko nga talaga ng aio haha. mainit kasi dito sa room. di ubra air dependent. mainit papasok na hangin haha
 
Eto sa akin... waiting for my processor next week so iaassemble pa lng.
Processor: Ryzen Threadripper 3970x 32 Cores 64Threads 4.5GHz Max Boost Frequency 144MB Cache
Motherboard: Asus Prime TRX 40 Pro
RAM: Corsair Vengeance Pro Black RGB 128GB RAM 3600Mhz (32gb x4)
Cooler: Corsair H100i Liquid CPU Cooler RGB PWM Fans
Graphic Card: Asus ROG Strix RTX 3090 24GB DDR6X OC Graphics Card
SSD: Samsung Evo Plus SSD 1TB M.S NVME
HDD: Seagate Iron Wolf 10TB HDD
Casing: Corsair Carbide Spec 01 Mid Tower Case
Power Supply: Asus 1000W 80 Plus Gold Power Supply
Monitors: 2 x 32" Samsung M7 Smart Monitor VA Panel Type
 
Update ko pla, pinapalitan ko ung casing ko kasi I want to showcase the parts kya I opted for a good open casing...boring ung casing na SPEC 01 ng corsair at black lng kulay niya with 1 panel na open sa loob. itong LIANLI, 2 panels and acrylic tpos roomy sya and designed for optimal air circulation.
Processor: Ryzen Threadripper 3970x 32 Cores 64Threads 4.5GHz Max Boost Frequency 144MB Cache - P104,602
Motherboard: Asus Prime TRX 40 Pro - P23,464
RAM: Corsair Vengeance Pro Black RGB 128GB RAM 3600Mhz (32gb x4) - P38,071
Cooler: Corsair H100i Liquid CPU Cooler RGB PWM Fans - P7138
Graphic Card: Asus ROG Strix RTX 3090 24GB DDR6X OC Graphics Card - P191,345
SSD: Samsung Evo Plus SSD 1TB M.S NVME - P9187
HDD: Seagate Iron Wolf 10TB HDD - P15,334
Casing:LIANLI O11 Dynamic Mid Tower White - P8130
Power Supply: Asus 1000W 80 Plus Gold Power Supply - P15,136
Additional 6x120mm RGB fans for intake.. 3 at the bottom for the GPU and 3 on the sides near the front. - P6583
Monitors: 2 x 32" Samsung M7 Smart Monitor VA Panel Type - P36,484

Approximate Total - P455,474

Quote
Report Edit Delete
 
Last edited:
@bongki84878 nice build tol. yan din gusto kong casing mga lian li, pag nagkaron ako ng budget mag switch ako sa lian li. By the way buti may nahanap ka pa na 3090 ngayong may gpu shortage?, sobrang overprice pa mga card ngayon.
 
Meron pero overpriced...double ung price nya ngaun.. usually USD2k lng yan RTX 3090. Marami rin iteraton ang RTX 3090 pero maliliit lng differences so ung ASUS na kinuha ko... meron MSI, TUF, PNY, ska ung pinaka cheap na RTX3090 ung founder's edition... Asus iteration ksi and the best... I will upload pictures ng rig once assembled... This week cguro... waiting pa ako sa processor from US. Ung processor sna Threadripper 3990 sna kukunin ko ksi double ung core nya, 64 core 128 threads pero doble dn price. next time n lng pag nagmura na..tpos papamana ko na itong 3970x sa anak ko.
 
Meron pero overpriced...almost double ung price nya ngaun.. usually USD2k lng yan RTX 3090. Marami rin iteraton ang RTX 3090 pero maliliit lng differences so ung ASUS na kinuha ko... meron MSI, TUF, PNY, ska ung pinaka cheap na RTX3090 ung founder's edition... Asus iteration ksi and the best... I will upload pictures ng rig once assembled... This week cguro... waiting pa ako sa processor from US.
Nice nice. abangan ko yan tol. excited nako makita yan.
 
Share ko lang din PC setup ko, i build this since last year after magpandemic wala magawa sa kwarto. Dati masaya na ako sa Samnsung i5 Laptop ko pero ng naging uso pagbuibuild nagbalik ako sa pagbuild, nag-aral ako pc tech panahon pa ng Pentium 4 hehehe, kaya nun nagbalik ako sa PC build nagulat ako gaano na kadali magbuild na di tulad dati coconsidered mo pa kung matchmatch ang lahat kesa ngayon. Build ko is for Games, Video editing (more on travel videos ng family at MTB rides) and Home recording (May mga gamit pero di pa nakakapagrecord, hehehe) which di ko na iinclude sa list kasi for pc build naman ung topic...

Ryzen 5 3600/Bundle
MSI MAG B550M Mortar WIFI P 19,980
TForce TUF gaming alliance RGB 2x16 3200mhz 6,000
Gigabyte Geforce RTX 2070 8gb 24,000
Samsung 970 evo plus 500gb 5,500
Toshiba nvme m.2 512gb 3,000
Seagate Barracuda 1TB 2,500
Toshiba HDD 512gb 1,200
Lexar NS100 ssd 512gb 2,300
ROG strix gaming psu 550watts 6,250
Deepcool Gammaxx L240v2 3,300
Deepcool RF120 6pcs 3,600
Tecware Alpha M case 2,400
Total: P 80,030

Peripherals:
MSI Optix MAG27CQR 165hz 26,000
Corsair K63 Wireless Mech.Keyboard 4,000
Razer Basilisk X Hyperspeed Wireless Mouse 3,000
Logitech Z333 2.1 Speaker (LAZADA sale) 1,822
SPARC Soundbar 2,000
Anker Soundcore Liberty 2 wireless Earbuds 3,500
All in Total: P 120,352

Tips: Wag magmadali sa pagbuibuild ng PC nyo kasi lintek ilang build ko ito bago ako nanahimik, have a game plan kung hindi twing magbubukas kayo ng PC groups or you tube videos meron at meron kayong gusto palitan sa pc nyo. Sa akin mula sa i5 and RX570 build (I broke this build sa kakabutingting) to Ryzen 5 2400 and RX580 to Ryzen 2600 and GTX1660 super to current Ryzen 5 3600 and RTX2070, twice ako nagbenta ng build ko na medyo mura ayaw ko kasi tumagal sa akin ung unit dahil sa pandemic wala magawa sa bahay since last year. Papalit palit din ako ng keyboard at mouse, Kaya please bago magbuild set kayo target na specs. Maswerte ako na nabili ko ung RTX2070 nun early February bago pumalo ang price ng mga GPU, biruin mo ung 24k mo GTX1660 lang nun binili ko GTX1660 super ko last year is 14k grabe...

Kung may nakikita kayo pwede ko improve sa PC ko feel to say din naman, thanks and have a great bulid sa mga magbubuild pa lang...
 

Attachments

  • 171571215_829345471015473_2920040406850963031_n.jpg
    171571215_829345471015473_2920040406850963031_n.jpg
    276.5 KB · Views: 11
Dumating dn sa wakas ung PC ko, nirewire ko ksi ung nag assemble hndi marunong ng cable management. Hndi ko nkuha ung RTX 3090 Asus ROG iteration, kya ung Zotac OC trinity and available ska ung RAM ko instead na corsair vengeance, Tridentz Neo ang nkuha. Tpos nagdagdag ako ng 7x120mm fans for airflow. 6 na me RGB for intake tpos isa na wlang RGB for exhaust na tinabi ko sa radiator ng CPU. 2 fans lng ksi ung CPU cooler kya nagdagdag ako ng isa pa. Eto kinalabasan,

Processor: Ryzen Threadripper 3970x 32 Cores 64Threads 4.5GHz Max Boost Frequency 144MB Cache - P104,602
Motherboard: Asus Prime TRX 40 Pro - P23,464
RAM: Trident Z Neo RGB 128GB RAM 3600Mhz (32GB x4) - P47,426
Cooler: Corsair H100i Liquid CPU Cooler RGB PWM Fans - P7138
Graphic Card: RTX 3090 24GB DDR6X Zotac Gaming Trinity OC Graphics Card - P204,838
SSD: Samsung Evo Plus SSD 1TB M.S NVME - P9187
HDD: Seagate Iron Wolf 10TB HDD - P15,334
Casing: LIANLI O11 Dynamic Mid Tower White - P8,130
Power Supply: Zalman Wattera 1000W 80 Plus Gold Power Supply - P15,136
Additional 6x120mm RGB fans for intake.. 3 at the bottom for the GPU and 3 on the sides near the front. - P1,977
1x120mm fan Be Quiet Pure Wings 2 for exhaust. P962
Peripherals:
Monitors: 2 x 32" Samsung 4K Curved LU32R590 Monitor VA Panel Type - P34,772
Wireless Keyboard and Mouse: Logitech MK 345 - P1,568

Total - P474,534
 

Attachments

  • 1e675edc-c6ce-4a82-abff-372708597fb7.jpg
    1e675edc-c6ce-4a82-abff-372708597fb7.jpg
    85.2 KB · Views: 20
  • e591644b-3cff-4c8a-ab08-199a79d80b06.jpg
    e591644b-3cff-4c8a-ab08-199a79d80b06.jpg
    132.9 KB · Views: 18
  • db13a0d3-8e8d-42ab-be82-f1ab73188825.jpg
    db13a0d3-8e8d-42ab-be82-f1ab73188825.jpg
    100 KB · Views: 17
  • a34e3172-38b3-4f85-8828-5bff8a406c80.jpg
    a34e3172-38b3-4f85-8828-5bff8a406c80.jpg
    83.1 KB · Views: 16
  • 4c94eaaa-0f08-41c3-ac48-8e3d83fc19e4.jpg
    4c94eaaa-0f08-41c3-ac48-8e3d83fc19e4.jpg
    104.3 KB · Views: 19

What's Trending

Back
Top