At first, I was decided to vote for Isko, why?
1. We need a fresh start. Yong hindi makakapagpaalala ng nakaraan (Marcos sa Martial Law) at walang binubuhat na reputasyon ng pamilya (Leni sa Aquino/Liberal). Ang hirap kasi pag either si Leni or Marcos ang manalo, lets face the truth na walang perpektong gobyerno, meron meronng mapupuna ang mga tao, kesyo ganto, kesyo ganyan, bottom line is, pag may palpak na step, sasabihin "kasi Marcos yan" or "kasi Dilawan yan".
2. Nakita ko rin naman na maayos ang naging pmamalakad niya sa Manila, in fairness, umayos at luminis sa Quiapo, dati rati, pag nagjogging ako from Espanya to Luneta, takip ilong dahil sa mga ebak at basura sa gilid ng kalsada. May output at tangible yong output.
then lately, lumabas yong balitang nagbenta siya ng government property na mejo nagpaisip sa akin.. hahaha.. and now, I'm thinking of going for BBM. We cannot deny na matalino si BBM, sa mga forum, at interviews, iba siya kung sumagot, science based. Nang binanggit niya yong term na "data center" sa isang interview, I was impressed. Other presidentiables promised to improved the network/internet sa Pinas, but they did not specify "HOW" would they do it, or if they did, hindi ganon kalalim yong pagkakaexplain, unlike BBM he knows the technology and he knows how it works. Doubt lang ako pagdating sa output niya. Politicians can always say, gagawin ko ito, isasabatas ko ito, but at the end of the day, yong output talaga makikita ng tao. Sana yong mga pramis nila is magkaroon ng output at ramdam ng tao.
Bumuto para sa Pilipinas, Hindi para sa Pulitiko.
Vote for someone na tinitibok ng puso mo, at pinagisipan mo. Karapatan mo yan!