Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Jokes on You!

Ang Tsaa

RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood.

ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan.

POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin.

WAITER: Bakit hot water lang po.?

POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako...
 

Annulment

Isang magasawa ang dumulog sa korte para magpa-annul.

Judge: Ano ang dahilan para kayo magpa-annul?

Babae: (Nagsalita habang nakayuko) Your honor, katawan lang ang gusto niya sa akin.

Judge: Anong pruweba mo?

Babae: (Nakayuko pa rin) Tuwing nag love making kami tinatakpan niya ng towel ang mukha ko.

Judge: Ikaw Mister bakit mo ginagawa yun?

Mister: No comment your Honor. Just see for yourself.

Misis: (Nagalit at hinarap ang mukha sa Judge) See bastos talaga ang taong yan.

Judge: (Habang nakatingin kay Misis.) Annulment petition granted. Ikaw naman lalaki, bakit ngayon ka lang nagfile ng annulment? Ang tiyaga mo.
 

Common Sense

Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher...

Teacher: Bakit blank ang work mo?

Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.

Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?

Bata: Ubos na po,kinain ng baka.

Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?

Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo?

syempre umalis na po.

Common sense naman mam!
 

Madamot

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.

Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?

Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!

Pedro: Ganun ba?

Kuha ka na, kahit ilan!

May langka pa doon!
 

Eyebol

Pedro: may ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! “SHA” daw ang palayaw niya!

Juan: jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!

(after eyebol, pedro went home…)

Juan: kumusta? Bakit malungkot ka yata?

Pedro: dioniSHA pare! dioniSHA!
 

Similar Threads

Back
Top