Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Stories A STORY OF A WEDDING PROPOSAL [ Original story by: KIKKO25]

Nov 18, 2020
1,600
59,806
169
♂️
kikko25 logo.png
Malakas ang Ulan sa labas….
Sinuot niya ang black leather jacket, matapos makipag usap sa cellphone, inilapag ito sa isang maliit na mesa. itinaas ang hood ng jacket at ipinantakip sa kanyang ulo, lumabas ng bahay at kinuha ang kayang bisekleta at mabilis itong pinatakbo..


------------------------------------
A STORY OF A WEDDING PROPOSAL
[Original story by: KIKKO25]

Maraming tao sa ospital, lahat busy lahat may kanya kanyang ginagawa…ngunit ako abalang abala naman sa pag aayos ng aking mga gamit..
“Good Luck Glenn” masayang bati sakin ng bestfriend kong si Nurse Arnold ako nama’y nagmamadaling nag aayos ng aking mga gamit, “exicited kanang umuwi bro, wag mong kakalimutan na i-invite mo kami sa wedding nyo ni Cathy ahh!” nakangiting dagdag nito.
“loko, proposal palang ang gagawin ko” saad ko sabay lingon kay Arnold. “matagal pa ang kasal, siguro, a year or two. pero sana maging positive ang response ni Cathy mamaya pag propose ko”
“Aba’y syempre naman” sang ayon ni Arnold “ang tagal nyo naring mag jowa ahh.. ilang taon na nga ba kayo? Three years ba?”
“Apat Pare” nakangiting tugon ko.

“oh, nandito na pala si Nurse ben” sabi ni Arnold ng makitang papalapit na si Ben. “alam mo ‘tol, panira ka ng moment, alam mo namang may importanteng okasyon itong si pareng Glenn, saka ka naman late? dapat kaninang alas syiete pa ang start ng shift mo!”
“Pasenya na pare” kamot ulong saad ni Ben. “traffic ehh, ang lakas pa ng ulan sa labas.”

“okay lang yun” sabat ko sa kanilang usapan “wait, anong oras na ba?” sinipat ko ang aking relo “uyy, alas otso y medya na ng gabi. Tama lang dating mo Nurse Ben, “may dala naman akong sasakyan”
Tumuwid ako ng tayo mula sa aking pagkakayuko dahil sa pag ayos ng aking mga gamit. Isinaklay ko ang aking knapsack bag sa kanang balikat ko. “oh, pano, uuwi na ako, I pag pray nyo ko ahh sana maging maayos ang wedding proposal ko mamaya!” tumalikod na ako sa dalawa.

“uyy pare!” pahabol na saad ni Arnold “yung sing sing? Chi-neck mo ba sa gamit mo? Baka maiwan ahh?” paalala nito,

Oo nga pala, saad ko sa aking sarili, binuksan ko ulit ang zipper ng aking bag at hinalungkay ang loob nito, nakahinga ako ng malalim ng makita ko ang maliit na kahon na kulay pula, nakangiti akong humarap sa dalawa habang nakataas ang isa kong kamay na hawak ang lalagyan ng singsing
“eto, dala ko! Salamat bro!”
“Ilagay mo sa bulsa mo para sigurado!” tugon ni Arnold sakin,
“sige bro, eto, ilalagay ko na sa bulsa ko” patawang sambit ko. Sinunod ko naman ang payo sakin ni Arnold, ipinasok ko ito saaking bulsa. Very supportive talaga ang bestfriend ko..
Doon nalang ako sa CR sa basement Parking mag papalit ng damit, buti don wala masyadong tao,

Bumukas ang pinto ng elevator, sumalubong saakin ang mainit at amoy gasolinang hagin mula sa basement parking ng mga empleyado ng ospital, iba kasi ang parking area ng mga pasyente at mga hindi empleyado. Ang swerte ko nga eh, sa isang magandang ospital ako nag ta-trabaho, maayos ang pasahod, at madali ang promotions. Tinungo ko ang kinaroroonan ng aking sasakyan, wala ang guard na nagbabantay doon, pansin ko din na madalas wala sa designated post ang gwardia doon. Buti nalang at secured naman ang parking area. Binuksan ko ang trunk ng aking sasakyan para kunin ang dala kong pamalit na damit, tinungo ko ang kinaroroonan ng CR,
“ang malas naman, Out of Order pa” naiinis kong saad. “
Wala akong nagawa, bumalik ako ng aking sasakyan at Pinaandar ito.
Habang nasa kalsada, marahan ang takbo ng aking sasakyan, ang lakas talaga ng ulan at mahangin pa.
Dito pa naman sa amin, pagka ganitong may masamang panahon, maagang nagsasara ang mga stablishments. Maya-maya’y dumilim,
Namatay lahat ng street lights,. BROWN OUT..



Sa di kalayuan, nahagip ng headlight ng aking sasakyan ang isang lalakeng nakahandusay sa gitna ng kalsada, nakadapa, katabi nito ang isang bisikleta,
“shit!, baka na hit and run!” saad ko sa aking sarili, dali-dali kong itinabi ang kotse at bumaba, para tingnan ang nakahandusay na lalake at kung sakaling may malay, mabigyan ko rin ng first aid.
Kinuha ko ang aking first aid kit at bumaba ng sasakyan, lumapit ako dito at hinawakan ko ang kanyang pulso, buhay pa. nilapitan ko pa ito at marahang hinawi ang hood ng kanyang jacket na nakatakip sa ulo, walang anu anong bigla itong bumangon, sa gulat ko paupo akong napa atras, sumadsad ang aking siko sa espaltong kalsada. Matalas ang tingin saakin habang papalapit, may kinuha itong kutsilyo sa kanyang bulsa.
“S-sir, wait, wag mong ituloy yan, ibibigay ko sayo ang pera, cellphone, wallet o anumang gusto mong makuha saakin, wag mo lang akong papatayin!” takot at kinakabahan kong sabi habang paupo akong umaatras habang papalapit sa akin ang di kilalang lalake. Huminto ito, ibinaba ang kamay na may hawak na kutsilyo. Dahan dahan naman akong tumayo, “nasa loob sir ng kotse ang pera ko, wait lang kukunin ko” dahan dahan akong naglakad pabalik sa aking sasakyan habang panaka-naka ko namang sinusulyapan ang kayang kanang kamay na may hawak na patalim. Binuksan ko ang pinto sa may driver side at yumuko akong kinuha ang aking knapsack, pag lingon ko, nagulat ako, nasa likod ko nap ala ang lalake, isang puldaga lang ang pagitan namin, ramdam ko ang talim ng kutsilyo sa aking tagiliran, ng akmang ibibigay ko na sa kanya ang aking bag, may isang sasakyan naman na papalapit sa amin. Tumama ang ilaw ng headlight nito sa aming dalawa at bumusina.

----------------------------------
Madilim, maputik at maulan. Habol hininga akong tumatakbo sa gilid ng kalsada, may mga minutong humihinto ako sa lilim ng puno o kaya naman sa waiting shed para sumilong sa malakas na ulan. Puno na ng putik ang aking suot na puting slacks na pantalon.basang basa na ang aking buong katawan, ngunit hindi ko ramdam ang lamig. Buti nalang at nakatakas ako sa lalake kanina.. muntik na ako dun.. bakit ko nga pala iniwan ang aking sasakyan? Sabagay, ok lang, babalikan ko nalang bukas, ang importante makauwi ako ng bahay. Importante ang araw na ito sakin..
Malakas ang ihip ng hangin, walang ilaw ang mga street lights. Sinipat ko ang aking relo sa kaliwang kamay.
“alas dose na pala ng hating gabi, bakit ang bilis ng oras? Mag aalas nwebe na ako umalis ng ospital at wala pang tatlumpung minito bago nangyari ang insidente? Ahh basta, kaylangan kong umuwi, at baka nasa bahay na si Cathy, siguro pagkatapos ko nalang mag propose sa kanya saka ako magpapasama kay kuya Mike sa police station, ayokong masira ang araw na ito..
Marami akong tanong sa aking sarili, ngunit hindi ko malaman ang sagot, umiling –iling na lamang ako at muling tumakbo. Malakas ang hangin na sinabayan pa ng pahampas hampas na ulan, tumatama ito sa aking mukha panaka-naka ko itong pinupunasan ng aking mga kamay, madilim ang paligid, buti nalang at alam ko ang daan patungo sa aming bahay.
“Wala man lang dumadaan na jeep o kaya tricycle, ang malas ko naman!” “sabagay, pangit ang panahon, kaya siguro maagang nag si pag-uwian ang mga drayber”
Excited ako sa gabing ito, dahil birthday ni Mommy at pupunta doon sa bahay si Cathy. At sa araw din na ito ako sa kanya mag po-propose, apat na taon na rin kaming magkasintahan at parehong stable na an aming mga trabaho, pareho narin kaming may naipundar, at sa tingin ko, tamang panahon na ito para mag propose sa kanya ng kasal. “Oo nga pala, yung singsing!” sambit ko sa aking sarili sabay kapa sa aking bulsa. Naramdaman ko ang maliit na kahon, “thanks God, nasa bulsa ko pa”. Patuloy ako sa pag takbo sa gilid ng kalsada.
Ilang saglit pa’y naaninag ko na ang aming bahay, huminto ako sa ilalim ng matandang puno ng acacia na may ilang metro ang layo mula sa aming bahay. Maraming ilaw, Tanaw ko ng kaunti mula sa gate at mga taong nasa loob. buti nalang at may ǥëñeŕàtôŕ sa bahay.. at salamat sa diyos, nandun pa ang mga bisita at sana nandun pa si Cathy. Maaasahan talaga si kuya Mike. Alam niya kasi ang plano ko na pag po-propose kay Cathy, at siniguro ko sa kanya na lahat dapat ay aayon sa plano, marami rin siyang suggestions na talaga namang nakatulong para sa araw na ito, double celebration ika nga, birthday ni mama at marriage proposal para sa aking girlfriend.

Pinagpag ko ang aking slacks kahit alam kong kapit na kapit na ang putik doon. Nakakahiya naman na papasok akong ganoon kadumi, meron pa namang mga bisita, kaya minarapat ko nalang na dumaan sa likod ng bahay. Kelangan ko ring mag palit ng damit, naka uniporme pa kasi akong pang nurse. Bakit ba kasi din a ako nag palit ng damit sa ospital?
Bukas ang pintuan ng kusina at habang papalapit ako, naaninag ko si kuya Mike, kausap si Cathy, may hawak itong baso na may lamang juice
Nakangiti akong bumungad sa pintuan ng aming kusina, at nakatingin ako sa aking kapatid at kay Cathy.
Patuloy na nag usap ang dalawa, masinsinan at seryoso, mukhang hindi ako napansin. Nag lakad pa ako papalapit sa kanila ng sumalubong saaakin ang alaga kong Pusa na si chicki, lumapit ito sa aking paanan, umupo at tumingala sa akin, nakatingin ito sa aking mga mata, at marahang kumukumpas ang kanyang buntot na may makapal na balahibo. ngumiti ako at nag squat sa kanyang harapan, ng ilapit ko ang aking mga kamay upang haplusin ang kanyan ulo, nagalit ito at bahagyang umatras.
“chicki…” sambit ko sa aking alagang pusa. Ngunit patuloy parin ito sa pag ngihis, labas ang mga pangil at galit , nakatayo ang mga balahibo nito. May kakaiba ngayong araw, muntik na akong masaksak ng magnanakaw, umuwi akong tumatakbo sa malakas na ulan, galit ang aking pusa at parang hindi ako pinapansin ng mga tao dito sa bahay…
tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan ni Kuya mike. Hindi ko masyadong naiintindihan ang kanilang pinag uusapan, mahina at seryoso ang kanilang usapan. Ng bahagyang tatapikin ko na ang balikat ni kuya, lumabas naman mula sa sala ang aking tita Cindy kasama ang aking pinsan na si Rommel,

“Mike, balik na kayo sa sala, hinahanap ka ng mommy mo.” Saad ni tita cindy sa dalawa. Ngumiti ako kay tita, ngunit dinaanan lamang niya ako ng tingin.tumayo sa pagkakaupo si Cathy at Kuya mike, tinungo ang sala, sumunod ako sa dalawa.

Sa sala, nandun ang iba kong aking pinsan, na nakatira din malapit lamang sa aming bahay. ilang karabaho, ilan ding mga kapitbahay at ang aking matalik na kaibigan na si Arnold. Natuwa ako’t naandun ang aking bestfriend para lang suportahan ako sa araw na ito, Ikaw na talaga ang Bestfriend kong supportive, makakabawi din ako sayo bro! nakangiting sambit ko sa aking sarili habang nakatingin kay Arnold.
Walang anu-anong, bigla nalang umikot ang aking paligid, nanlabo ang aking paningin, nakakahilo…hinawakan ko ng dalawa kong kamay ang aking ulo at napapikit, may kung anong maliwanag na gumuhit sa aking isipan at naalala ang ilang pangyayari…


…….....................Napalingon ang lalake sa paparating na sasakyan, at tumama ang ilaw ng Headlight ng sasakyan nito sa aming dalawa, bumusina ito… dali daling lumingon muli sa akin ang lalake at hinablot ang aking bag sabay saksak ng kutsilyo sa aking tagiliran.. at mabilis nitong dinampot ang kanyang bisekleta at mabilis na umalis. ramdam ko ang tatlong sunod sunod na saksak sa aking katawan, mahapdi, masakit, ramdam ko ang init ng maraming dugong lumalabas sa aking katawan,
Bumagsak ako, at para bang ang bigat ng talukap ngaking mga mata, na waring inaantok at gusto ng pumikit. Pilit kong iminumulat ito, Malabo kong nakikita ang isang lalake na bumaba ng kotse, at sumisigaw, habang papalapit sa akin, binuhat nito ang aking ulo, tinapik ang aking pisngi, habang ang kanyang boses ay mahinang naririnig ko na umaalingawngaw hanggang sa namanhid na ang buo kong katawan at di ko na napigilang ipikit ang aking mga mata…..


Tumunog ang cellphone, may tumatawag. Muli kong iminulat ang aking mga mata,
“Hello?..” - si Cathy, sinagot ang tumatawag sa kanyang cellphone, habang naglalakad palabas ng bahay.
Sinundan ko siya
Sa labas, medyo tumila ang ulan, pero mahangin parin at may konting ambon. Huminto siya malapit sa garden table namin. Na may kalayuan sa main entrance ng bahay.. may malalagong halaman din doon kaya di kaagad makikita mula sa loob ng bahay. Mula sa kanyang likuran, nakatayo ako, eto na siguro ang tamang oras pa mag propose sa kanya, kinuha ko ang maliit na kahon mula sa bulsa ng basang basa kong slacks pant, ng akmang bubuksan ko na.. nakita kong lumabas din mula sa bahay ang bestfriend kong si Arnold, patungo ito sa kinaroroonan namin ni Cathy, Lumayo ako ng ilang hakbang kay Cathy, alam kong lalapit si Arnold dito.
Mula sa kanyang likuran naramdaman niya ang pag patong ng kamay ni Arnold sa kanyang balikat, lumingon siya rito, Napayakap si Cathy sa aking kaibigan, mahigpit, may emosyon at may yakap ng pagmamahal..habang ang kanyang mukha ay nakasubsob sa dibdib ni arnold, tumingin sila sa isa’t isa, walang luha ang kanilang mga mata bagkus mukhang Masaya sila sa nagyayari. Unti unting nagkalapit ang kanilang mga mukha at marahang dumampi ang kanilang mga labi, sabik, uhaw, at tuwang tuwa ang kanilang mga puso, hindi ako nakakibo, hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang hawak kong sing sing na dapat sana’y ibibigay k okay Cathy,. Muling nag hiwalay ang kanilang mga labi, nakangiti ang si Arnold habang hinahagod ng kanyang mga daliri ang buhok ni Cathy.

“Now we’re free, hindi mo na kaylangan pang sabihin kay Glenn ang totoo” mahinang sambit ni Arnold kay Cathy habang hawak ng kanyang mga palad ang makinis na pisngi ng aking kasintahan.
Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin, galit ang aking nadama, sa halo halong emosyon na aking naramdaman, patakbo akong bumalik sa loob ng bahay at tumambad sa akin ang isang mahabang puting kahon na napapaligiran ng mga puting bulaklak, may kandila, at mga ilaw, ang Litrato ko, nasa ibabaw ng kahon... lumapit ako, naginginig ang buo kong katawan, hindi ko alam ang aking nararamdaman, halo-halo ang aking emosyon, huminga ako ng malalim at nilakasan ko ang aking loob, ipinikit ko ang aking mga mata at dahan danhang lumapit sa mahabang puting kahon, unti unti kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang aking katawan, na animo’y mahimbing na natutulog.

Sobrang panlulumo at sakit ang aking nararamdaman, hindi ko akalain na ganun ang mangyayari, kaya pala hindi nila ako napapansin, naririnig o nakikita, tanging si chicki lamang ang nakakakita sa akin.. muli kong nilingon ang dalawa, mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nila, sobrang galit ang aking nararamdaman.. ngunit sa paglapit ko, halos mabingi ako sa narinig kong pag uusap nila..
“I love you Cathy, destiny had speak, it’s me and you forever, and not Him. We don’t need to pretend anymore.. ”
“I Love you too Arnold” banayad na tugon ni cathy dito.

Niyakap niya ng mahigpit ang bestfriend ko, habang nakayakap si Cathy, kinuha ni Arnold ang kanyang Cellphone binuksan, at nireplyan ang kausap sa text message:

“I Pay u double, xcelnt job!”
--END--
 
Last edited:
like ko muna mate, I'LL read later sa parent's house kasi may time. Keep posting original article mate. It is always an honor to have somebody in this forum who has an artistic mind and probably one of the few people who thinks beyond if not just outside the box. Cheers mate!
 

Similar Threads

Back
Top