What's new

Welcome to Pinoy Tech Forum

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Latest Thread

Poems Ang Langit ko ay Impyerno

MyzticEye

Certified Netizen
𝖩𝗈𝗂𝗇𝖾𝖽
Mar 20, 2021
𝖬𝖾𝗌𝗌𝖺𝗀𝖾𝗌
260
𝖱𝖾𝖺𝖼𝗍 𝖲𝖼𝗈𝗋𝖾
31
𝖯𝗈𝗂𝗇𝗍𝗌
33
Shekels
₪3
Animo't isang panalangin yaring pag kamusta

handang talikuran, pinto ng kalangitan

sa Diyos ay babawiin, mga bagwis na Kanyang sinubasta

Masilayan lamang muli tuksong karikitan.


Pumanaog mula sa pagpanaw upang iabot

pusong dinurog ng limot at poot

Oh! katamis-tamisang pait nitong pag ibig

mahabag sa taong handang magpaka busilik


Sa aking pag yapak sa mundong katangis-tangis

mga pakpak ko'y tumikom, ay anong bilis!

itong nadarama ay hindi na maikubli

ibubulong na lamang sa iyong mga labi.


Ngunit pumulang muli itong kadiliman

nang makita siyang nakaakbay at nka halik sa iyong kamay,

Sa altar ng Maykapal kayo ay nagsumpaan

Ay nako! Dambana ng pag ibig! ako'y muling pinag sarhan!


Malambing na pag aalala, akala ko'y himala,

iyon pala ay isang mapag balat-kayong sumpa!

piniling bumulusok sa mga kumukulong luha- nananaghoy.

Walang hanggang hapdi yaring mga apoy!
 
Back
Top Bottom