Welcome!

By registering with us, you'll be able to discuss, share and private message with other members of our community.

SignUp Now!

Gambling Addiction

xvhinz24x

Well-known Netizen
Dec 6, 2020
472
1,816
104
Anyone here na at some point of your life ay nalulong sa sugal or natalo ng malaki sa sugal? Paano mo nalagpasan? Anong maipapayo mo sa mga taong dumaraan sa ganitong sitwasyon?

Magsisimula sa panalong malaki, then dahil sa easy money, matutuwa at maglalaro nang maglalaro. Then kapag matalo na, unti unti hahabulin mo yung talo mo until bigla mong marealize na sobrang laki na ng napatalo mo.

I posted it here sa health section dahil ang gambling addiction (disorder) ay considered a health problem din... which can lead to depression, broken family, suicide at iba pa.

1611054230481.png
 
Isali mo na rin Sir yung mobile games addiction. Madalas na ako napagsasabihan dahil nakamarka na ang katawan ko sa sofa sa kalalaro ng mobile games.
 
Noong high school ako sobrang nalulung ako dito sa mga ganito sa school namin nun. digits, kara krus, dice at poker. pag naka singit videokarera na rin. baon ko nung 40 pesos per day pero nauubos ko sa sugal sobrang kaadikan ko nun. natuto pa akong mamakla (bantay sa videokarera) para lang may pang sugal. pati yung pabaon sa akin na kanin at ulam na subukan ko na ring ipusta nun. pati gf ko that time inutangan ko na. alam nyang lulong ako sa sugal nun, ilang beses nya na rin akong inawat pero gagawa at gagawa talaga ako ng paraan.
Hanggang isang beses inatake ako ng hyper acidity na sobrang sakit ng tyan ko habang nakatingala at humuhula ng tatayaan sa digit. napasandal ako patalikod tapos bigla na lang nag dilim paningin ko at nagpintig tenga ko. bumagsak na pala ako.
Paunti unti galing itim naging puti yung paningin ko, may naaninag akong mukha at paunti unti na rin bumabalik yung pandinig ko. may mga pumapatak na mukha ako, lluha pala nung gf ko that time. saktong pabagsak na ako ng nasalo nya ako, sinandal sa hita nya tapos pinapaypayan nya ng panyo habang iyak ng iyak. doon ko narealize yung mga nagawa ko, yung mga mali, yung pagiging makasarili at kaadikan sa sugal. sabi ko nun lord salamat dahil meron kayong binigay na ganitong kaganda at kabait na babae sa akin. pinagako ko na titigal na ako sa sugal at magpapabuti lalo ng 2 years na syang nagtatsaga sa ugali ko at pilit na pinaparamdam na mahal nya ako.
Tumino ako nun. bahay, school, minsan bahay nila pag wala papa at mama nya. iniisip ko sa kanya ko na lang ibabaling oras ko. mas masaya at masarap (masarap sya magluto pramis).
Altought after 3months nung hilo incident ko nag break din kami masasabi ko na parin na masaya akong naging parte sya ng buhay ko. minsan kailangan lang talaga na may magtrigger eh. na matauhan ka. marerealize mo na lang na mali ang ginagawa mo at gusto mo ng ituwid. kapit lang brad. makakahanap karin ng reason ng pagbabago mo :)
 
Isipin mo na lang, kugn yung oras na ginugugol mo jan sa walang kwentang bagay na yan eh igugugol mo sa pagpapalago ng skills mo abay baka mayaman ka na ngayon.
 

Similar Threads

What's Trending

Back
Top