- Nov 18, 2020
- 1,618
- 59,883
- 169
- ♂️
- Thread Author
- #1
THE PAIN IN MY HEART
[Orihinal na Tula ni Kikko25]
Sampung taong pagmamahalan,
Masasayang araw nakatatak parin sa puso’t isipan
Mga gabing ika’y kapiling, ala- alang nais paring mahagkan
ngunit ngayon, mag isang umiiyak yakap ang malamig na unan
kung ako ma’y nagkamali,
sana mapatawad muli
hindi ko nais na ika’y masaktan
pusong nag mamakaawa sana’y pagbigyan
Mahal pa rin kita
Ngunit siya’y mahal mo na
Masakit man sa aking kalooban
Ito na rin ang tamang paraan upang ika’y pakawalan
Sugat sa puso’y hihilom din,
Tanging panahon ang mag didikta kung magmamahal parin
Sarili’y dapat ko ring mahalin
bagong yugto ng buhay kaylangang harapin
walang nag mamahal na hindi nasasaktan,
dapat maging matapang, harapin at labanan
hindi maaaring sayo lang iikot ang aking mundo
sapagkat bukas makalawa, may sisibol na bagong AKO..