What's new

Welcome to Pinoy Tech Forum

Join us now to get access to all our features. Once registered and logged in, you will be able to create topics, post replies to existing threads, give reputation to your fellow members, get your own private messenger, and so, so much more. It's also quick and totally free, so what are you waiting for?

Poems MAPAG - PANGGAP | by; KIKKO25 [ Based on true to life story]

kikko25

Well-known Netizen
Notable
𝖩𝗈𝗂𝗇𝖾𝖽
Nov 18, 2020
𝖬𝖾𝗌𝗌𝖺𝗀𝖾𝗌
1,489
𝖱𝖾𝖺𝖼𝗍 𝖲𝖼𝗈𝗋𝖾
59,082
𝖯𝗈𝗂𝗇𝗍𝗌
169
Shekels
₪1,337
MAPAG-PANGGAP
Orihinal na tula ni KIKKO25


Sa
bintana ako’y napatingin
Sa Isang dalagang animo’y kumikislap na bituin,
Sa kanyang ganda ako’y nabighani
Sana’y makilala ang magandang binibini

Lumipas ang araw, ikay muling nasilayan,
Mula sa aking bintana na lagi kang sinusubaybayan.
Kailan ka kaya makikilala, binibining kay ganda.
Uhaw kong puso, na sa iyo’y umaasa.

Araw araw, isip ko’y ikaw palagi ang laman,
Kahit Sa panaginip nais kang mahagkan,
Bukas, makalawa, sana’y ikay makilala
Aking nararamdaman, lubos sayong nagungulila

Sa jeep na aking sinakyan, patungong Malate,
Di ko inaasahan, ikaw ay makakatabi
Tuwang tuwa ang aking puso,Sarili ay di mapakali ng lumingon ka sa akin
Habang ang mahabang buhok marahang nililipad ng hangin

Pag abot mo ng bayad, makinis mong kama’y sakin ay tumambad.
Ngunit ako’y natulala ng sabihin mo kung saan ka bababa,
Puso’y natameme, sa seksing Babae
‘Tang ina.. bakit boses mo’y LALAKE..
 
medyo na offset yung kilig sa umpisa ah :D :D :D
 
Back
Top Bottom